Chapter 15: Feelings

3.8K 64 0
                                    

Tiffany's POV

Nagulat ako nung yakapin nya ako mula sa likod. Naestatwa ako sa ginawa nya. Yung puso ko,ang lakas ng tibok. Ngayon nya lang ginawa sakin yung ganitong bagay.

"Don't leave me...." sabi nya.

"Hindi kita maintindihan" sabi ko. Hindi parin sya bumibitiw mula sa pagkakayakap sakin "Bakit ba ganyan ka? Ang hirap mong intindihin" Sabi ko

"Ano bang gusto mong maintindihan?" tanong nya."Kung bakit ko ba ginagawa ito?" dagdag nya pa.

"Oo." sagot ko. "Dati,you don't care about me pero ngayon...bakit ayaw mo akong iwan ka? Diba yun yung gusto mo dati pa? Ipinagpipilitan mo akong iwan ka diba? Pero bakit ngayon....." hindi nya ako pinatapos dahil mabilis nya akong iniharap sa kanya. Nakahawak sya sa magkabilang braso ko.

"Hindi ko ginusto yun." sabi nya. Sarkastiko akong tumawa dahil sa sinabi nya.

"Hindi mo ginusto? Ano yun,hindi mo ginustong balewalain ako? Hindi mo ginustong magkaroon ng ibang babae dahil ayaw mo sakin? At higit sa lahat hindi mo ginusto na paulit ulit mong saktan yung damdamin ko?" hindi ko namalayan na may pumatak na luha sa mga mata ko. Nakita kong may namumuo din na luha sa mga mata nya. "Hindi mo alam kung gaano mo ako nasaktan Sam. Ayoko na ulit umasa. Pagod na akong masaktan." sabi ko habang umiiyak. Bumalik lahat yung sakit na ipinaramdam nya sakin noon.

"I-im sorry. Alam kong ang gago ko dahil ginawa ko sayo yun. Pero Tiffany...iyon lang yung nakikita kong solusyon para protektahan ka"

"A-ano bang sinasabi mo Sam?! Hindi kita maintindihan! Why do you need to protect me? At bakit kailangan mo pa akong saktan para lang maprotektahan?" hindi ko na napigilan yung emosyon ko. Gulong gulo na ako. "Please...I need to know the truth. Gulong gulo na ako"

"Im sorry Tiffany." sabi nya lang. Hindi nya pa sinasagot yung tanong ko. Pinunasan yung mga luha sa mata ko at nyakap nya lang ako. "Please don't leave me again." Humiwalay ako sa pagkakayakap nya sakin at tinignan sya ng maigi sa mata.

"I don't undestand you. Nandyan naman si Jessica,sya yung totoong mahal mo at hindi ako. Pero bakit ayaw mo akong iwan ka? At bakit ayaw mo sakin sabihin yung dahilan kung bakit?" sabi ko. Lumakad sya at umupo ulit dun sa may sofa. Habang ako ay hindi parin umaalis sa kinaroroonan ko. Hinintay ko syang sumagot pero nanatili lang syang tahimik habang nakayuko. Ngayon alam ko na yung sagot...si Jessica talaga yung laman ng puso nya. Walang pupuntahan itong usapan namin. Ginugulo nya lang yung isip ko. Kahit alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon mahal ko parin sya ay kakayanin kong iwan sya dahil ayoko na ulit masaktan at umasa.

Hindi na ako nagpaalam sa kanya,lumabas na ako sa condo at tumakbo papuntang parking lot. Hanggang ngayon ramdam ko yung sakit,ang akala ko okay na ako pag bumalik ako dito sa Pilipinas. Pero nagkamali ako,hanggang ngayon pala masakit pa rin. Bakit ba kasi kailangan na si Sam pa yung mahalin ko? Bakit hindi ko sya magawang kalimutan kahit alam kong nasasaktan lang ako?

Nang makalabas ako ay dun ko lang napagtanto na ang lakas pala ng ulan sa labas. Pero wala akong pake alam kahit mabasa ako,nagtuloy tuloy lang ako hanggang sa makarating ako sa parking lot. Nakaramdam bigla ako ng hilo,naalala ko,hindi pa pala ako kumakain ng lunch pati dinner. Hindi ko makita kung nasaan yung kotse ko dahil nagdidilim na yung paningin ko. Sobrang nahihilo na ako.

"Tiffany!" narinig kong may tumawag sakin pero hindi ko na alam yung sunod na nangyari dahil the first thing I knew my sight went black.

Sam's POV

"I don't undestand you. Nandyan naman si Jessica,sya yung totoong mahal mo at hindi ako. Pero bakit ayaw mo akong iwan ka? At bakit ayaw mo sakin sabihin yung dahilan kung bakit?" Tanong nya sakin. Lumakad ako papuntang sofa at umupo dun. Dapat ko na bang sabihin sa kanya yung totoo? Pero kasi natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman nya. Pero kailangan nyang malaman yung totoong dahilan kung bakit ko nagawa sa kanya yun. At kung yun lang ang paraan para mapatawad nya ako. At para makapagsimula kami ng bago.

Nag angat ako ng tingin pero hindi ko na sya nakita. Agad akong tumayo at hinabol sya,pero hindi ko na sya makita. Where are you Tiffany? yan yung tanong sa isip ko habang hinahanap ko sya. Lumabas ako sa labas ng building at nakita ko syang tumatakbo sa ulan kaya hinabol ko sya,I dont care kung mabasa ako sa ulan,basta ang nasa isip ko ngayon,ayaw kong mawala ulit sya sakin.

"Tiffany!" tawag ko sa kanya pero mukhang hindi nya narinig. Nagtuloy tuloy lang sya sa pagtakbo hanggang sa makarating sya sa parking lot. Mabilis ko syang sinundan dun at nakita kong parang matutumba sya.

"Tiffany!" tawag ko sa kanya at mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan nya. Buti nalang ay nasapo ko agad sya bago sya tuluyang matumba.

Mabilis ko syang binuhat pabalik sa condo namin. Humingi ako ng tulong sa mga guard na nandun.

Dito ko sya dinala sa dati nyang kwarto nung nagsasama pa kami..hindi ko naman pinaalis ang mga gamit nya dito .. nilolock ko lang ito para walang makapasok. Because I know..she will come back. Pero nakalimutan ko itong i-lock nung isang araw kaya nakita ni Thyrone. Minsan kasi ay binubuksan ko ito para linisin o kaya kung namimiss ko sya,dito lagi ako pumupunta.

hiniga ko muna sya sa kama. Hinipo ko yung noo nya at ang init nya,nilalagnat sya ngayon,siguro sa pagkakabasa nya kanina sa ulan kaya nagpast out sya kanina...that's why Im so worried about her a while ago..

Pumunta muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit..kinuha ko na din ng damit si Tiffany para makapagpalit sya. Nandito pa naman yung mga lumang damit nya. Yun nga lang, hindi ko alam kung paano ko papalitan ang damit nya..baka magalit sakin yun pagnagising sya.

Bumababa na ako para kumuha ng basin with warm water para ipunas sa kanya..tsk hindi ko naman alam kung paano mag alaga ng may sakit..naaalala ko lang ito dahil ganito ang ginagawa sakin ni mommy noon kapag may sakit ako...pinagluto ko din sya ng soup para mainitan ang sikmura nya..

*Bzzzzzzzt Bzzzzzzzt*

The Secret WifeWhere stories live. Discover now