(24)

56 4 0
                                    

Flashback
Miara's POV

The booming electro music was deafening. Kanina pa kami naririto kaya hindi ko na mabilang ang inuming naubos ko. Hindi rin nakatulong ang papalit-palit na mga ilaw sa loob ng club kaya mas nadagdagan ang sakit ng ulo ko.

Hawak-hawak ang isang bote ng beer, dumiretso ako sa dance floor kung nasaan ang mga kaibigan. Nang namataan ako ay agad naman kumaway si Olympia sa akin. May binulong siya sa lalaking kasama at mabilis naman itong umalis.

Hinatak niya ako papunta sa gitna ng dance floor kung nasaan ang isa pa naming kaibigan. May nagpaputok ng confetti na ikinahiway naman ng mga nagsasayawan habang ang iba naming mga kasamahan ay biglang sumulpot mula sa kung saan na may dala-dalang cake para sa celebrant.

"Blow! Blow!" They chanted, urging Harmony to blow the candles while Olympia and I were laughing at the side. Harmony turned to us with a grin.

Sandali pa akong nakisayaw hanggang sa hindi ko na makayanan ang sakit sa paa. Kanina pa rin kasi ako hindi nakaupo at naka-heels pa ako.

Bumalik ako sa booth namin at saka uminom ng tubig. Hindi nagtagal ay sumunod din ang dalawa pero ngayon ay may kasama na silang lalaki.

Senior na siya sa paaralan namin kaya graduating na. Tuwing nakakasalubong ko sila ng kaniyang grupo ay palagi silang nag-iingay. Hindi ko alam kung bakit. Baka sadyang papansin lang talaga sila.

"Miara!" Ani Harmony sabay hawak sa palapulsuhan ng lalaki at hinatak ito papalapit sa kinauupuan ko. "Meet El. Kilala mo na siya diba?"

Napakamot ako ng ulo sabay ngiting aso. Hindi ko siya kilala. Ang alam ko lang talaga ay galing ito sa tanyag at mayamang pamilya pero hindi ako kailanman nag-aksaya ng oras para maki-osyoso tungkol sa lalaki.

"Nice to meet you," ani El sabay lahad ng kamay. "Matagal na kitang kilala. I just really didn't have the guts to talk to you."

Nagngiting-aso ulit ako sabay lagok ng tubig. Umiikot na ang paningin ko at kailangan ko munang magpahinga ng ilang sandali para makaipon ulit ng lakas para makipagsayawan.

Humagikhik sina Olympia at Harmony. May sinabi sila pero hindi ko iyon masyadong narinig dahil sa lakas ng tugtugin. Umalis ang dalawa at naiwan akong kasama si El.

Nag-usap-usap kaming dalawa at nakakatuwa naman siyang kasama. Hindi nawawalan ng kuwento at maraming baon na biro.

Nag-order din kami ng pagkain at tumigil muna sa kaiinom maliban na lang sa tubig. Unti-unti na ring bumubuti ang pakiramdam ko at mas nagiging klaro na ang paningin ko.

Habang kumakain ng fries ay may nahagip ang mga mata ko. Nasa kabilang booth na grupo ng mga lalaki. Nagsisiyahan sila pero may isa sa gilid na tubig lang ang hawak at nakabusangot pa. Parang napilitan yata.

"Found an eye-candy?" Ani El. Napaawang naman ang labi ko, nagulat na nakita niya akong nakatingin sa lalaki.

Umiling-iling ako sabay patuloy sa pagkain. Nang maubos na ang tubig ay magpapaalam na sana ako sa kaniya para makabili pero binigyan niya rin ako.

"Salamat," sabi ko sabay tanggap ng mineral water. Nakabukas na iyon kaya hindi na ako mahihirapan pa. "Pero bibili muna ulit ako."

Umalis na ako sa sofa at dumiretso sa may bar at um-order ng tubig. Iinumin ko na sana 'yong tubig na binigay ni El nang may humawak ng palapulsuhan ko at kinuha ang mineral water.

"I think there's something," anang lalaki. I was about to throw a fit at him but then I realized that it was the guy I was looking at earlier. Mas gwapo siya sa malapitan.

Mukhang serious type siya dahil pati ang boses niya ay walang bahid ng kung anong pagbibiro.

I rolled my eyes at him and waved a hand. Paano niya makikita eh nasa kabilang booth siya. Gusto niya lang ata akong makausap! Palusot lang 'to eh!

"Okay sabi mo eh," I said in an amused voice, then taking the mineral water from him and placed it on the bar counter.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa alak o sadyang walang hiya lang talaga ako pero dumukwang ako palapit sa kaniya at siniil na ng halik ang kaniyang mga labi.

Sandali pa siyang natigilan pero agad din namang iginalaw ang mga labi at hinalikan ako pabalik. Ipinalibot ko ang mga braso sa kaniyang leeg habang ang kaniyang mga kamay ay nasa baywang ko na.

Bago natapos ang halik ay sa hindi malamang dahilan ay nanunukso kong kinagat ang pang-ibaba niyang labi. Napamura pa siya dahil doon pero agad din namang napangisi.

Kinuha ko ang mga bottled water na in-order pati iyong binigay ni El.

"Don't worry, kakilala ko ang nagbigay nito," I said assuringly, then winking at him.

He looks unconvinced but didn't press on the topic further. He ordered a drink while I thanked the bartender. Sandali ulit kaming nagkatinginan at tinanguan ko siya bago bumalik sa booth namin at inisang lagok na ang tubig na binigay ni El.

Looking back, I wish I listened to that stranger. The feelingera in me overpowered and thought that he was just making an excuse to talk to me. It turned out that he's right. I should've heeded to his warning.

But then... who would've thought that the people I thought were my "friends" would betray me like that?

Until now, there are still gaps in my memories. I couldn't remember much so when I was asked to testify, I couldn't give anything. It was me versus Olympia, Harmony, and El. It didn't help that they have connections in the higher-ups.

Wala talaga akong matandaan. Nalaman ko na lang ang nangyari nang mapanood ang video... ang video na hanggang ngayon ay ikinahihiya at nagdudulot pa rin sa akin ng kung anong takot.

It's also ironic that even after what happened, I'm still the same... I guess my mother's right. Hindi ako natututo. Pero... hindi ko rin alam kung bakit ganito ako...

My only hoped that time was him... that stranger who warned me that there might be something in my water... I tried to look for him, hoping that he can testify... pero hindi ko siya ulit nakita na dahil ako mismo, hindi na rin matandaan ang kaniyang hitsura.

If it wasn't for the photos I saw, that guy who warned me would remain faceless and nameless in my mind.

But now, I can remember him... kung kailan hindi ko na siya hinahanap, saka pa kami nagkita...

Miara's MistakesWhere stories live. Discover now