Chapter 20: Secrets

3.5K 65 0
                                    

Tiffany's POV

Kakatapos lang namin kumain at ngayon nandito na naman kami sa sala at nanonood ng tv.

"Next time pagluto mo ulit ako ng egg with mushroom" sabi ko kay Sam. Ngumiti sya sakin at inihapit nya ulit ako palapit sa kanya.

"Sure my lady." sabi nya. Natawa nalang ako sa sinabi nya.

"By the way,saan mo natutunan yung pagluluto nung egg with mushroom?" tanong ko

"Sa daddy mo" sabi nya na ikinagulat ko. Paanong nangyari na si daddy yung nagturo sa kanya nun eh matagal ng patay si dad.

"Natatandaan mo ba yung araw na pumunta kami ni dad sa bahay niyo para bumisita? 18 years old palang ako nun at ikaw naman 16,right?....Tinanong ko kay Tita Steff nun kung nasaan ka at ang sabi nya,tulog ka pa daw. Natawa nga ako nun,dahil mag aalas nuebe na tulog ka parin." natatawa sya habang sinasabi nya yun,hindi ko din maiwasan matawa dahil sa kinukwento nya. "Then,pumunta ako sa kitchen niyo at nakita ko dun si Tito Brian na nagluluto. Nacurious ako kung anong niluluto nya kaya lumapit ako. Nung nakita ko yung niluluto nya tinanong ko kung para kanino yun. At ang sabi nya,para daw yun sayo dahil yun daw yung paborito mong breakfast..." may pumatak na luha sa mata ko,namiss ko kasi bigla si Daddy. "Nung narinig kong paborito mo yung egg with mushroom,naging enteresado ako. You know why? dahil nung araw na yun,gusto na kita." nagulat ako sa sinabi nya. Ganun katagal na nya akong gusto? "So...nagpaturo ako sa dad mo kung paano gawin yun. Alam mo bang alam na din ng daddy mo na gusto kita?"

"Alam ni Daddy?" tanong ko.

"Yhup. Inamin ko sa kanya nun na gusto kita. Pero ang sabi nya,bata ka pa daw kaya hindi pa pwede at darating daw yung tamang oras para sa love." Napapangiti ako kapag naiimagine kong ginawa ni Sam yun."Pero sabi nya,boto sya sakin. At kapag dumating daw yung oras na tayong dalawa ang magkakatuluyan dapat daw alagaan kita at huwag sasaktan. Pero hindi ko tinupad yung pangako ko sa Daddy mo,dahil nasaktan na kita ng maraming beses." biglang lumungkot yung tono ng pananalita nya..

"Tapos na yun Sam. Ang mahalaga ngayon...okay na tayo at nangako ka sakin na hindi mo na ulit ako sasaktan" sabi ko.

"Your right mushroom" kumunot yung noo ko sa sinabi nya.

"Mushroom?" tanong ko. Ngumiti sya sakin ng malapad at parang nakaisip sya ng idea.

"For now on,mushroom na yung itatawag ko sayo" sabi nya. Gusto ko yung idea na yun...

"Spongebob" napatigil sya sa pagtawa at tumingin sakin. Nginisian ko lang sya. "Spongebob naman yung itatawag ko sayo"

"Bakit spongebob? hindi naman ako kasing payat nun"

"Aminin mo na kasi.. gusto mo si spongebob" sabay tingin ko sa suot nyang T shirt at relo na may nakadrawing na spongebob. Sinundan nya naman ng tingin yun

"Fine. Gusto ko nga si spongebob" sabi nya kaya napatawa ako.

"Hahaha. Ilang taon ka na ba? Simula ngayon spongebob na din yung itatawag ko sayo" sabi ko habang tumatawa parin.

"Mushroom naman eh wag ka ng tumawa" sabi nya pero hindi ko mapigilan yung pagtawa.

"Ah hindi ka titigil? Fine ako ang magpapatigil sayo" sabi nya at hinalikan ulit ako sa labi. Napatahimik nga ako dahil sa ginawa nya.

"See? Edi nanahimik ka?" sabi nya at ngumisi sakin.

