HARVAT

97 4 0
                                    

Maagang nagising si Maru, wala pang alas tres ng madaling araw nagmamadali na itong mag ayos ng sarili, sinilip mula sa kanyang bintana ang sasakyan ng ama sa labas, nakagarahe na ito ibig sabihin nakauwi na ang ama

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maagang nagising si Maru, wala pang alas tres ng madaling araw nagmamadali na itong mag ayos ng sarili, sinilip mula sa kanyang bintana ang sasakyan ng ama sa labas, nakagarahe na ito ibig sabihin nakauwi na ang ama. Tinungo agad ni Maru ang banyo at mabilis na naligo. Hindi na nito binuksan ang mga ilaw sa sala nang lumabas ito. Dahan-dahan ang pagpihit nito ng knob ng pintuan at maingat na lumabas. Kalawangin na ang kanilang gate kaya ingat na ingat si Maru sa pag angat ng trangka upang hindi maka likha ng ingay. Nang papalabas na ito bigla na lang nagsalita sa gilid nito si Fil na kanina pa palang nakabantay sa kanya. Sa gulat muntik na mapasigaw si Maru ngunit nakapagpigil ito nang makita si Fil.

"saan ka pupunta? masyado namang maaga ito para magbukas ka ng tindahan?" tanong ni Fil.

"Mamamalengke siyempre, wala na kayang laman ang tindahan ko. Ikaw, bakit ang aga mo nagising?" tugon ni Maru.

"Mag jogging."

"jogging talaga? naka boxers, nakatsinelas, jogging? bumalik ka na nga sa loob. Inaabala mo pa ako. Baka magising pa sina Tatay, hindi pa ako papayagan nun." nairitang wika ni Maru.

"Hintayin mo ako, magbibihis lang ako. Sasamahan na kita mamalengke baka kung saan ka na namang palengke makarating at baka kakaibang talong na naman mabili mo. Madali lang ako." saad ni Fil na mabilis tinungo ang sampayan sa gilid sabay hablot ng mga nakasampay na damit at shorts.

Wala nang nagawa pa si Maru kung hindi pagbigyan ang kaibigan. Sabay ang dalawa na nilakad ang tahimik pa noong kalsada palabas ng kanilang kalye. Kapansin-pansin ang pananahimik ni Maru kahit anong kulit pa ang gawin sa kanya ni Fil. Matipid ang mga reaksyon at tugon nito. Hindi iyon nakaiwas sa puna ni Fil.

"Iniisip mo pa rin ba ang nangyari sa iyo? Hayaan mo na, lilipas din naman iyan. Mahalaga kasama pa kita ngayon. Naiganti ka rin naman ng killer, lahat sila na umabuso sa iyo wala na. Nakatakas man ang Zek na iyon sa nangyari sa kanyang mga kasama tiyak binabangungot na iyon sa takot. "  Wika ni Fil para pakalmahin ang kaibigan.

"Fil...ano ang mararamdaman mo kapag nalaman mo na hindi ka pala tunay na anak ng kinalakihan mong magulang?" Biglang bulalas na tanong ni Maru kay Fil.

Hindi iyon inaasahan ni Fil dahil ang buong akala nito kaya ganun ang kinikilos ng kaibigan ay dahil iyon sa nangyari sa kanya. Hindi agad nakatugon sa tanong na iyon si Fil. Ninamnam muna nito ang laman ng tanong na iyon sa kanya ni Maru, at bakit ganun ang klase ng tanong ang nais nitong pag-usapan.

"Sakali man, siyempre sa umpisa magugulat, mapapatanong pero hindi ko siguro kayang magalit sa halip magpapasalamat dahil minahal at pinalaki nila ako bilang tao, bilang sariling anak at kadugo. Kung magkaroon man ako ng tampo o galit doon sa tunay na bumuo sa akin. Bakit ba? Ano na naman ang napanood mong teleserye at naitanong mo iyan? " Saad ni Fil.

Hindi na sumagot si Maru. Sakto naman kasi ang pagdaan ng tricycle sa may tulay kaya pumara ito at sumakay. Hindi na naungkat ang ganung topiko hanggang sa nakarating na nga ang dalawa sa public market.

DAYOWhere stories live. Discover now