KAKILALA

86 5 0
                                    

"Sino iyon? Gara ng motor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sino iyon? Gara ng motor." Tanong ni Joey kay Fil nang makita itong papalapit sa kanya, matapos bumaba mula sa inangkasan nitong motor.

"Si Echo, bagong kakilala. Nakisabay na lang ako kasi dito rin naman ang punta niya. " Tugon naman ni Fil.

"Duda talaga ako sa mukha na iyan pare, bagong kakilala angkas agad. Kilala kita parekoy, kumakana karin ng pang baon minsan. Pero ayos lang iyan sayang din itong gandang lalake natin kung hindi gawing puhunang pangkabuhayan. " Kumento pa ni Joey.

"Uy gago huwag mo akong ipares sa iyo. At huwag mo nga ipasa sa akin ang ginagawa mo. Hindi for sale itong mukha na ito lalo na itong tite ko. " Sabay ni Fil.

"Depensahan mo na sarili mo pero hindi mo ako maloloko pare. Siya nga pala ito iyong uniporme na isusuot mo, nandoon ang tent natin,magbihis ka na at ayon sa nakausap ko paparating na ang mga guests. Dapat ready tayo. " Wika ni Joey sabay abot kay Fil ng isusuot nila.

"Putcha pare, ano ito? Damit pa ba ito, eh kita na halos dede natin dito ah, ang nipis nito. Tapos itong pambaba, sure ba na pang matanda ito? Ang liit nito pare. Tapos puti pa. Mahahalata ang bukol natin dito. " Ang gulat na reaksyon ni Fil habang tinitingnan ang gagamitin.

"Ops wala ng aatras pare, naka pag advance na si Mamu Fefe sa atin. Ito ang para sa iyo, three five iyan kalahati ng full payment natin. Bukod pa diyan sa extra kung maganda ang trabaho natin. Sure seven kyaw ito pare. Tapos wala pang kahirap-hirap tatayo lang tayo ganun. Kaya isuot mo na. Isipin mo na lang nasa beach ka, para di ka mag ilang. At huwag ka mag alala kung bumakat ang punyong mo. Dahil lahat naman tayo pare-pareho ng suot. Edi magpapabakatan na lang tayo. Pagpupustahan natin kung sino ang liyamado at daks. Dagdag income din iyon pare, at sa iyo ako tataya. " Saad pa ni Joey.

"Ulol, puro ka talaga kalokohan. Langhiya talaga itong costume na ito sana pinaghubad na lang talaga tayo. " Napakamot na lang ng batok si Fil sa pagkadismaya sa susuoting damit para sa event na iyon.

Sinamahan ni Joey ang kaibigan sa kanilang tent para makapagbihis.
Samantala matagumpay na nakapasok sa target na bahay sina Jack at Nato. Malalaki at matataas ang mga gate ng mga bahay sa kalye na iyon na sakop parin ng barangay Lulos. Yayamanin at angat talaga sa buhay ang karamihan sa residente ng area na iyon. Kaya isa sa mga bahay doon ang napili ng dalawa.

"Anong gagawin natin sa kanya? Ang bigat nito pare, mahihirapan tayong ibaba siya." Wika ni Nato.

"Ibalot na lang natin ng kumot tapos ipasok natin sa aparador. Hindi na siya makikita riyan hangga't hindi pa nangangamoy. May mga nakita akong pakaging tape at cling wrap, ito muna ang upang balot natin sa kanya. " Sabat ni Jack.

DAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon