Chapter 21: Start of something new

3.6K 62 0
                                    

Tiffany's POV

Isang linggo na ang nakakalipas mula nung magkaayos kami ni Sam. Bumalik na din ako sa condo namin. Alam na ni mommy at tito Manuel yung nangyari samin.

Ang saya nga ni Tito Manuel nung nalaman nya yun. Si mommy naman,ewan ko kung anong reaksyon nya,pero sabi nya susuportahan nya daw ako sa magiging desisyon ko.

Pero may isang tao pa akong hindi napagsasabihan,at yun ay si Hans. Busy kasi sya this past few days,ang dami nya daw kasing inaasikaso.

But Im gonna tell him today. Tinawagan ko sya kanina at ang sabi ko magkita kaming dalawa mamayang gabi pagkatapos ng trabaho ko buti nalang free sya mamaya.

"Mushroom are you okay?" bumalik ako sa huwisyo ko ng tanungin ako ni Sam,iniisip ko kasi kung paano ko ba sasabihin kay Hans ang lahat. Alam kong masasaktan ko sya dahil naghihintay sya sakin. At ang alam nya din,makikipaghiwalay na ako kay Sam.

"May iniisip lang ako spongebob" sagot ko sa kanya. Naramdaman kong niyakap nya ako mula sa likod. Nandito kami ngayon sa office ng company namin. Hanggang ngayon ayaw nya paring umalis dito sa kompanya,para daw oras oras nya akong kasama.

"At ano naman ang iniisip ng mushroom ko?" pagkatapos ay hinalikan nya ako sa pisngi. Hindi parin ako sanay sa kasweetan nya sakin,naninibago parin ako. Wala kasi syang ginawa sakin this past few days kundi pakiligin ako,ramdam na ramdam ko yung pagmamahal at pagaalaga nya sakin and Im happy for that.

"Im going to meet Hans tonight. We need to talk" bumitiw sya sa pagkakayakap sakin at iniharap nya ako sa kanya. Yung noo nya,nakakunot.

"Hans? yun ba yung kasama mo nung nagkita tayo sa resto?" tumango lang ako bilang sagot

"Eh bakit kailangan nyo pang magusap? Ano bang paguusapan nyo?"

"Kailangan nyang malaman yung naging desisyon ko para hindi na sya umasa" sabi ko na mas lalong nagpakunot sa noo nya.

"Sabihin mo nga sakin,may gusto ba sayo yun?"

"Oo." mahina yung pagkakasabi ko nun.

"Sabi ko na nga ba. Kaya pala kung makadikit sayo kala mo...." natawa ako sa ekspresyon ng mukha nya. Sobrang kunot ng noo nya at parang galit.

"Are you jealous?" tanong ko habang tumatawa. Pero sya,hindi parin nagbabago yung ekspresyon ng mukha nya.

"Yeah Im f*cking jealous. You are my wife,and you are only mine. Ayokong may magkakagusto pa sayong iba. Gusto ko ako lang. Gusto ko akin ka lang." ang possesive naman ng asawa ko. Pero aaminin ko,kinilig na naman ako dun sa sinabi nya.

"That's why we need to talk. Hans is my friend. Isa syang mabuting kaibigan para sakin."

"Sasamahan kita" sabi nya pero umiling lang ako.

"No need."

"But...."

"Do you trust me?" tanong ko sa kanya

"Ofcourse I trust you" sabi nya at hinawakan yung kamay ko.

"You don't need to worry Sam."

"Fine. Pagkatapos nyong magusap,umuwi ka agad."

"Yes boss" sabi ko at ngumiti sa kanya habang sya nakakunot parin yung noo "Smile ka na rin spongebob." pilit kong tinatanggal yung pagkakakunot ng noo nya.

"Kiss muna" sabi nya at ngumuso sakin.

"Para kang bata!" sabi ko habang tumatawa.

The Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon