LITRATO

81 5 0
                                    

Inabutan ni Bellegaz na may kausap sa telepono si Samonte ng pumasok ito sa opisina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inabutan ni Bellegaz na may kausap sa telepono si Samonte ng pumasok ito sa opisina. Kitang-kita ni Bellegaz kung paano nagulat ang hepe sa biglaang pagpasok nito. Agad namang ibinaba ng hepe ang telepono para harapin si Bellegaz.

"Sorry hepe akala ko narinig mo na ang pagkatok ko."

"Ano ang dala mo? " Nang mapansin ni Samonte ang hawak ni Bellegaz.

"Ito po lahat ng mga napili namin hepe, karamihan sa mga iyan may mga kaso na ng pagpatay ,  tatlo diyan wanted. Kasado na ang lahat go signal mo na lang ang kailangan namin hepe." Ani pa ni Bellegaz.

"Do it, make sure na malinis ayuko na may makita na naman silang butas. Kailangan ma plantsa na ang gulo ng hinayupak na killer na iyan. Kinakalampag na tayo taas. " Tugon ni Samonte.

"Maiba ako hepe, alam mo ba na may sariling nilulutong sariling imbestigasyon si Makalaay tungkol din sa killer? " Bulong ni Bellegaz.

"Anong ibig mong sabihin? "

"Ito ay impormasyon lang na inabot sa akin hepe. Pero iyang si Makalaay, hinahalungkat ang kaso ni Romero Gabon. Hindi ko lang alam kung bakit naisip niya na bumalik ang Romero at muling naghahasik ng lagim. Di ba namatay na iyon sa sunog? " Ayon pa kay Bellegaz.

"Kelan pa ito? "

"Nitong nakaraan lang hepe. Ayuko na sanang banggitin ito sa iyo dahil mukhang wala namang patutunguhan ang ginagawa niya. Pero baka lang kasi maging kumplekado sa ating plano. " Saad ni Bellegaz.

"Salamat Bellegaz, ako na bahalang kakausap kay Makalaay. " Tugon ni Samonte.

Pansin ang malaking pagkabahala ni Samonte sa impormasyon na iyon ni Bellegaz. Ga butil ang pawis nito kahit malakas naman ang aircon nito sa opisina. Naging balisa ito matapos ang usapan nila ni Bellegaz. Kinuha nito ang cellphone at may hinanap doon.

Ginabi na sina Paeng at Ignacio bago nila nahanap ang bahay ng isang Josefino. Nakatira ito sa lumang Tenement building  malayo sa downtown main. Mga lumang gusali ang nakapalibot sa tenement. Lahat ng mga naroon ay tila napag-iwanan na ng panahon sa kalumaan. Ito ang lugar ng Centro de la libertad, Ang kauna-unahang sentro ng siyudad bago pa naitayo ang Grand Town city sa Lulos, na siya ng sentro ngayon ng komersiyo ng lungsod.

"Sayang naman ang tenement na ito, kunting alog lang ng lindol nito, bibigay na." Puna ni Ignacio.

"Saan ba dito ang unit ng Josefino na iyon? " Tanong ni Paeng.

Paakyat ang dalawa sa bitak-bitak na at sirang hagdan ng tenement.

"Sa 5th floor daw sa bungad na bahay pag-akyat natin ang bahay ni Josefino." sambit ni Ignacio.

Nang matunton ang bahay ng hinahanap, agad naman sila hinarap ng lalake, may katandaan na ito at bulag ang kaliwang mata dulot ng di naagapang katara. Wala nang paligoy-ligoy na tinanong agad ni Paeng ang tungkol kay Romero.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon