Chapter 6: They meet again

4.3K 92 0
                                    

Sam's POV

Nandito na kami ni Jessica sa restaurant na sinabi sakin ni Thyrone kung saan daw pupunta si Tiffany. Nakatitig lang ako sa labas ng restaurant at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ah ewan! kinakabahan ako.

"Babe hindi pa ba tayo papasok?" tanong ni Jessica. Nagpakawala muna ako ng buntung hininga.

"Let's go" sabi ko. Pumasok na kami sa loob ng resto. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay agad kong inilibot ang paningin ko dito.

"Goodevening Maam,Sir. Do you have any reservation?" hinahanap ng paningin ko si Tiffany pero bakit wala siya?

"Babe are you okay?" tanong ni Jessica.

"Y-yeah." sabi ko.

"We have no reservation. So please just give us a table for two." sabi niJessica dun sa receptionist.

"Okay Maam. This way po." sinundan naman namin yung babae. Tumingin ulit ako sa paligid pero hindi ko talaga siya makita.

Nakapag order na kami ng food namin pero hindi ko parin sya nakikita. Tsk niloloko lang yata ako nung gago!

"Babe ang sarap ng food nila dito noh?"

<___< >____> -ako

"Sam?" tawag nya ulit sakin.

"Huh?"

"Are you sure you're okay? Kanina ka pa wala sa sarili mo. Atsaka May hinahanap ka ba? Kanina ka pa lingon ng lingon eh"

"Hindi. Nagagandahan lang ako sa dito sa resto ang unique kasi ng style nya eh." palusot ko.

"Okay?" sabi nya habang nakakunot yung noo. Haay kanina pa ako nagpapalusot sa kanya. Relax ka lang kasi Sam.

Maya maya lang ay nagring yung phone ko. Tumatawag si Thyrone.

"Excuse me." sabi ko at lumayo kay Jessica.

"Hello Sam! Ano nakita mo na ba siya?" sabi ni Thyrone sakin.

"Niloloko mo lang ba ako Thyrone?" sabi ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag nya.

"No! hindi kita niloloko pare. Im telling the truth."

"Eh bakit wala naman siya dito? You said she will be here at 7:00 but it's already 8:00! D*mn!"

"Relax lang pare napaghahalataan ka masyado eh." sabi nya at tumawa sa kabilang linya.

"What are you saying?"

"hahaha Wala! By the way baka naman yung hinahanap mo eh yung dating Tiffany? Pare ako na ang nagsasabi sayo,ibang iba na siya ngayon. Hindi na sya yung dating Tiffany na kilala mo. Wala na syang makapal na eye glasses. Maganda na sya ngayon,sexy....." hindi ko na maintindihan pa ang sinasabi ni Thyrone sakin dahil sa isang babaeng kakapasok pa lang ng resto. Nakatitig lang ako sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon parang lalabas na yung puso sa sobrang kaba. May kasama syang lalaki at kinakausap nito yung isang waitress. Maya maya lang ay lumakad na sila papunta sa kinaroroonan ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. I know that's her.

"Pare nandyan ka pa ba?" hindi ko napansin na may kausap pa pala ako sa phone ko.

"I will call you later. Bye." sabi ko ng hindi inaalis ang tingin ko sa babaeng palapit sakin. Nang nasa harap na ko na siya ay napatingin siya sakin. Nawala yung ngiti na nakaukit sa labi nya ng makita nya ako,napalitan ito ng gulat. Alam kong siya yun. Alam na alam ko yung mata at mukha nya kahit ang laki na ng pinagbago nya.

"Tiffany?" hindi ko namalayan na lumabas yun mula sa bibig ko.

The Secret WifeWhere stories live. Discover now