"Nakakadalawa ka na huh?!" sabi ko pero ngumisi lang ulit sya sakin

"Hindi lang ako nakadalawa. Hindi mo lang alam pero maraming beses na kitang nahalikan" sabi nya

"What do you mean?"

Sam's POV

"What do you mean?" tanong nya sakin habang nakakunot yung noo nya. Ngumiti lang ako sa kanya,naalala ko kasi yung ginawa ko sa kanya.

flashback

Kakauwi ko lang sa condo namin nun galing sa trabaho at naabutan kong natutulog si Tiffany sa may sala.

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ko yung nakasuot na salamin sa mga mata nya. Tinitigan ko lang sya ng mabuti. Kahit na nerd sya aaminin ko,ang ganda talaga ng asawa ko. Lalo na kapag tumatawa sya,lumalabas yung eye smile nya.

Napadako yung tingin ko sa mga labi nya. Meron din syang kissable lips,ang tagal ko ng pinipigilan na wag halikan sya kahit minsan napapalunok na ako kapag nakikita ko syang nagpopout.

Hindi ko na mapigilan. Gusto ko talaga syang halikan. Dahan dahan kong inilapit yung labi ko sa labi nya,mahirap na baka magising pa sya at mahuli nya ako. Yung puso ko ang bilis ng tibok nung lumapat yung labi ko sa kanya. Ayaw ko ng bumitaw,ang lambot kasi ng mga labi nya,ang sarap kagatin.

Nung maramdaman kong gumalaw sya ay agad akong tumayo at nagayos ng sarili ko. Kinabahan ako dun! Nakita kong dumilat yung mga mata nya at agad syang tumayo nung nakita nya ako.

"Nandyan ka na pala. Kumain ka na ba?" nakangiti sya habang sinasabi nya yun,lumabas nanaman tuloy yung eye smile nya. Nagiwas nalang ako ng tingin sa kanya,baka makita nya pa akong nagbublush dahil sa ginawa ko kanina.

"Oo kumain na ako" sabi ko at lumakad na papuntang kwarto ko. Habang naglalakad ako,ay napahawak ako sa labi ko at hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa paghalik ko sa kanya kanina.

At simula noon,naadik na ako sa labi nya. Minsan pag tulog sya hindi nya alam nagnanakaw ako ng halik sa kanya. Eh kasi naman,ang sarap nya kasing halikan.

End of flashback

"Ginawa mo yun?!" gulat na tanong nya sakin at parang hindi sya makapaniwala.

"Yhup. I did that. Ayos ba?" sabi ko at kumindat sa kanya pero hinampas nya lang ako sa braso ko.

"Nakakainis ka! bakit mo ginawa yun?!"

"Bakit ayaw mo ba?" mukhang napaisip sya sa tanong ko.

"Hindi naman,ano lang kasi. ..." sabi nya na parang nahihiya pa. Hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya at iniharap ko sya sakin.

"Ssshhh don't think about that. The important is yung ngayon. Ang mahalaga,kasama na kita at maayos na tayong dalawa..... I love you mushroom" ngumiti muna sya bago nya ako sagutin.

"Ang tagal ko ng hinintay yung pagkakataon na ito. At nagpapasalamat ako dahil sa wakas,natupad na yung hiling ko na mahalin mo rin ako.....I love you too spongebob" natawa din ako nung tawagin nya ako sa ganung paraan. I really love this girl. Hahalikan ko na sana sya pero hinarang nya yung palad nya sa bibig ko.

"Ooooops! nakakarami kana." ngumiti muna sya sakin at pagkatapos ay bumalik ulit sya sa panonood ng tv.

"Tsk. Ang daya naman eh! Nakakadalawa palang ako." pagtatampo ko,hindi ko parin inaalis ang tingin ko sakin. Tumingin ulit sya sakin

"Ang dami mo ng ninakaw na halik sa akin kaya that's enough. At isa pa babayaran mo lahat ng ninakaw mong halik sakin" sabi nya at ngumusi sya sakin

The Secret WifeWhere stories live. Discover now