Chapter 1: New Tiffany

5.5K 114 2
                                    


Tiffany's POV

After 4 years

"Sam...a-alis lang ako sandali,nagpapasama kasi sakin si Jiane bumi ..." hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita agad siya.

"Then go. I don't care anyway. And next time,if you want to leave,wag ka nang magpaalam sakin. Hindi naman ako interesado kung saan ka pupunta" He said in a cold tone. Sanay na ako sa pagiging cold nya sakin. Mula pa lang ng ikasal kami ay cold na talaga ang pakikitungo nya sakin. Alam ko naman na ayaw nya sakin dati pa.

"Meron ka bang gusto ipabili sakin?" tanong ko sa kanya but he just gave me an annoying look.

"Pwede ba Tiffany,Kung aalis ka,umalis ka na lang,ang dami mo pang sinasabi eh" sabi nya at bumalik sa pagbabasa ng dyaryo. Hindi pa man ako nakakaalis ay may nagdoorbell sa labas ng condo namin.

"Buksan mo yun" utos nya sakin kaya binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang isang babae. At napataas ang kilay nito ng makita ako. Teka,sino ba tong babaeng to?

"Who are you?" tanong nya sakin habang tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Eh ikaw sino ka?" balik kong tanong sa kanya.

"I'm the girlfriend of Sam,so tell me where is he? And who are you?" Girlfriend? Sira ba siya? Asawa nga ako ni Sam eh. Gusto kong sabihin at ipamukha sa kanya na ako ang Asawa ni Sam pero alam kong hindi pwede.

"Tiffany sino ba yan?!" narinig kong sigaw ni Sam sa may sala. Muntik na akong masubsob sa may pintuan dahil tinabig ako nung babaeng haliparot at nagdiretsong pumasok sa loob.

"Hi babe!" sabi nung babaeng haliparot pagkakita nya kay Sam at niyakap nya pa ito.

"Hey Jessica. What are you doing here?" tanong ni Sam sa babae.

"Nothing. Im just visiting you. I miss you babe." she said bago nya halikan sa labi si Sam. Yumuko nalang ako para hindi ko sila makita. Ang sakit makita na ang asawa mo ay may ibang kahalikan na babae. SOBRANG SAKIT. Hindi ko alam kung bakit ginagawa sakin ni Sam ito. Ano ba ang nagawa kong mali?

"By the way. Who is she?" tanong nung babae kay Sam habang nakaturo sakin.

"Ahh. Wag mong intindihin yan. Maid ko lang yan." sabi niya habang nakatingin sakin. Wala kang mababasa na kahit anong reaksyon sa mukha niya. Yumuko nalang ako para itago ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Sobrang sakit. Maid? Maid na ba ngayon ang tawag sa mga asawa.

"Ow I see." sabi nung Jessica?? Ah basta yung babaeng haliparot.

"Dalian mo umalis kana. Diba may pinapabili pa ako sayo??" sabi ni Sam. Pasimple kong pinunasan yung mata ko at tumalikod para umalis.

......
"Hey Stephanie. You okay?" bumalik ako sa huwisyo ko nung tawagin ako ni Hans.

"H-huh?" tanong ko.

"Im asking you if your okay?" sabi nya.

"Yeah. I just remembered something." sabi ko sa kanya.

"Okay. By the way,may gusto ka bang kainin?" tanong nya sakin. I shook my head as my answer. Nandito ako ngayon sa eroplano pauwi na ako ng Pilipinas galing Korea. Umalis ako ng Pilipinas 4 years ago para makapagmove on sa mga mapait na ala ala ko dun. At isa pa para mag aral kung paano ba talaga magmanage ng business. Para hindi na kami umasa ni mommy kay Tito Manuel sa pagmamanage ng business namin dun sa Pilipinas. At para maging malaya na rin ako kay Sam.

The Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon