MALING HINALA

320 5 0
                                    

Sa paglisan ni Hector sa barangay Kwatro Uno, panandalian humupa ang takot at pangamba ng mga tao doon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa paglisan ni Hector sa barangay Kwatro Uno, panandalian humupa ang takot at pangamba ng mga tao doon. Para namang usok na bigla nalang nilgjipad ng hangin ang mga balita ukol sa mga nakaraang krimen.

"Ayan wala na si Hector, baka naman bagong boarder naman nina Paeng ang pagdidiskitahan niyo. Maawa kayo sa bata." bungad pa ni Marisol sa mga kabarangay nito na noon maaga pa lang naka tambay na sa tindahan ni Maru.

"Naku kung makapag salita , eh Ikaw nga itong number one na pasimuno ng tsimis dito sa atin." sabat pa ng isang babae sabay winawasiwas pa nito ang mga kamay na may hawak pang sandok.

"Teka nga lang, puwede ba doon kayo mag tsismisan sa gilid, nahaharangan ang tindahan ko. Tinatawag niyo ang malas." Saway pa ni Maru sa mga kapitbahay nito.

"Hayaan mo na ang mga iyan Maru, part na ng lifestyle nila ang mag tsismisan dito. Siya nga pala, balita ko bata pa ang pumalit kay Hector doon sa bahay niyo sa maisan?" sambit ni Fil nang bumili ito sa tindahan ni Maru.

"Sabi ni tatay, pero hindi ko pa nakita. Inaabangan ko nga din iyon dito. Call center agent daw sabi ni tatay at guwapo."tugon pa ni Maru.

"Sus, umiiral na naman ang lalandian mo. Kaya ka inaasar ng mga kalalakihan dito dahil diyan sa kilos mo. Umayos ka nga." saway bigla ni Fil kay Maru.

"selos ba iyan? Ikaw Fil ha kunti na lang , magdududa na talaga Ako na may gusto ka sa akin." pang aasar pa ni Maru sa kaibigan.

"Ako? sa iyo? mangilabot ka nga Maru. Hinding hindi ako papatol sa iyo ano. Hindi pa ako disperado nuh, marami pa akong pangarap sa buhay ko." natawang tugon pa ni Fil.

"Alam mo grabe ka na sa akin. Hindi ka na makakautang dito."

Bigla na lang tumahimik ang mga nakatambay doon sa tindahan ni Maru. Nagkaroon ng mga mahihinang bulong bulungam ang naging kasunod. Napabaling narin si Fil sa kanyang likod.
Isang lalake na kasing edad lang din ni Fil ang papadating sa tindahan ni Maru.

Maputi, matangkad, matipuno at mukhang banyaga, bigotilyo pero malinis. Ito Ang mga naiisip ni Maru habang seryusong tinitingnan ang lalaking paparating sa kanyang tindahan. Kung ano-ano ang na i-imagine nito sa lalake. At habang papalapit ito sa kanya lalong lumilipad ang isip ni Maru. Natauhan na lang ito ng muling magsalita si Fil.

"Hoy bago ka makipaglandi, punasan mo muna ang laway mo, sumasayad na oh" Sabi pa ni Fil kay Maru.

"Alam mo kahit kailan,basag trip ka. Ok sana kung kasing guwapo ka niya."

"sus, pumuti lang naman iyan. Iba pa din ang lutong pinoy." Sabi pa ni Fil kay Maru tsaka ito umalis sabay tingin sa lalaking kasalubong nito.

DAYOWhere stories live. Discover now