"ANG KREMIN SA KWATRO UNO"

439 4 0
                                    

Idinaan nga muna ni Hector sina Fil at Maru sa kani-kanilang mga bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Idinaan nga muna ni Hector sina Fil at Maru sa kani-kanilang mga bahay. Sa tindahan na nito bumaba si Maru, agad naman silang sinalubong ni Paz na kanina pa hinihintay ang pamangkin. Nang gabi din na iyon nakilala nito si Hector ang matapang na umupa sa bahay nila sa maisan. Sa pag mamagandang loob ni Hector, natuwa sa kanya si Paz,at inalok siya nito na doon na sa kanila maghapunan.

"Naku, ang kisig at ang guwapo mo naman pala Hector. Ilang taon ka na ba? Kung hindi ako nagkakamali hindi naman nagkakalayo ang edad natin, tama ba?." Tanong pa ni Paz, na manghang-mangha sa kakisigan at gandang lalake nito sa kabila ng kanyang edad.

"Hay si Tita, daig pa ang gen z kung mag landi. Baka may Asawa na itong si kuya Hector nuh. Kuya Hector maraming salamat talaga, siguro kung hindi kayo dumating, may ginawa nang masama sa amin ang grupo nina Luca".

"Matagal ka na ba ginugulo ng mga iyon?" Tanong pa ni Hector kay Maru.

"Ang mga kabataan na iyan talaga, sakit na dito iyan sa barangay. Pati nga mga kaanak ng mga iyon ,sinusuka na sila dito. Mga adik, basagulero, tambay at mga bastos. At alam mo ba ,ang Nato. Ginawan pa ng scandal itong pamangkin ko. Sukat bang ibidyu ang pagkain sa kanya ni Maru. Itong si Maru naman kasi, mahilig pala sa morcon nakikikain pa sa iba. Nalaman tuloy ng lahat." At napa kuwento na nga si Paz ng tudo.

"Hay naku tita, daig mo pa ang social media kung magpakalat ng scandal. Nakakahiya. Grabe kayo sa akin. Halos binuklat mo na dito kay kuya Hector ang sekreto ko oh." Ang napahiyang sabat ni Maru.

"Huwag ka mag alala Maru, hindi na nila magagawa pa ulit iyon sa iyo. Takot lang nila sa tatay mo. Diba nga sabi mo, pulis ang tatay mo?"  Sabi pa ni Hector kay Maru.

"Si Paeng? Naku sa daga nga lang takot iyon. Ayaw ni Paeng ng gulo. best in friendship kaya ang kapatid kong iyon dito." Sabat pa ni Paz kay Hector.

"Masyado ng lumalalim ang gabi, salamat sa hapunan. Aalis na ako."  Paalam na ni Hector.

Nais pa sanang ihatid ni Maru si Hector ngunit tinanggihan na ito ng lalake. Kakaalis lang ni Hector nang siya namang dating ng ama ni Maru.

"Sino na naman iyon Maru?"

"Si kuya Hector Tay ang umuupa sa bahay natin sa maisan. Dito siya nakihapunan sa atin."tugon ni Maru sa kanyang ama.

"At bakit naman?"

"Ang tita Paz ang nag alok sa kanya dito. Mukhang gusto pa yata humabol ng kapatid mo Tay."

"Siya nga pala, mag ingat ka anak. Alam mo ba ang nangyari doon sa kabilang siyudad? Sa mga natagpuang bangkay ng mga kalalakihan sa Isang bahay? Hindi lang pala  doon unang nangyari iyon. Sa pag iimbestiga namin, may mga nauna na palang kaso , tulad nito sa ibang lugar. Hindi lang gaanong napabalita dahil wala namang pumapansin. Ngayon lang ulit umingay dahil sa social media. Malaking tulong din minsan ang social media na iyan sa awareness ng mga tao. Kaso madalas din nagagamit sa mga fake news." Paalala pa ni Paeng sa anak nito.

DAYOWhere stories live. Discover now