(15) July 5, 2020

93 3 0
                                    

Mistake

Miara closed the door behind her after she and Primo went in. Parang ligaw na tuta itong nakasunod kay Primo. Marami siyang dapat problemahin at isipin pero panatag ang loob niya na katulad ng mga napagdaanan niya noon, malalagpasan niya rin ito. Ang ikinakakakot niya lang ay kung ano ang sasabihin ng kaniyang ina.

"Oy, Primo!" Tawag niya sa lalaki na pabalik na naman sa silid nito. Hinarap siya ni Primo at parang umurong ang kaniyang dila. Bigla na naman siyang nakukuryoso kung bakit napapamilyaran niya ang lalaki.

"Sorry ha?" Nahihiyang sambit ni Miara nang tinaasan siya ng kilay ng lalaki. Huli niya nang namalayan na nagtagal ang tingin niya kay Primo at nagmistula siyang natulala rito. "Promise, hindi ako pasaway! Sa kwarto lang ako, hindi kita iistorbohin!"

The side of Primo's lips rose, it was as if he found her amusing. "Not your fault, Miara... I'll be inside my study, just tell me if you need anything..."

Pagkatapos niyon ay tinanguan siya ni Primo at pumasok na nga ito sa kaniyang silid.

"Studious mo naman, pogi," bulong ni Miara sa sarili sabay iling-ilng. Unti-unti na siyang nahahawaan ni Ali sa "pogi" na palayaw.

Imbes na pumasok sa kaniyang kwarto, tumayo si Miara sa harap ng floor-to-ceiling glass window. Natatanaw niya ang buong siyudad at nagulat pa siya nang makita na walang ni isang sasakyan sa daan. Wala ang karaniwang traffic.

Lockdown lang pala ang katapat ng traffic. Isip niya.

Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Miara nang nag-ring ang kaniyang phone. Sinagot niya ito nang hindi tinitingnan ang caller ID sa pag-iisip na isa sa mga kaibigan niya iyon kaya laking gulat niya nang marinig ang nanininghal na boses ng ina.

"Miara! Lintek kang bata ka!" Iyon ang pambungad ng kaniyang ina pero hindi na siya nagulat. Inaasahan niya na ito.

Miara couldn't help but roll her eyes at her mother's words. Paulit-ulit ang mga salita nito at kahit dapat masaktan siya, namanhid na siya.

"No, Ma! I'm not sleeping around!" Naiiritang sagot ni Miara. Tuwing may kasalanan siya, ito palagi ang sinasabi ng ina, na kung sino-sino lang daw ang kinakasama niya.

"Look? I just made friends with the wrong people, okay? But Isa and Ali are different," she said, defending her friends. She doesn't really mind if her own mother badmouths her. Pero ibang usapan na kapag ang mga kaibigan niya na ang topiko.

"Tama lang talaga ang desisyon ko! Last mo na 'yan!"

Miara sighed. "Oo nga, Ma... uuwi ako ng probinsya at doon ako kay Ate... magshi-shift din ako ng kurso na gusto niyo pati paaralan ikaw din pipili, diba?"

Sinapo ni Miara ang mukha, kinukurot ang ilong para mapigilan ang mga luha na nagbabadya. Tuwing naiisip niya ang nangyari sa kaniya at ang kinahihinatnan nito, parang pinipiga ang puso niya. Hindi rin nakakatulong ang pagtrato ng sarili niyang ina sa kaniya.

Patuloy niyang kinurot-kurot ang sarili para maabala ang sarili sa sakit sa kaniyang balat at hindi sa kaniyang dibdib. Ito palagi ang ginagawa niya kung naiiyak siya pero ayaw niyang umiyak.

"Hindi naman ako umangal, diba? Pero paniwalaan niyo naman sana ako," nanghihina niyang dagdag, halos nagmamakaawa na. "Pumayag ka naman, Ma..."

"Oo nga! But sleeping around isn't part of what you asked!"

"Sa pinsan nga ni Isa, Ma!"

"That's what we talked about! Pero nasa pinsan ka nga ba ni Isa?" Pagalit sa sagot ng ina. Unti-unti nang sumasakit ang ulo ni Miara at gusto niya na lang patayin ang tawag.

"Hindi nga! Nagkamali nga lang, diba? Aksidente, diba?! Tanungin mo pa si Isa!" Hindi na napigilan ni Miara na pagtaasan ng boses ang ina.

Minsan, mas gusto niya na lang na hindi na siya tawagan o kausapin ng ina dahil hindi naman ito nangangamusta. Sadyang ang mga pagkakamali niya lang talaga ang pinupunterya nito.

"Sa tingin mo naniniwala ako sa 'yo? Pati mga kaibigan mo iniimpluwensiyahan mo na rin! Inutusan mo pang pagtakpan ka!"

Hindi na napigilan ni Miara ang mga luha at napahikbi na lang habang tinatabunan ang bibig. She muted her microphone so her mother wouldn't hear her. Alam niya na kapag maririnig siya ng ina, sasabihan lang siya nito na nag-iinarte at nagpapaawa.

Her mother's words sting. It's ironic because she's supposed to support her yet she's also the one putting her down. Hindi iyakin si Miara at umiiyak lang ito kapag lubhang nasasaktan, iyong tipo na hindi niya na talaga kaya.

"I should've just said no! Kaya nadudungisan ang pangalan ko—"

Bago pa niya marinig ang buong pangungusap, mabilis na pinatay ni Miara ang tawag. Gusto niyang ihagis ang phone pero natandaan niya na wala pala siya sa sariling bahay.

Mabilis niyang pinahiran ang mga luha at nag-aasa na sound proof ang mga kwarto dahil kung hindi, tiyak na narinig ni Primo ang mga pinagsasabi niya. Nahihiya siya sa lalaki at ayaw niyang makaperwisyo pa rito.

Miara went inside her room and threw her phone, then covering her face with a pillow, and her tears started streaming down her face again.

Why am I always defined by my mistakes?

Miara's MistakesWhere stories live. Discover now