Bulaga!

123 7 8
                                    

Lumalim pa ang gabi at nakatulog na sa takot si Sue, maging ang katiwala nilang si Santa ay humihilik na rin sa isang tabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumalim pa ang gabi at nakatulog na sa takot si Sue, maging ang katiwala nilang si Santa ay humihilik na rin sa isang tabi. Habang si Maru dilat parin ang mata at hindi man lang madapuan kahit na kaunting antok. Maiinit ang silid ni Santa dahil wala itong bintana. Electric fan lang ang meron doon tapos mahina pa ang buga ng hangin.

Nakaramdam ng alinsangan si Maru kaya bumangon ito sa kama para lumabas at kumuha ng maiinom na tubig. Pagsilip ni Maru sa labas,nakapatay ang mga ilaw sa sala at maging sa kusina,tanging sa ikalawang palapag lang ang may bukas na ilaw at ang ilaw sa labas na tumatagos sa salamin ng binata sa palibot ng bahay kaya kahit papano maaaninag pa rin nito ang loob ng bahay.

Habang papalapit ng kusina, naisip nito ang magkapatid. Hinanap nito si Tino dahil ang alam nito nasa loob lang ng bahay ang kapatid ni Pitoy. Nang tapos na itong uminom ng tubig sa kusina, maingat na sumilip sa labas ng binata si Maru. Tahimik ang labas ng bakuran, payapa at walang pagbabanta ng panganib. Sunod na tinungo nito ang taas. Maingat ang bawat hakbang nito sa hagdan. May ilaw sa ikalawang palapag kaya kita ang lahat doon. Napatingin si Maru sa basag na salamin ng pintuan sa balkonahe. Naroon pa din sa sahig ang mga basag na bahagi ng pintuan at mga nagkalat na bubog. Papalapit na sana si Maru sa may balkonahe para sumilip nang mapansin nitong naka awang ang pintuan ng kuwarto ni Sue, bahagya itong nakabukas at napansin itong anino na gumalaw sa loob. Kinabahan si Maru. Para kumalma, inisip nitong si Tino lang ang nasa loob. Ngunit naging palaisipan din sa kanya na kung si Tino iyon, ano naman ang ginagawa nito sa loob ng kuwarto ng pinsan.

Napansin nitong papalabas na sa silid ang may-ari ng nakitang anino kaya nag hanap ng mapagtataguan si Maru. May malaking bookshelves malapit sa kinatatayuan ni Maru na may indoor plant na makapal ang dahon sa tabi ng isang rebulto na dragon. Hindi masyado abot ng ilaw ang gilid ng shelves kaya doon isiniksik ni Maru ang katawan.

Nagulat na lang si Maru nang makita ang isang lalake na minsan na niyang nakita nang dumating ito sa farm nina Sue. Hindi niya ito malimutan dahil ang lalake na iyon ang driver ng tricycle na naghatid sa kanya sa kanila ni Sue.

Bitbit nito sa kanyang likod ang malaking pink na backpack ni Sue,alam ni Maru na maraming laman iyon dahil halos pumutok na ang bag sa laki. Pinagpapawisan ng malamig si Maru dahil sa takot. Hindi ito mapakali sa kanyang pinagtataguan, nanginginig ito sa takot.

Nakita nitong palinga-linga ang lalake pagkalabas sa kuwarto ni Sue bago tinungo nito ang katapat na silid ng mga magulang ni Sue. Kumatok ito roon at lalong nagimbal si Maru nang tinawag nito ang mga pangalan ng magkapatid na Pitoy at Tino. Saglit pa bumukas ang pinto ng silid at sumilip mula sa loob ang tila kaliligo lang na si Pitoy ,dahil basa pa ang buhok nito at nakatapis pa ng tuwalya.

"O ano nalimas mo na ba lahat ng mahahalagang bagay sa kuwarto?" mahinang tanong ni Pitoy sa lalake.

Mahina man pero rinig iyon ni Maru dahil halos dalawang dipa lang ang layo ng mga ito sa puwesto niya. Sumunod na lumabas galing sa loob si Tino na may tangay ding bag. Ipinasa niya iyon sa lalake.

DAYOWhere stories live. Discover now