Chapter 10: She is mine

4.4K 93 1
                                    

Sam's POV

"Maglulunch na din ako. Pwede bang sumabay na ako sa inyo?" sabi ko at ngumisi din kay Hans. Ang yabang nya sino ba sya? Kaibigan lang naman sya ni Tiffany. Eh ako? ako yung asawa. Hihintay kong sumagot sila. Nakita kong may binulong si Hans kay Tiffany. Haaaay nakakainis! dikit sya ng dikit sa asawa ko!

"Tara" sabi ni Hans at lumabas na sila ni Tiffany. Syempre hinabol ko sila at pumantay ako kay Tiffany habang naglalakad,nasa kabilang side naman si Hans. Napansin kong tumitingin sakin si Tiffany at para syang naiilang. Tumingin ako sa kanya at nag smile. Nagiwas naman agad sya ng tingin. Ang ganda talaga ng asawa ko.

Nandito na kami ngayon sa isang restaurant. Walking distance lang ito mula sa office kaya nilakad nalang namin. Umupo na si Tiffany sa isang table tumabi sa kanya si Hans at ako naman umupo sa katapat na upuan nila.

"Tiffany what do you want?" tanong ni Hans kay Tiffany habang nakatingin dun sa Menu.

"Yung gusto ni Tiffany is yung Chicken Terriyaki." sabi ko habang nakatuon din sa menu. Alam ko na yun yung paborito nyang kinakain. Napatingin sakin silang dalawa. Nakakunot yung noo ni Tiffany habang nakatingin sakin.

"Diba yun yung lagi mong kinakain Tiffany?" dagdag ko pa.

"Y-yeah" sabi nya.

"Ganun nalang din yung order ko. Don't worry treat ko na kayo." sabi ko at nilapag ko yung hawak kong menu.

"Restroom lang ako." paalam ni Tiffany samin. Tumango lang sa kanya si Hans tsaka umalis.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong nya. Anong ibig nyang sabihin?

"What are you saying?" tanong ko. I heard him chuckle.

"Alam ko kung ano ang totoo mong relasyon kay Tiffany." sabi nya na ikinabigla ko. Pano nya nalaman? Sinabi ba sa kanya ni Tiffany?
"Bakit mo sya sinaktan ng ganun?" tanong nya ulit. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.
"Hindi ko alam kung bakit mo nagawang saktan si Tiffany at kung bakit sinasaktan mo parin sya hanggang ngayon. Pero isa lang ang masasabi ko sayo...napakalaki mong tanga dahil sinaktan mo ang isang tulad nya. Because for me...Tiffany is an ideal girl." sabi nya. Nasaktan ako sa sinabi nya sakin. Totoo nga yung sinabi nya...napakalaki kong tanga kung bakit sinaktan ko sya noon. Alam ko sa sarili ko na mahal ko sya pero hindi ko napatunayan. Mahina ako. Mahina ako dahil hindi man lang ako lumaban para sa kanya. Mahina ako dahil hindi ko naipakita na mahal na mahal ko sya. Nagpakaduwag ako dahil sa isang Threat. But I know hindi pa huli ang lahat,may pagkakataon pa ako para bumawi at patunayan ko sa kanya na mahal na mahal ko sya,na kaya ko syang ipaglaban. Pero may isang katanungan ang pumasok sa isip ko Mahal nya pa kaya ako?

"Aminin mo nga sakin...do you like my wife?" tanong ko kay hans. Ngumisi sya sakin at sumandal sya sa sandalan ng upuan.

"Yeah. I really like her. Kaya maghihintay ako hanggang sa maghiwalay na kayo." sabi nya na ikina inis ko.

"I will not going to let her go" may diin sa pagkakasabi ko.

"Ano bang sinasabi mo? Diba ayaw mo naman kay Tiffany? You keep on hurting her. Lagi mo nalang sya sinasaktan. Kaya you don't deserve her." sabi nya. Konting konti nalang talaga masasapak ko na ito. Hindi ako papayag na makuha nya si Tiffany..

"Tiffany is mine. She is mine." sabi ko at mabilis na lumabas sa restaurant. P*ta! nawalan ako ng gana dahil sa g*gong yun! Hindi nya makukuha si Tiffany sakin.

Tiffany's POV

"Nasaan si Sam?" tanong ko kay Hans. Pagkabalik ko kasi wala na si Sam.

"Ewan. Biglang umalis eh." sabi nya. San naman kaya siya nagpunta?
"Siguro nawalan ng gana kaya bumalik nalang sa office." sabi nya.

"Siguro nga" sabi ko at umupo na sa lugar ko.

"Tiffany bakit mo kasama si Sam sa office?" tanong nya.

"Gusto kasi ni Tito Manuel na tulungan ako ni Sam sa pagmamanage. Ang sabi ko,kaya ko naman mag isa pero hindi sya pumayag. At isa pa ayaw ding umalis ni Sam dun kaya wala na akong magagawa." sabi ko.

"Eh nasabi mo na ba sa kanya na balak mo na syang hiwalayan?" tanong nya. I just shook my head.

"Bakit hindi mo pa sinasabi?" tanong nya.

"Gusto kong pagusapan naming dalawa yun ng masinsinan." sabi ko. Ang totoo nyan,nalilito pa ako sa nararamdaman ko. Para kasing nag iba na sya ngayon. Nagtataka din ako kung bakit alam nya na yung Chicken Terriyaki yung paborito ko ang alam ko kasi wala syang alam tungkol sakin,dahil wala siyang pakealam. Pero ngayon....Ewan! Ang gulo!

The Secret WifeWhere stories live. Discover now