Chapter 26: The Break Up

3.1K 58 1
                                    

Tiffany's POV

Nagising ako dahil may nararamdaman akong may humahalik sa pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang napakagwapong mukha ng  asawa ko na ngayon ay nakangiti sakin.

"Goodmorning." sabi nya at dinampian ako ng halik sa labi. Kakagising nya palang pero ang bango parin ng hininga nya. Napangiti nalang ako ng maalala ko ang nangyari kagabi.

"Goodmorning din" sabi ko at hinaplos ko ang mukha nya. Nararamdaman ko din na masakit yung pagitan ng mga hita ko pero hindi ko nalang pinansin.

"Im very happy mushroom.Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon Tiffany." kinuha nya ang kamay ko at hinalikan ito. "I promise you,from now on everything will be alright. Hindi ko na hahayaang masira tayo,at hindi ko na hahayaang masaktan ka ulit."

"Ang swerte ko naman sa asawa ko" sabi ko at pinisil ko ang pisngi nya.

"Mas swerte kaya ako sayo. Biruin mo yun,maganda" *chup* hinalikan nya ako sa noo

"ang sexy"*chup*  hinalikan ako sa tungki ng ilong ko

"ang talino" *chup* hinalikan ako sa pisngi

"ang sweet" *chup* hinalikan ako sa kabilang pisngi.

"ang bait" *chup* hinalikan ako sa labi.

"lahat na yata nasa asawa ko na." sabi nya at hinalikan naman ako sa leeg. Kilig naman ako sa sinabi nya. ^_^ and imagine hanggang ngayon wala kaming suot kahit ano makapal na kumot lang ang nagtatakip sa mga katawan namin.

"But nobody is perfect." sabi ko

"Yeah I know,but for me,you are perfect." napangiti ako ng makita ko ang sugat sa labi nya,naalala kong kinagat ko yun kagabi.

"Sana lagi nalang tayong ganito no?,yung masaya,walang iniisip na problema at sana wag na dumating ang araw na magkahiwalay ulit tayo." sabi ko sa kanya. Mas nilapit nya pa ang ako sa kanya at mahigpit akong niyakap ng mga bisig nya.

"Hindi na ulit mangyayari yun Tiffany,you know how much I love you at hindi ko  alam ang gagawin ko kapag dumating ang araw na magkahiwalay ulit tayo." hinalikan nya ang ibabaw ng ulo ko at mas lalo nya akong inilapit sa kanya.

"Makikipagkita ako kay Jessica ngayon." sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ako sumagot at hinintay ko lang ang susunod nyang sasabihin.

"Makikipaghiwalay na ako sa kanya." tinignan ko sya sa mga mata nya pero bahagya lang syang ngumiti sakin. "Ayoko nang makita kang nasasaktan at nahihirapan dahil lang sakin. Gagawin ko ang lahat Tiffany....Gagawin ko ang lahat para makabawi at ipakita na mahal na mahal kita."

Jessica's POV

"Anong meron? Bakit ayos na ayos ka yata ngayon?" tanong sakin ni kuya pagkalabas ko ng kwarto ko.

"Susunduin ako ni Sam. Magdidinner kami ngayon sa labas kuya." sabi ko habang nakangiti ng malapad. Si kuya naman,tinignan ako mula ulo hanggang paa at parang nagtataka ang itsura nya.

"Magdedate lang kayo pero parang gown na yang suot mo?" sabi nya habang tumatawa.

"Kuya naman!!!" pagsuway ko sa kanya. Aba! malay ko ba baka mamaya kaya ako hinayang magdate ni Sam kasi magpopropose na pala sya sakin huh! mabuti na yung ready noh.!

"Hahaha Im just kidding. You just look pretty in your dress."

"I know that and thank you kuya."

The Secret WifeWhere stories live. Discover now