Banta

109 7 0
                                    

Gaya nga nang napag-usapan, pagkalabas ni Maru ng hospital sinundo agad ito ng ama ni Sue para doon muna ito pansamantalang manatili hanggat wala pang linaw kung sino ang mga kumursunada sa kanila at hindi pa nadadakip ang mga ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gaya nga nang napag-usapan, pagkalabas ni Maru ng hospital sinundo agad ito ng ama ni Sue para doon muna ito pansamantalang manatili hanggat wala pang linaw kung sino ang mga kumursunada sa kanila at hindi pa nadadakip ang mga ito. Si Fil naman ay inihatid muna ni Paeng sa probinsiya ng lola nito sa San Andres.

"Fil, noong naabutan ka namin sa silid mo nang nagkamalay ka, nabanggit mo na nakita mo ang killer. Ano ba ang ibig mong sabihin nun?" tanong ni Paeng kay Fil habang bumabiyahe ang dalawa palabas ng siyudad.

"Ang tagpo na paulit-ulit bumabalik sa aking panaginip. Isang pamilya ang walang awang pinaslang sa aking harapan. Noong una ,hindi ko maaninag ang mukha ng killer dahil parati itong nakayuko at natatakpan ng sumbrero niya ang kanyang mukha. Hanggang sa naririnig ko na ang kanyang boses. At sa huling bangungot ko, nakita ko ang mukha niya. At... kamukhang-kamukha niya si Hector tito." kuwento ni Fil.

"Kaya ba napasigaw ka nang makita mo si Hector?" tanong pa ni Paeng.

"Hindi ako sigurado tito, pero nang makita ko si Kuya Hector, parang siya iyong killer na may hawak na karit sa kamay na pumatay sa magpamilya." dagdag pa ni Fil.

"Paano naman nangyari iyon, baka kamukha niya lang." sabi pa ni Paeng.

"Sana lang tito, pero hindi ko rin maiwasan itanong sa sarili ko kung bakit paulit-ulit na lang bumabalik sa panaginip ko ang tagpong  iyon. At ang batang nakikita bakit parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya."

"kaya kailangan mo munang ma-relax Fil, masyadong naaapektuhan na ang pag-iisip mo sa mga nangyayari sa barangay natin. Dagdag pa ang nangyari sa inyo ni Maru. Nawa'y sa pagbakasyon maging maayos na ang lahat. Ako na ang bahala sa pagtugis sa mga nanambang sa inyo." ayon pa kay Paeng.

Sa paglayo nina FIL at Maru, may mga panibagong bagay na mabibigyan ng pansin, mga sekretong malalantad at mga karakter na mahuhubaran. Matapos maihatid ni Paeng si Fil, bumalik agad ito ng siyudad,

"Magkita tayo sa South park, nandun na ako in thirty minutes. " saad ni Paeng sa kausap nito sa cellphone.

Samantala, maagang umuwi si Rodge,at dumaan ito sa bahay nina Maru, inabutan niya roon si Paz. Nagdidilig ng halaman sa labas.

"Uy Rodge, ang aga mo naman, si Maru ba ang hinahanap mo?Wala siya rito, pinabaksyon muna namin sa probinsiya."

"Ganun ba manang, napadaan lang po ako para iwan itong huling bayad ko sa upa, Hanggang sa susunod na linggo na lang po ako  sa paupahan niyo."  Wika ni Rodge.

"Bakit naman? biglaan naman yata."

"Ipapadala po kasi ako sa Cebu ng kompanya namin. Doon na ako ililipat." saad pa ni Rodge.

"Nakakalungkot naman, sige ako na mag sasabi kay Paeng sa plano mo. "

Matapos maiabot kay Paz ang bayad, agad na umalis si Rodge. Isang normal lang na araw iyon at walang masyadong ganap. Hanggang sa ang matahimik na araw ay muling ginambala ng panibagong kaso ng patayan sa kanilang barangay. Ngunit hindi katulad ng mga naunang biktima, buo ang katawan nito at tama ng baril sa ulo at dibdib ang ikinamatay nito.

DAYOWhere stories live. Discover now