Chapter 12: Lie

3.7K 68 1
                                    

Tiffany's POV

"Tiffany...are you mad?" tanong nya na ikinatigil ko. Nagangat ako ng tingin sa kanya. Nasa harap sya ng table ko ngayon.

"Bakit naman ako magagalit? At meron ba akong dapat ikagalit?" tanong ko sa kanya saka ngumisi.

"Y-yung nakita mo kanina..." sabi nya.

"Ah yung naghahalikan kayo nung girlfriend mo? Don't worry,it's nothing." sabi ko at ibinalik ko yung tuon ko sa ginagawa ko.

"H-hindi ka ba nasaktan?" nagulat ako sa tanong nya. Bakit nya tinanong yun? Dahil ba para malaman nya na nasasaktan ako? yun naman yung gusto nya eh..gusto nya lagi akong nasasaktan.

"Hindi. Wala sakin yun. Sanay na ako eh. Diba ganito naman lagi yung ginagawa mo sakin dati?" may diin ang pagkakasabi ko nun sa kanya. I know I lied. Alam ng sarili ko na nasaktan ako pero hindi ko inamin. Pero kailangan kong ipakita sa kanya na malakas na ako,na hindi na ako ang dating Tiffany.

"Im sorry." halos pabulong nya nang sabihin yun.

"Para saan?" tanong ko. Gusto kong malaman kung para saan yung paghingi niya ng sorry.

"Im sorry kung lagi kong nasasaktan yung damdamin mo. Hindi ko ginusto yun." sabi nya

"Hindi mo ginusto?" sarkastikong pagkakasabi ko. Hindi sya sumagot bagkus ay nakipagtitigan lang sya sakin. Hindi ko alam pero nakikita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya. Pero siguro kailangan nya nang malaman yung desisyon ko. Para matapos na ang namamagitan samin,para maging malaya na sya sakin.

"Kailangan nating magusap" sabi ko sa kanya,nakita kong kumunot yung noo nya.

"Tungkol saan?" tanong nya. Hindi ko sya sinagot.

"Bukas ng gabi,magkita tayo sa...." hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng magsalita na sya.

"Sa condo nalang natin" sabi nya.

"Ayo..."

"Please?" putol nya ulit sa sasabihin ko. Seryoso ba sya? Pero ayoko na ulit pumunta dun. At isa pa,dun parin pala sya nakatira?

"Fine" pagsuko ko sa kanya. Nakita kong sumilay yung ngiti nya sa labi.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa office. Gusto pa nga akong ihatid ni Hans pero hindi na ako pumayag. Baka makaabala pa ako sa kanya meron daw kasing problema dun sa resto ngayon kaya hindi na ako pumayag na ihatid nya ako dito.

"Goodmorning maam" bati sakin ni Diane pagkapasok sa office.

"Goodmorning din" sabi ko at nginitian ko sya.

"Oo nga po pala,pinapasabi po ni Sir Samuel na hindi daw po sya makakapasok ngayon." sabi nya.

"Ha? Pero bakit?" tanong ko. Hay bakit ko ba tinatanong eh ano naman kung hindi sya pumasok? Hindi naman big deal yun.

"Wala po syang binanggit na dahilan" sabi nya.

"Okay" sabi ko

"Atsaka kinuha nya din po yung cellphone number nyo sakin" sabi nya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit daw?" tanong ko pero nagkibit balikat lang sya sakin.

Buong maghapon ay wala akong ginawa kung hindi magtrabaho. Hindi na din ako kumain ng lunch.

Maya maya ay narinig kong may nagtext sa cellphone ko. Tinignan ko kung sino ito pero number lang yung nakasulat kaya binuksan ko ito para basahin.

Don't forget later,magkita tayo sa condo huh? I'll wait for you

Yun yung laman ng text. Kahit number lang alam ko na kung sino yung nagtext. Pero napangiti ako nung mabasa ko yung text nya sakin. Ngayon lang kasi sya nagtext ng ganyan sakin.

7:00 na ng gabi nang maisipan kong umalis na sa office.

"Diane you may go now" sabi ko kay Diane pagkalabas ko ng office.

"Okay po. Ingat po kayo maam" sabi nya sakin.

"Ingat ka din" sabi ko at ngumiti sa kanya. Pagkatapos ay umalis na ako.

The Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon