(73) July 10, 2020

46 5 0
                                    

Pogi

"Pogi naman, eh!" Nakangusong sambit ni Miara. Napailing-iling na lang si Primo bago lumuhod sa harapan niya.

Sandali pang napaigtad si Miara at napansin iyon ng lalaki kaya bumalik ito sa pagkakatayo.

"Uhh..." napakamot ng ulo si Primo sabay lahad ng cold compress kay Miara na mabilis namang umiling.

"I can't bend," nahihiya niyang sambit.

Paulit-ulit sa kaniyang isipan ang nangyari bago-bago lang. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa sarili o mahihiya.

"Lol, that's what she said."

Nagulat si Miara sa reply ni Primo at iyon ang dahilan kung bakit sandaling nawala sa kaniyang isipan na nasa treadmill siya. The reply she received was so unexpected, making her fall face flat on the ground.

Tumama ang isang gilid ng kaniyang mukha sa may paanan ng treadmill habang ang leeg hanggang paa niya ay sa sahig dumiretso. Maliban sa kaniyang mukha ay ang dibdib at tuhod niya ang napuruhan.

Narinig niyang tumikhim si Primo kaya bumalik ang tingin niya sa kasama. Naka-gym clothes pa rin ito at kahit namamawis ay hindi niya mapigilang mapatulala sa binata. Hindi naman kasi palagi na may lakas siyang tingnan nang diretso si Primo.

Primo pulled a chair with one hand and placed it beside the seat of Miara. He tapped his legs and raised the cold compress but Miara didn't understand what he was implying.

"Place you legs here," he said, then tapping his thighs again.

Medyo na-conscious pa si Miara pero wala siyang ibang mabuting option. Masakit din ang kaniyang likod kaya hindi siya masyado makagalaw.

Nang naipatong niya na ang mga paa sa kay Primo, masuyo nitong nilagay ang cold-compress sa kaniyang tuhod. Tahimik lang silang dalawa.

Ang isang kamay ni Primo ay nakahawak sa cold compress habang ang isa naman ay hawak-hawak ang kaniyang phone, may binabasa.

He turned to Miara and showed the screen of his phone. "I'm reading bruise remedies. It says here that hot bath would help."

"I have a tub in my room and you can use it," he added, then glancing at her before bringing his eyes back to the cold compress. "But only if you're comfortable."

"Hmm... pwede rin," ani Miara sabay tango. "Pero mamaya na. Masakit pa katawan ko. Mauna ka na lang."

Primo tilted his head as he looked at Miara. Na-conscious naman bigla ang isa dahil sa uri ng pagtitig nito.

"Nah, I'll stay."

They were enveloped by silence as they sat at one corner inside the gym room. Miara felt awkward, not because of Primo's presence, but because of the silence. Kahit sino pa ang kasama niya, basta tahimik, kinakabahan siya.

"Ang pogi mo," she blurted out of nowhere. Primo turned to her and grinned, then covering his face with his palms.

Napakagat-labi si Miara, gustong sabunutan ang sarili pero pinili na lang na magpatay-malisya, kunyare tinutukso lang si Primo.

"Pogi na lang tawag ko sa 'yo," aniya pa sa nagbibirong tono. "Pero kung ayaw mo, pwede ring... Pizo! Or Ribel!"

Primo burst out laughing, surprising Miara. His head hung back as he laughed. Natulala naman si Miara sa kaniya.

"Seriously? Where'd you get those?"

"Sa Primo Zobel, siyempre!" Natatawang sagot ni Miara kahit sa kalooban niya ay parang napa-parkour na.

Napahawak si Miara sa kaniyang dibdib, hindi nagugustuhan ang nararamdaman. Napapikit na lang siya at tumayo na.

"Sa kwarto muna 'ko, pogi," aniya sa nanunuksong boses, pinipilit na huwag pansinin ang nararamdaman.

Please, Miara! Huwag kang marupok!

Miara's MistakesWhere stories live. Discover now