SUSI : third part

88 3 0
                                    

"Hakbang Pabalik"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hakbang Pabalik"

Maalala pa ni Paeng ang araw na tinawagan ito noon ni Jericho na sobrang aligaga at balisa. Hapon ng mga sandaling iyon matapos matagpuan sa ilalim ng tulay ang pugot na katawan ni Luca.

"Nakita ko kung sino ang pumatay sa lalaking natagpuan sa tulay." bulalas ni Jericho mula sa kabilang linya.

"Anak ka ng tinapa, at ano naman ang ginagawa mo dito? Sinabi ko na sa iyo na huwag kang basta-basta maggagala ng hindi ko alam. Alalahanin mo, hanggang ngayon hindi pa natukoy ang salarin sa nangyari sa mga magulang niyo." may pag aalalang tugon ni Paeng.

"Alam mo ang sagot ko diyan. Kung inaalala mo ang kaligtasan ko, ganun din ako sa kapatid ko. Lalo na ngayong nasaksihan ko mismo ang nangyaring pagpatay diyan sa inyo." sabat ni Jericho.

"Kaya mas lalo kang mag ingat, magkita tayo.At hayaan mo na sa akin si Joram, sisiguraduhin ko sa iyo ang kaligtasan ng kapatid mo." saad pa ni Paeng.

Ayon pa sa kuwento ni Jericho, naroon siya sa barangay Kwarto Uno upang resbakan sana ang mga sumita sa kanyang kapatid. Nandoon kasi ito ng harangan ng mga grupo ni Jack sina Fil at Maru nang gabing pauwi ang mga ito. Buti na lang at may sumaway sa kanila na sakay ng tricycle. At ng gabing babalikan na sana nito ang grupo, na tiyempuhan nito ang isa sa mga iyon lasing at pasuray-suray malapit sa tulay. Lalapitan na sana ito ni Jericho ngunit napa atras na lang ito nang mula sa madilim na kawayanan sa gilid ng tulay sumulpot ang isang taong naka-itim lahat at may hawak na karit sa kanyang kamay. Hinarangan nito ang daraanan ng lalake. Kitang-kita ni Jericho kung paano nabalot ng takot ang mukha ng lalake. Napaatras ito at napatakbo. Doon na ito hinabol ng taong may karit. Dahil sa matinding kalasingan patagilid ang takbo ng lalake hanggang sa nahulog ito sa gilid ng tulay. Doon na ito nasukol ng taong may karit.

Dagdag pa ni Jericho, masyadong madilim at masukal ang bahagi na iyon sa gilid ng tulay kaya nang silipin niya ito, hindi na nito nakita ang dalawa. Sunod na lang nito narinig ang sigaw ng lalake na nagmamakaawa para sa kanyang buhay. Sinundan ni Jericho ang pinagmulan ng boses at dinala siya nito sa gilid ng ilog kung saan akto nitong nasaksihan kung paano tapyasin ng taong may karit ang ulo ng lalake. Nagulantang si Jericho sa nasaksihan. Hindi niya inaasahan na iyon ang bubungad sa kanya sa kanyang pag-punta. Napakubli ito sa mga halamanan nang mapalingon sa puwesto nito ang taong may karit.

Simula noon, sa kabila ng pagbabawal ni Paeng kay Jericho, mas lalo pa nga itong naging mapagmasid sa pagbabantay sa kanyang kapatid bagay na madalas pinagtatalunan nila ni Paeng sa tuwing
nagkikita ang dalawa.

"Hindi ka ba titigil sa ginagawa mong pagsunod-sunod sa kapatid mo Jericho? Tinatakot mo na si Joram sa ginagawa mo. Alam mo ba na napa-praning na siya at kung ano-ano na lang ang sinasabi niya. Wala ka bang tiwala sa akin?" Galit na boses ni Paeng.

DAYOWhere stories live. Discover now