Chapter 22: Her Side

2.9K 69 0
                                    

Jessica's POV

Nandito ako ngayon sa bahay ko. Kanina ko pa tinatawagan si Sam but he's not answering his phone. Uuugggghh naiinis na ako!

"Hey Jess may problema ba?" tanong ni kuya Vince sakin pagkatapos ay umupo sya sa tabi ko. He is my brother,kaming dalawa nalang ang magkasama sa buhay. He is 28 years old at ako naman 23. 10 years ng patay si daddy and yung mommy naman namin hindi namin alam kung nasaan,ang sabi samin ni daddy bata palang kami ni kuya nung iniwan nya kami at sumama sa ibang lalaki. Ang landi diba? iniwan yung anak para lang sa isang lalaki? tss.

Well wala naman kaming pakealam sa kanya ni kuya at hindi na kami nag abala pang hanapin sya. Kung ayaw nya samin mas ayaw namin sa kanya. Nabubuhay naman kami ni kuya kahit wala sya. Iniwan samin ni dad yung company nya at si kuya ang humahawak nito ngayon.

"Nothing kuya" bored na sabi ko.

"Kamusta na si Samuel?" tanong nya pagkatapos ay kinuha nya yung magazine sa ibabaw ng lamesa at binasa ito.

"He's okay. You know kuya,parang may iba na kay Sam ngayon eh." tinignan nya ako at kumunot yung noo nya sa sinabi ko.

"What do you mean?"

"This past few days kasi hindi na kami nagkikita hindi nya rin sinasagot yung mga calls ko sa kanya." binaba nya yung binabasa nyang magazine

"Pinuntahan mo na ba sya sa office o kaya naman sa condo nya?" umiling ako bilang sagot. Hindi nya naman ako pinapapunta sa condo nya,madalas lagi lang kami lumalabas para mamasyal. Ewan ko ba kung bakit ayaw nya akong pumupunta sa condo nya.

"Hmm puntahan mo nalang sa office nya. Baka busy lang"

"Im scared kuya. Baka mamaya iwan ako ni Sam. I love him very much,hindi ko kaya kapag nawala sya sakin." lumapit sakin si kuya at inakbayan nya ako. Im very thankful because I have a brother like him. Very supportive sakin ni kuya,lahat ng gusto ko nakukuha ko. Kaya ayaw ko ng may kahati. Gusto ko nasa akin lang yung atensyon ng lahat. Ayaw ko ng may kahati. Kaya siguro hanggang ngayon wala paring asawa si kuya.

"He will not going to leave you Jess. Just tell me kung iniwan at sinaktan ka nya at ako ang bahala sa kanya." sabi ni kuya habang hinihimas yung buhok ko. Ngumiti ako sa kanya

"Thank you kuya. I love you." sabi ko at niyakap sya.

"Your always welcome. Im doing this because I love you and I don't want my beautiful sister getting hurt" sabi ni kuya at hinalikan nya ako sa buhok ko.

"Sige puntahan mo na yung boyfriend mo sa office nya. Im sure nandun na sya. At sigurado din ako na magkikita kayo ngayon."

"I hope so kuya. Aalis na ako." sabi ko at hinalikan sa pisngi si kuya.

"Okay. Take care."

"I will" sabi ko at mabilis na umalis sa bahay. Sana nga nandun si Sam sa office ngayon because I miss him so much.

Tiffany's POV

"Uy spongebob wag ka ng magtampo." sabi ko kay Sam habang kinukurot ko yung pisngi nya. Nandito kami ngayon sa office at nag iinarte sya ngayon. Hindi sya sumagot sakin at nanatili lang syang nakakunot yung noo.

"Pansinin mo na ako spongebob please wag ka ng magalit." sabi ko at nag pacute na ako sa kanya pero hindi nya parin ako pinapansin.

"Ano bang gusto mong gawin ko para pansinin mo na ako?"  tanong ko. Tumingin lang sya sakin pero agad din syang nagiwas ng tingin.

The Secret WifeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt