Chapter 7: Friend?

4.4K 98 0
                                    

Tiffany's POV

Nabigla ako nang makita ko si Sam dito sa resto. Hindi ko inexpect na magkikita kami dito. Nakatitig lang sya sakin at ganun din ako sa kanya. Aaminin ko,mas lalo syang naging gwapo ngayon. Nagiba na din yung ayos nya,dati medyo mahaba yung buhok nya pero ngayon nagpagupit na sya. Pero nakikilala nya kaya ako?

"Tiffany?" sabi nya. So that means nakilala nya nga ako. Biglang nagflashback yung mga ginawa nya sakin noon. Ewan ko pero biglang bumalik yung sakit na nararamdaman ko.

"Stephanie? Do you know him?" Napatingin ako kay Hans ng magtanong siya nginitian ko lang sya at binalik ko ang tingin ko kay Sam na ngayon ay nakatingin saming dalawa ni Hans.

"Babe!" napatingin ako sa babaeng lumapit kay Sam. Wait kilala ko to. Right! She is Jessica ang girlfriend daw ng magaling kung asawa or should I say kabet? Well sabagay hindi nya naman alam na may asawa na yung boyfriend nya.

"Excuse me but....do I know you?" tanong ko kay Sam. Tumingin ako sa babaeng haliparot at nakataas ang kilay nya sakin. Tss wala pa rin syang pinagbago she's still a b*tch.

"Do you know her babe?" tanong ni Jessica kay Sam.

"A-ahmm she's my highschool friend. And yung family nya yung may ari ng company na minamanage ko ngayon" sabi ni Sam habang hindi nya alam kung san ba sya lilingon. High school friend? Gusto kong tumawa sa sinabi nya.

"Ahh sorry hindi kita nakilala." sabi ko kay Sam.

"Ow nice meeting you. Hi! Im Jessica,Im Sam's girlfriend" sabi ni Jessica at inabot nya sakin yung kamay nya.

"Nice meeting you too. Im Stephanie,Sam's FRIEND." diniinan ko pa yung word na friend. Inabot ko yung kamay nya at nagshake hands kaming dalawa. Gusto kong masuka sa ginagawa ko. Aacckk! "And by the way...this is Hans,my very good and special friend." pakilala ko sa kanila kay Hans.

"Nice to meet you guys" sabi naman ni Hans.

"Nice to meet you too." sabi ni Jessica at nakipag shake hands din kay Hans. Pero si Sam wala lang imik.

"Hope we become friends too?" sabi ni Jessica sakin.

"Why not?" sabi ko naman at nagbigay ng plastic na ngiti.

"By the way we have to go.Let's go Hans." sabi ko at hinaya ko na si Hans sa upuan namin. Ewan ko pero bigla akong na bad trip.

"You okay? Bakit nakakunot yang noo mo?" tanong ni Hans. Nagpakawala muna ako ng buntung hinga bago ko sya sagutin.

"Hans,the truth is...yung lalaki kanina...he is my husband" sabi ko. Halatang nagulat sya sa sinabi ko.

"But why did he say that you are his friend?" nagtatakang tanong nya

"I don't know. Maybe because.....nandyan yung girlfriend nya? ofcourse ayaw nyang malaman ng girlfriend nya na may asawa sya." sabi ko.

"Woah. Ang kapal ng mukha nyang asawa mo huh? buti hindi mo agad sinabi kanina kundi baka nasuntok ko na yun." sabi nya. Natawa naman ako sa sinabi nya. Im very thankful na I have a friend like him.

"Sir here's your order." sabi nung waiter at isa isa na nyang nilapag yung mga foods na inorder ni Hans. Napatingin ako kung saan nakaupo sina Sam at yung babaeng haliparot. Nahuli kong nakatingin siya sakin pero agad din siyang nagiwas ng tingin.

Nagsimula na kaming kumain ni Hans at totoo nga yung sinabi nya,ang sarap nga ng mga foods nila dito.

"Hans ang sarap ng foods niyo dito" sabi ko at nagthumbs up ako sa kanya.

"I told yah. Sabi ko sayo masasarapan ka sa mga foods namin." sabi nya. "Diba tomorrow ka na magtatrabaho sa company nyo?" tanong nya sakin.

"Yeah why?"

"Well I wish you a good luck. I know you can do it." sabi nya. I smile to him.

"Thanks"

Sam's POV

"Excuse me but.....do I know you?" hindi ko maalis sa isip ko yung sinabi sakin yung ni Tiffany. Alam kong nagkukunwari lang siya,alam kong nakilala nya ako. Hindi ko din gustong sabihin na she is just my highschool friend. Dumating lang kasi si Jessica kaya hindi ko alam yung isasagot ko. But Tama nga yung sinabi sakin ni Thyrone,Tiffany is different now. Sobrang ganda nya na ngayon pero hindi ko naman sinasabi na panget siya dati...para sakin maganda na siya dati pa.

"Babe,Stephanie is familiar to me. I think nakita ko na sya dati." sabi ni Jessica habang nakahawak sa baba nya. Hindi nalang ako kumibo.
"But I find her nice. I like her." sabi nya habang nakangiti. Sigurado akong pagnalaman niya na asawa ko si Tiffany hindi nya na ito magugustuhan. Tsk!

Tumingin ako sa table kung saan sila nakaupo. Nakangiti siya dun sa Hans ba yun? Ah basta! Sino ba yun? san kaya siya nakilala ni Tiffany? Ewan ko pero kumulo yung dugo ko nung pinakilala siya ni Tiffany samin.Agad akong nagiwas ng tingin nung tumingin din sya sa lugar namin.

Maya maya lang ay nakita ko syang tumayo at pumunta sa may restroom. Ito na ang pagkakataon ko para makausap siya.

"Jessica punta lang akong restroom. Excuse me"

"Okay" tumayo na ako at mabilis pumunta sa cr ng mga babae,hinintay kong lumabas si Tiffany. After a minutes ay lumabas na sya kaya agad kong hinawakan yung braso nya halatang nagulat sya sa ginawa ko.

"Tiffany,let's talk." sabi ko

"Talk? About what?" sabi nya at marahas na tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso nya.
"May dapat ba tayong pagusapan?" sabi nya. Nagiwas ako ng tingin. Ano nga ba yung dapat naming pagusapan? "Mukhang wala naman." sabi nya at aalis na sana siya ng tawagin ko ulit yung pangalan niya.

"Tiffany......I miss you" sabi ko. Napahinto sya sa paglalakad pero hindi sya tumingin sakin. Maya maya lang ay naglakad na ulit sya palayo sakin. Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi sa kanya yun.

The Secret WifeWhere stories live. Discover now