UTANG

277 5 1
                                    

Bakas sa mukha ni Fil ang pagkabalisa

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Bakas sa mukha ni Fil ang pagkabalisa. Umuwi ito sa kanila at nagbabad sa banyo. Nasa loob parin ito nang tinawag ito ng kapatid, dahil may naghahanap sa kanya sa labas. Nang malamang si Maru ang naghihintay sa kanya, lumabas agad ito na naka tuwalya lang. Tinungo nito ang kanilang sala kung saan naroon na si Maru.

"Napasugod ka? Nagulat naman ako." Bungad ni Fil nang makita si Maru na naka tayo sa may pintuan.

"Ako yata nagulat sa ayos mo, mag bihis ka kaya muna. Hihintayin na lang kita sa labas." Pa utal na tugon ni Maru habang titig na titig sa katawan ni Fil na basa pa.

"Sara mo kaya muna bibig mo, tumatapon na sa damit mo laway mo. Type mo katawan ko ano?" Patuksong tanong ni Fil kay Maru na bigla naman napakunot ng nuo.

"Alam mo kahit kelan, feeling mo ang yummy mo. Hindi ko type ang katawan mo nuh, kung katawan siguro ni Rodge, oo. Pero sa iyo never. At hindi ako pumunta dito para makita iyang katawan mo. " Tugon ni Maru.

"Bakit ano iyon, bilisan mo lang kasi may gagawin pa ako."

"Dumating na si Sue, pinapapunta tayo. Miss ka na daw niya." Sabi pa ni Maru na mas kina-inis pa lalo ni Fil.

Si Sue ang ex girlfriend ni Fil na pinsang buo ni Maru, na siyang naging dahilan kung bakit naging malapit sina Fil at Maru sa isat isa. Nang mag hiwalay sina Fil at Sue, naging hingahan ng sana ng loob ni Fil si Maru. Si Maru ang naging taga aliw ni Fil noong mga panahong down ito sa paghihiwalay nila ni Sue.

"Wala na akong oras sa mga walang kuwentang bagay. Sabihin mo na lang sa pinsan mo na busy ako at may mahal na akong iba para tapos ang kuwento." Ang tugon ni Fil. Hindi man masabi nito ang totoo, rinig sa bigat ng kanyang mga bigkas na galit pa din ito sa pinsan ni Maru.

"Ang arte neto,... kung magtatanong iyon kung sino na ang pinalit mo sa kanya, Ang bago mong mahal , sino ang sasabihin ko, eh simula nang mag hiwalay kayo wala ka namang pinakilala sa aking bagong girlfriend." 

"Ikaw, sabihin mo na tayo na. Na ikaw ang ipinalit ko sa kanya." Pabirong sagot pa ni Fil kay Maru.

"Wala ka talagang klarong kausapin,' nuh? Sige na gawin mo na nga ang ginagawa mo, basta kung mag bago isip mo, puntahan mo na lang ako. Kainis ka."  at umalis na si Maru. Biro man iyon kung ituring para kay Maru, nag dulot naman iyon sa kanya ng kunting ngiti.

Natawa na lang sa sarili nito si Fil kung bakit iyon ang kanyang sinabi kay Maru. Hindi rin maitatanggi ang subrang closeness ng dalawa, bagamat parang aso't pusa kung magbangayan minsan. Madalas naman takbuhan ng bawat isa ang isa't isa, lalo na kapag may problema.

Pagbalik na sa loob ng silid nito si Fil nang masulyapan nito ang balita sa tv. At nanlumo ito sa panibago na namang biktima ng patayan at sa puntong iyon, mga pugot na ulo na naman ang natagpuan. Kinilabutan si Fil lalo na nang malaman nito na iyon ang mga ulo ng tatlong tao na pumatay sa bakla.

Gabi na at maraming tambay noon sa tindahan ni Maru ng mapadaan ang grupo nina Jack. Mga bangag na naman ang mga ito at pinag didiskitahan ng mga ito ang matandang bakla na si Mamu Perli, ang nagpapautang ng lending sa barangay nila ni Maru. Pauwi na din sana ito mula sa paniningil nang maabutan ito nina Jack sa tindahan ni Maru.

DAYOOnde histórias criam vida. Descubra agora