(152) August 7, 2020

39 6 0
                                    

Notes

Hello. Long time no journal? At this point hindi na 'ko sure if journaling pa ba 'to o ano. Pero ano... wala lang. nakakalungkot. I guess it's safe to say that i ghosted everyone this week.

Gust ko ng makakausap pero hindi ko rin alam. Natatakot ako. Aaminin ko, nabahala ako nang husto dahil sa text noong nakaraan. Ilang araw na ang nakalipas pero binabagabag pa rin ako ng mensahe.

Ilang beses kong nakita si Primo ngunit hindi ko rin madala ang sarili na kausapin siya. Nakakahiya nga. Ayaw ko namang lumayo pero totoo naman kasi 'yong text.

'Yong mas nakakatakot pa ay timing talaga... like the day before na natanggap ko 'yong text, nagkaano kami ni Primo huhuhu ba't hindi ko ma-type? Ah, basta, nahihiya ako pero ano... pagkabukas, ayon! May warning kaagad. Ang bilis naman ng balita huhuhu

At saka ano pala... omg... pumunta rin si Primo rito kahapon. Todo layo nga ako pero siya naman 'tong pumunta talaga sa bahay! Pero ano... nag-sorry siya. Sabi niya na baka naging uncomfy daw ako huhuh baliw ba siya! Nagustuhan ko 'yon noh!!! Pero wala akong may sinabi. Tinitigan ko lang talaga siya. Natulala ako huhu tanggal angas ko :(

Pero yeahhhhh sana sinabihan ko siya na hindi niya naman kailangang mag-sorry kasi ginusto ko rin naman pero ayun... hinayaan ko lang. nagmukha tuloy na may kasalanan siya. Sorry, pogi :((

Ah, pero 'di bale na. Bahala na si batman :((

Ps. Miss na talaga kita, outside world...

Pps. pero si pogi ang pinaka-nami-miss ko

Ppps. Ayaw ko namang magpaapekto sa message na 'yon kaso parang wake up call na rin 'yon eh! Tbh, it was like a snap back to reality :((

Pppps. I guess these past few days, sobrang saya ko. Ni isang beses, hindi ako nag-overthink tungkol sa nangyari noon. It felt like that incident is all part of the past. Nakalimutan ko na ganito pala ko #sadgirl pero ano... masakit lang... kasi akaLA KO OKAY NA :(( sige lang, self, may tatanggap din sa 'yo someday :(( tiis lang muna ngayon. Lilipas din 'to :)

Miara's MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon