On instinct, hinawakan niya agad ang kamay nito. Na agad naman nitong tinanggal. Nagtatakang napatingin siya dito.

“I just want to return this.”Pagtingin niya sa inaabot nito, phone niya ang nakita niya. “I have to go.” Tiningnan muna nito si Chariz bago ito mabilis na tumalikod. Dumeretso ito sa kotse nito na nasa tabi ng kalsada.

“Princess!” Susundan na sana niya ito ng may pumigil sa braso niya.

“Who is she, Aeroll?” tanong ni Chariz.

“She is Princess, the woman I’m going to marry.” Iyon lang at iniwan na niya ito para sundan si Princess. Pero nakaalis na ang kotse nito. Sinubukan pa niya itong habulin. Pero hindi naman niya ito maabutan. “Shit!” Inis na sinipa niya ang bato na nakita niya. Kung kailan naman wala ang kotse niya!

“Kuya Aeroll?” Paglingon niya, nakita niya ang kapatid niyang si King na naka-motor. “Sinong hinahabol mo?”

“Kaninong motor ‘yan?”

“Sa barkada ko. Bakit?—Uy!” Sumakay kasi siya sa likuran nito.

“Mag-drive ka, may hahabulin tayo.”

“Sino?”

“Just drive, King!”

“Oo na!”

Tiningnan niya ang phone niya at tsinek ang message na sinasabi ni Chariz kanina. Pero wala naman. Shit! Nabasa ba ni Princess ‘yon at binura? Ano ba kasing message ‘yon?!

Pero ang mas pinagtataka niya ay ang reaction ng mukha nito habang nakatingin kay Chariz kanina. Para kasi itong nakakita ng multo.


* * * * * * * *


Nakaalis na si Aeroll sakay ng motor pero nakatayo pa din si Chariz sa harap ng ospital. Muli niyang inalala ang mukha ng babaeng lumapit sa kanila kanina. At inalala ang sinabi ni Aeroll bago ito umalis.

“She is Princess, the woman I’m going to marry.”

“So, siya pala ang tinutukoy ni Nico.” Co-nurse niya ang tinutukoy niya. “Siya pala ang bagong girlfriend ni Aeroll.” Nung una, hindi siya naniniwala dahil akala niya dahilan lang ‘yon ni Aeroll para iwasan siya.

Humalukipkip siya. “Small world, huh.” A smile curved on her lips. “Kung nagawa kong agawin sa kaniya ang boyfriend niya dati, magagawa ko uli ‘yon ngayon. Because I’m Chariz Yee. And no one can say no to me.”

Naglakad na siya. “See you soon, Princess.”


* * * * * * * *


Pagkabigay-bigay na pagkabigay ni Princess ng phone kay Aeroll ay umalis na siya. Pero bago niya paandarin ang kotse niya, hindi pa rin niya mapigilang lingunin ito. Nakita niyang hawak ng babae ang braso nito. Mabilis na iniwas niya ang mga mata niya at pinaandar ang kotse.

Ang babaeng ‘yon! Kilala niya ito. College siya ng makilala niya ito. Ito lang naman ang babaeng umagaw ng first boyfriend niya! Sa totoo lang, wala na sa kaniya dahil naka-move on na siya. Pero hindi niya malilimutan ang mukha ng Chariz na ‘yon. At bakit sa dinami-dami ng Chariz sa mundo, bakit ito pa ang Chariz na nagtext kay Aeroll kagabi?! Alam niya, sa bibig na mismo ni Aeroll nanggaling ang pangalan nito. Kaya malakas ang kutob niyang ito ang Chariz na nagtext kagabi.

Inis na hinampas niya ang manibela ng kotse niya. “Bakit?! Bakit?!”

Bumalik sa alaala niya ang nabasa niyang text kagabi.

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