BISITA

69 2 0
                                    

Pagkapasok palang ng gate ni Paeng ang motor agad ni Jericho ang bumati sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkapasok palang ng gate ni Paeng ang motor agad ni Jericho ang bumati sa kanya. Nagmadali itong pumasok ng bahay at sa kumedor inabutan nito ang anak na sarap na sarap sa pagkain na hinain sa kanya ni Paz. Napansin ni Paz si Paeng at niyaya niya ito sa hapunan.

"Magandang gabi, kain. Pasensya na at nakihati pa ako sa ulam niyo. Masarap kasi ang nilitong pochero ni Tita. " Pagbati naman ni Jericho kay Paeng.

"Sige tapos na ako, kumain na ako sa tindahan ni Maru wala kasing tao sa bahay ng dumating ako. Pa expire na itong mga delata, pinadala na rin ni Maru sayang naman kung hindi makain. Ikaw Jericho baka gusto mo, mag dala ka neto. Pang emergency, huwag mo lang paabutin ng expiry date. " Tugon ni Paeng habang sinasalansan sa hanging cabinet sa kusina ang mga dalang de lata.

"Pumunta kasi ako ng Puerto. Nais ko kasing makita itong si Echo. Siya nga pala Paeng sa sususnod na balik mo doon magpaliwanag ka sa mga dati nating kapitbahay doon. Ang dudumi ng isip, ang babastos. Matatanda na pero walang mga respeto. Sukat bang pag isipan ka ng di maganda. " Sabay na naman ni Paz na nagkukumpasan pa ang mga kamay sa ere.

"Hindi ka na nasanay saga iyon. At bakit ganun ka naman ka apektado eh parehas lang din naman kayo. Muntik na nga ako makipagpatayan sa mga taga barangay natin noon dahil sa dila mo. Marami akong nilalakad na trabaho, wala na akong oras sa mga iyon. At sa susunod puwede ba magsabi ka kung gagabihin ka at kung saan ka pupunta. Tinatawagan ka ni Maru pero hindi ka sumasagot. " Saad ni Paeng na pataas taas ang kilay habang pasimpleng tumitingin sa kapatid.

"Nakaangkas siguro ako sa motor ni Jericho kaya hindi ko napansin. " Paliwanag ni Paz.

"Balak ko nga pala pa renovate ang bahay, kung ayos lang sa iyo. Nagpaalam na ako kay tita pero ang sabi sa iyo ko dapat ipaalam iyon. " Wika ni Jericho.

Lihim na napangiti si Paeng sa sinabi ng anak. Walang pag alinlangan na pumatay agad ito sa gusto ni Jericho. May kung anong malaking bubog ang natanggal sa dibdib niya dahil sa narinig. Ang kagustuhan ni Jericho na buhayin ang bahay ay isang panimulang hakbang upang akapin nito ang mga pagkukulang ng ama na ilang taon din nalayo, nagpakita ngunit nag lihim sa kanya.

"Bahay mo rin iyon at kung ano ang gusto mo doon gawin mo. Pagsabihan mo lang ako sakaling kakailanganin mo ng tulong. Nandito lang ako. Magbibihis lang ako. " Iniwan ni Paeng ang dalawa sa kusina at pumasok sa kanyang silid.

Doon binuhos ng ama ang kinikimkim na saya sa kanyang loob. Hindi nito napigilang mapaluha habang nakangiti at mahinang nakatawa. Kung ano man ang ginawa ni Paz pinasasalamatan niya ito.
Matapos ang hapunan nagpaalam na si Jericho, hinatid siya ni Paeng sa gate.

"Kelan mo sasabihin sa kapatid mo ang totoo? " Tanong ni Paeng.

"Humaharap pa ako ng tiyempo, hindi ko pa kasi alam kung saan ako magsisimula. " Sagot ni Jericho.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon