Chapter 19: I love you

3.3K 68 0
                                    

Tiffany's POV

"Minahal mo ba ako kahit konti??" I asked. Narinig ko yung mahina nyang pagtawa.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong nya. Tumango nalang ako bilang pagsagot.

"Hindi kita minahal ng konti...." sabi nya na ikinatigil ko,ibig sabihin hindi nya talaga ako ma..."Dahil minahal kita ng sobra...." nagulat ako sa sinabi nya,hindi ko kasi inaasahan na ganun yung isasagot nya sakin. Yung pagtibok ng puso ko sobrang bilis. "At hanggang ngayon mahal na mahal parin kita" pagpapatuloy nya.

Kumalas ako sa pagkakayakap nya sakin at tinignan ko sya ng maigi sa mata.

"Bakit? hindi ka ba naniniwala?" tanong nya. Totoong hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Parang dati lang kasi,ayaw nya sakin but now...he love's me?

"Hindi kasi ako maka..." halos magwala yung puso ko ng bigla nya akong halikan sa labi. Naestatwa ako at hindi ako makagalaw. Yung puso ko nagiingay at nagwawala na naman. Nararamdaman ko din yung mga paru paro na nagkakagulo sa tiyan ko.

"Oh ano,naniniwala ka na ba na mahal kita?" sabi nya habang nakangiti pagkatapos nyang halikan yung labi ko. Hindi parin ako makagalaw hanggang ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan nya ako sa labi.

"Pero paano? Paanong naging mahal mo ako? Sabi mo nga sakin noon,hinding hindi mo ako magugustuhan" sa wakas nakapagsalita na din ako.

"Hindi ko gustong sabihin sayo yun. Dahil Simula pa lang naman mahal na kita. Hindi ko lang sinasabi sayo." sabi nya.

"But why? At si Jessica..." hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil Hinawakan nya yung dalawang palad ko.

"Don't think about Jessica,I don't love her. Una palang ikaw na yung mahal ko."

"Hindi mo naman pala sya mahal pero bakit kailangan.. "

"Ssshhhh.Hindi mo pa pwedeng malaman. But I promise,sasabihin ko sayo sa tamang panahon. At gusto kong malaman mo na hindi ko ginusto lahat ng ginawa ko sayo dati,maniwala at magtiwala ka lang sakin Tiffany hindi kita bibiguin. Pero ipangako mo sakin...kahit anong mangyari,wag kang susuko,wag kang bibitaw." seryoso ang pagkakasabi nya sakin nun. Kahit hindi ko pa masyadong maintindihan kung ano yung sinasabi nya ay parang may part sa puso ko na sinasabing intindihin ko sya. Gumaan yung nararamdaman ko,dahil kahit papano,nakahanap ako ng sagot at yun ay ang malaman na mahal nya ako.

Hindi naman siguro masama kung magtitiwala ako sa kanya.

"Hindi mo na ba ulit ako sasaktan?" tanong ko.

"Never." sabi nya at hinaplos nya yung kaliwang pisngi ko.

"Promise?"

"I promise Tiffany. Basta magtiwala ka lang sakin. Aayusin ko ang lahat" sabi nya at hinatak nya ako para yakapin. "I love you" bulong nya sakin. Napangiti nalang ako dahil dun.

"May gusto din akong itanong sayo" Hindi ko alam parang kinabahan ako bigla. "Ikaw ba....do you still love me?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong nya.

"Naiintindihan ko kung hindi mo na ako mahal..."

"I love you" sabi ko ng may ngiti sa labi. Halatang nabigla sya sa sinabi ko.

"Ano yun? Paki ulit hindi ko narinig eh." sabi nya na parang hindi makapaniwala.

"Ah hindi mo narinig? okay."

"Joke lang. Halika nga dito" niyakap nya ulit ako.

"Pagkakatiwalaan kita Sam,sana wag mo akong bibiguin. Ayoko na ulit masaktan."

"Promise I will not going to hurt you again" sabi nya at hinalikan nya yung ibabaw ng ulo ko.

Ang saya ng nararamdaman ko ngayon. Yung sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng saya at understanding. Sana ganito nalang kami palagi. At sana tuparin nya yung pangako nya sakin.

Sam's POV

Sa wakas bumalik na sya sakin. Ito yung gusto kong mangyari dati pa. Sobrang saya ko ng sabihin nya sakin na mahal nya parin ako. At higit sa lahat,sobrang saya ko dahil nakuha ko ulit yung tiwala nya.

Nandito kami ngayon sa kusina at kumakain ng lunch. Yung calderetang niluto ko kagabi,yun yung kinain namin,pina init ko lang sa microwave.

"Mmmm ang sarap!" sabi nya pagkasubo nya sa caldereta. Napangiti nalang ako dahil dun.
"Marunong ka naman palang magluto eh" sabi nya at ngumiti sya sakin.

"Nagpaturo pa ako kay mommy para maluto ko sayo yan." sabi ko. Kumunot naman yung noo nya.

"Mommy?" tanong nya

"Yeah. Yung mommy mo." sabi ko. Yung itsura nya parang nagtataka.

"Wag mo nang isipin yun. Kain ka nalang." sabi ko kaya nagpatuloy na sya sa pagkain.

"Tiffany balik ka na dito sa condo natin" sabi ko. Nagangat sya ng tingin sakin.

"Pero paano kung malaman ni Jessica?"

"Don't think about her. Ako na yung bahala sa kanya. Basta yung gusto ko,bumalik ka na dito. Because...I miss you so much" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya sakin.

"I love you Tiffany" sabi ko at hinawakan ko yung kanang kamay nya.

"I love you too Sam" sagot nya sakin. Haaaay ang saya ko! Tama nga si Thyrone kapag inlove ka hindi mo na naiisip yung mga problema. Inlove na inlove ako at walang iba kundi sa asawa ko.

The Secret WifeWhere stories live. Discover now