(58) July 7, 2020

41 5 0
                                    

Laugh

"Hoy! OMG!" Sigaw ni Miara palabas ng kaniyang silid. Pupunta sana siya sa kwarto ni Primo pero nang nakita niya ang binata sa may salas, mabilis siyang pumunta sa harapan nito.

"Masarap ako magluto!" She said, with matching hand gestures. "Masarap ako"—turo niya sa sarili—"magluto"—she did a circular motion with her index finger pointing down.

Napakurap-kurap si Miara nang makita na nakatagilid lang ang ulo ni Primo at may maliit na ngiti.

"What?" Conscious niyang tanong sa lalaki.

He stood up, making her take a step back. It was evident that he's biting the insides of his lips.

"Chill, wild girl," Primo said with a light chuckle. Si Miara naman, sandaling natulala kahit bago-bago lang ay nagulat siya nang biglang tumayo ang lalaki.

"What?" Primo turned back, probably feeling her gaze.

"Wala lang," she lied, then shaking her head. Ilang beses pa lang kitang nakitang tumawa. Mas gumwapo ka lalo. Isip niya.

Her eyes went down to the bowl he's holding. "Ako na ang maghuhugas," she offered.

"I'll be your plate attendant," dagdag pa ni Miara na may nakakalokong ngiti sabay lagay ng isang kamay sa baywang. Ang isa naman ay dinala niya sa may noo at saka nag-salute.

Primo made a sound and looked down. Miara was sure that it's the sound someone makes when he or she suddenly laughed.

Napailing-iling si Primo at saka binalik ang mga mata kay Miara. "The generator's on already."

Pagkatapos niyon ay tinalikuran siya nito at dumiretso sa kusina. May sinabi pa ang lalaki pero hindi na iyon nakuha ni Miara. Huli niya na lang napagtanto na may kausap pala ito at naka AirPods lang.

Miara's MistakesWhere stories live. Discover now