(124) July 19, 2020

37 4 1
                                    

Fico and Atien

"Miara, diba mamamasyal ka ngayon?" Napaigtad si Miara dahil sa biglaang pagsalita ng kaniyang kapatid. Minulat niya ang mga mata at nakita ang kaniyang Ate Mai.

"Bakit? Baka magpapakulay ako ng buhok at maglilibot-libot sa palengke," inaantok niyang sagot.

"Mamamasyal sa palengke? Seryoso ka?"

Bumangon si Miara at saka dumiretso na sa banyo para maligo. Pagkalabas niya, hinihintay pa rin siya ng kapatid.

"I'm going to Silay the day after tomorrow. May inutos si Mama. Business meeting."

Nang marinig ang salitang "Mama" ay biglang kinabahan si Miara. Mas close talaga ang Ate Mai niya sa kanilang ina kumpara sa kaniya.

Miara nodded and held her hand open, waiting for her sister. Alam niyang may ipapabili si Ate Mai sa kaniya at hinihintay niya na lang ang listahan.

Mabilis na nagbihis si Miara para makapunta na sa city proper ng La Carlota. Lampas na kasi ng city proper nakatayo ang kanilang bahay.

"Marunong ka pang mag-tricycle diba?" Anang kaniyang kapatid.

"Grabe ka naman! Siyempre!"

Nang makarating sa city proper ng La Carlota ay tumungo siya sa sa grocery para bilhin ang inutos ng kapatid. Pagkatapos niyon ay nagpahinga siya sa Cafe Clara.

Habang umiinom ng milktea ay may pumasok na lalaki. Napapamilyaran siya ni Miara pero sigurado rin ito na hindi pa sila nakapagkita noon.

The familiar guy turned to her and she immediately looked away. She heard him gasp.

"Miara?"

Nanlaki ang mga mata ni Miara nang narinig ang pangalan. Hinarap niya muli ang lalaki at nakitang palapit na ito sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino iyon.

"It's me, Fico! Primo's cousin and we're mutuals on Instagram and Twitter!"

Ipinakilala ni Miara ang sarili at nakipagkamayan kay Fico. Hindi nagtagal ay may isa na namang pamilyar na lalaki na pumasok sa cafe. May dalawang batang nakasunod sa kaniya.

"Atien! Look, it's Miara!" Excited na sabi ni Fico.

Atien turned to them and gave Miara a smile before introducing himself. Miara's eyes dropped to the two kids who were busy eating ice cream. One of them saw Miara looking and stuck his tongue out at her.

"Finally, we meet!" Ani Fico na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin. He then gestured to the two kids. "Mga anak ko nga pala."

Nanlaki ang mga mata ni Miara at nabulunan dahil sa narinig. Napaubo-ubo na lang siya.

"Just kidding!" Fico said with a boyish grin. "They're our cousins. And also Primo's cousins." Fico emphasized Primo's name and wiggled his brows teasingly.

Napailing-iling na lang si Miara, pinipigilan lang na mapangiti. Ayaw niyang isipin ng dalawa na may gusto siya sa kanilang pinsan.

Fico and Atien, together with the two kids, sat with her. Nag-usap-usap silang tatlo at katulad ni Primo ay masaya ring kausapin ang dalawa.

"We just arrived and we decided to drive around so..." ani Atien habang inuubos ang cake. "Enough about us. How about you? Are you staying here?"

"Dito nakatira ang kapatid ko." Tumango si Miara. "Nothing interesting. Kayo ba?"

"Our main ancestral house is at Central Ma-Ao but we also have houses near La Carlota," it was Fico who answered. Miara observed that Fico's the more talkative type. Siya yung palabiro. Si Atien naman, not as serious as Primo, but also not as lively as Fico.

Patuloy silang nag-usap-usap hanggang sa nag-tantrums ang isa sa mga bata. Nagpaalam na ang dalawa habang si Miara naman ay dumiretso na sa parlor. Nabo-bored na siya at wala namang pasyalan.

Natagalan si Miara sa parlor at nakatulog pa. Magse-selfie na sana siya ngunit natigilan nang makita ang mensahe na hindi niya napansin kanina. Agad siyang napangiti nang makita kung kanino galing iyon.

Primo:

So you're at La Carlota, huh?

Miara's MistakesWhere stories live. Discover now