Chapter 5: She's back

4.4K 91 0
                                    

Sam's POV

"Babe,saan mo pa gusto pumunta?" tanong sakin ni Jessica. Nandito kami ngayon sa mall. Kakatapos lang namin kumain ng lunch.

"Ikaw ba? san mo gusto?" tanong ko sa kanya.

"You want to watch movie?" tanong nya. Tumango nalang ako kaya pumunta na kami sa sinehan. Bibili na sana ako ng ticket pero biglang nagring yung phone ko.

"Excuse me for a minute." sabi ko kay Jessica. Tumango naman sya kaya lumayo ako ng konti sa kanya. Tinignan ko kung sino yung tumawag. Tsk si Thyrone lang pala.

"Oh problema mo?" pambungad kong sabi sa kanya.

"Pare hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." sabi nya

"Eh bakit sasabihin mo pa kung alam mo naman palang hindi ako maniniwala?" bored na sabi ko.

"No pare. She's here." sabi nya.

"Sino naman?" bored paring sabi ko.

"Si Tiffany. Pare,Tiffany is back!" biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Enough for the joke Thyrone. Please lang tantanan mo na ako."

"Im not joking pare. Totoo yung sinabi ko. Nakita ko sya ng harap harapan kanina sa bahay nila Jiane"

"Bakit naman ako maniniwala sayo?" sabi ko.

"Okay pare para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo,mamaya pumunta ka sa ****** Restaurant,mga 7:00 PM. Narinig kong pupunta sya mamaya dun sabi nya kay Jiane. Pumunta ka dun kung gusto mong malaman at kung gusto mo syang makita." sabi nya at binaba nya na ang tawag. Bumalik na ko kung nasan si Jessica. Nakabili na pala siya ng ticket. Kaya bumili nalang kami ng popcorn. Totoo kaya yung sinasabi ni Thyrone?

"Babe you okay?" tanong ni Jessica

"Yeah. Let's go?" haya ko sa kanya at pumasok na kami sa loob. Hindi ko maintindihan yung pinapanood namin dahil hindi parin matanggal sa isip ko yung sinabi sakin ni Thyrone. Bumalik na kaya talaga si Tiffany?

May aaminin ako sa inyo pero secret lang natin okay? Ang totoo nyan. Miss na miss ko na si Tiffany. May dahilan ako kung bakit ganun ang pakikitungo ko sa kanya dati. May dahilan ang lahat. Pero hindi nya pwedeng malaman. Hindi nila pwedeng malaman.

"Babe ang ganda ng movie noh?" tanong sakin ni Jessica. "Babe sigurado ka okay ka lang? kanina ka pa walang imik eh."

"Yeah may iniisip lang ako about sa trabaho." palusot ko.

"Ahh okay" sabi nya

"Babe gusto mo magdinner tayo mamaya sa labas?" tanong ko sa kanya. Para namang nag ningning yung mata nya sa narinig nya.

"Sure" sabi nya.

"Sunduin kita mamayang 6:00 okay?"

"Okay" Ang totoo nyan kaya ko sya hinaya,gusto kong malaman kung totoo ba yung sinasabi ni Thyrone. I want to know if Tiffany is back..

Tiffany's POV

"Anak,ready ka na bang ihandle ang company natin?" tanong ni Mommy sakin. Nandito kami ngayon sa garden ng bahay namin at nagmemeryenda.

"Yeah. Ang totoo nga po Im very excited na for tomorrow. At last ako na ang maghahandle ng business na naiwan ni Dad sa atin." simula bukas,ako na ang maghahandle ng company namin. I will make sure na hindi ko pababayaan yung iniwan samin ni Dad.

"Then good. Sinabi ko na rin sa Tito Manuel mo yung balak mo at buti pumayag sya. Hindi ko lang alam kung nasabi niya na kay Sam yung tungkol dun. But sabi ni Manuel,bukas pupunta daw sya sa company natin para makita at makausap ka na din."

"Well that's good. Para narin po magpasalamat ako sa lahat ng tulong na binigay nya satin." sabi ko. Im very thankful to Tito Manuel,kung hindi dahil sa kanya siguro bumagsak na yung business namin ngayon.

"Sabi sakin ni Hans may lakad daw kayo mamayang gabi?" tanong ni mommy.

"Ah opo. Hinaya nya akong magdi dinner sa restaurant nya." sabi ko.

"Tiffany anak,wala ka bang balak magpakita kay Sam or umuwi sa man lang sa condo niyo?" tanong ni mommy na ikinatigil ko.

"Mom ayoko na pong bumalik dun. At isa pa wala ng dahilan para bumalik pa ako dun,hihiwalayan ko na sya at yun naman po ang gusto nya diba?" sabi ko at uminom ng juice.

"Alright. Basta anak,make sure na tama ang magiging desisyon mo and pagisipan mo yang mabuti." Nakapagisip na ako. Hihiwalayan ko sya para sa ikasasaya nya at para sa sarili ko. Pagod na ako sa pagiging tanga at ayaw ko na ulit maranasang masaktan pa.

The Secret WifeWhere stories live. Discover now