TAKOT

200 3 0
                                    

Maaga palang bumaba na sa ilog sa may tulay si

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga palang bumaba na sa ilog sa may tulay si. Manding upang mamasol. Bitbit ang maliit na timba at pamingwit nag hanap ito ng magandang puwesto. Habang sinusuyod ang gilid ng ilog. May napansin agad ito sa paligid.

Amoy na amoy nito ang mabahong ihip ng hangin.

"lang hiya mukhang iba na ang kutob ko sa amoy na ito ah. Kailangan maipaalam ko agad ito kay kapitana nang masuri namin ang parte ng ilog." sambit ni Manding sa sarili.

Hindi na ito tumuloy sa pamamasol upang ipaalam agad sa barangay ang kanyang nadatnan sa ilog.

Sa tindahan naman ni Maru, topiko agad ng mga tambay doon Ang nangyaring pagtangkang panloloob ng mga tropa ni Jak sa tindahan nito.

"Buti na lang talaga, maagap ang jowa mo Maru. Natunugan agad pagnanakaw sa iyo." Sabi pa ni Marites na palaging bida pag dating sa tsismisan sa kanilang lugar.

"Ayan ka na naman Aling Tes, gumagawa ka na naman ng isyu. Hindi ko jowa si Fil." Sabat pa ni Maru.

"Dapat talaga mawala na sa barangay natin iyang grupo ni Jak. Perwesyo na lang palagi ang dulot nila sa atin." Hirit pa ng Isang babae doon.

Walang oras na bakante ang tindahan ni Maru. Naging sentro na talaga itong tambayan ng mga nakikiusyuso at tagabantay ng mga kapitbahay sa barangay. Mistula na ngang meeting place ito lagi ng mga tambay doon, Lalo na kapag may malapot na isyu na trending sa buong barangay ng Kwatro uno. Kumpulan pa roon ang mga tao , nang bigla na lang napabaling ang lahat sa sigaw ni Eteng. Nagngangangawa ito ng iyak.

"Diyos ko Intoy ko! Sabi ko na nga ba umiwas kana sa grupo ni Jak. Tingnan mo na ngayon nangyari sa iyo! Intoy!" Ang sigaw ni Aling Eteng, ina ni Intoy. Halos maglupasay na ito sa daan sa kakaiyak dahil na natanggap na balita tungkol sa anak.

Natagpuan ang bangkay ni Intoy sa matalahib na bahagi ng ilog. Wala na ang ulo nito.

"Ano ang nangyari sa mga iyon? Si Aling Eteng ba ang narinig ko kaninang sumisigaw?" Tanong ni Fil kay Maru nang lumapit ito sa tindahan. At nang mapansin na nagsitakbuhan Ang mga nakatambay doon paalis sa tindahan ni Maru.

"May pinugutan na naman daw, at si Intoy na naman ang biktima. Naku Fil totoo yata iyong nakita mo kagabi sa may tulay. Tingin ko, siya nga iyong killer." tugon ni Maru. Nakaramdam na ito ng takot sa mga nangyayari.

"Totoo naman talaga na may nakita akong tao doon. Mukhang nandito lang nga sa atin ang killer. Kaya Ikaw Maru, bawas-bawasan mo na ang paglalandi sa mga lalaking hindi mo pa kakilala, baka Isa sa mga iyon Ang hinahanap nating killer." Sabi pa ni Fil.

"Asus, ayan ka na naman. Alam ko na ang tinutumbok ng dila mo Fil. Si Rodge na naman nuh? Bakit di mo na lang tatantanan si Rodge, wala namang ginawa sa iyong masama ang tao tapos tinulungan ka pa nga niya kagabi. Naku isang hirit mo pa diyan laban sa tao na iyon, iisipin ko talagang may gusto kana sa akin. At kung may dapat man na mag ingat sa atin, Ikaw iyon. Dahil baka balikan ka ng mga hinayupak na grupo nina Jack." anas pa ni Maru.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon