XXI

5 0 0
                                    

ELI

"Kanina ka pa talaga tingin ng tingin kay Cooner, Laurie. May gusto ka ba sa kanya?" curious na tanong ni Flor na agad namang nagdulot ng asaran sa mga kasama ko.

Papunta na kami ngayon sa Training class dahil ngayon daw gaganapin ang matches. Kinakabahan nga ang lahat. Iyon ang usap usapan ng mga estudyante habang nadadaanan namin sila papunta sa room.

Nadaanan pa namin ang library saka ko lang na pansin si Reina na nilinga ang paningin sa loob niyon. Tila may hinahanap. Nang walang makita ay bumalik sya sa pagiging tahimik na mas nag pa taka sakin.

Bakit kaya sobrang tahimik nang babaeng to? Okay pa naman ito kagabi ah?

'Baka masama ang gising'

Halos matigilan pa ako nang bigla kong marinig ang boses ni Lestheo sa utak ko. Nilinga ko ang paningin at nakita itong nakikipag usap sa isang estudyanteng babae habang naka ngisi. Mabilis kong hinigpitan ang pagsarado sa utak ko.

Hah...

Araw araw ba talaga ay may kausap itong iba't ibang babae? Kakaiba talaga...

Napairap ako at sa hindi malamang dahilan ay naisip na i-snob-in nalang sya. Total, mukhang busy naman itong makipag landian Doon. Nakita ko pa ang pasimpleng paghawak ng babae sa matipuno nyang braso. Mas lalo lang akong nadismaya.

Pero napa-aray ako nang maka bunggo ako ng kung sino. Kumunot lang ang noo ko nang makitang si Eros iyon. Kumunot din ang noo nya sakin siguro'y nag tataka ba't mabubunggo pa ako eh ang bagal ko na ngang mag lakad.

I don't even know that they stopped...

"Khai? Bakit?"

I stopped for a moment bago nilusot ang ulo sa harap pagkarinig niyon. Naroon pala si President at unang pansin ko agad ang parang galit nyang mukha. Ano na naman kayang nangyari... Oh di kaya... Yung tungkol kay–

"Do you know where Reese is?"

Sinasabi ko na nga ba, eh.

Pagkarinig ko pa lang ng iniisip ni Reina ay alam ko na agad ang sagot noon.

"Hindi ko alam e... hindi ko siya nakita,"

"Bakit Khai? May problema ba?"  tanong din ni Ochea. Wala talaga silang ka alam-alam sa nangyayari. Hindi ko alam kung maganda ba iyon o mas makakapagpalala lang ng sitwasyon. Pero kase... nagtitiwala kami sa mga plano ni Dean Amy.

Mahigpit nya ring ipinapangako samin na hindi namin sasabihin yung mga nangyayari kaya may magagawa pa ba kami?

"K-kailangan... kailangan lang siya sa Dean's office. Once you see her, tell her pumunta siya agad doon at..." Bumaling din ito kay Laurie. "Meet me there too after your training session, alone."

Gusto kong itapik yung kamay ko sa noo ko pero mabuti nalang at napigilan ko iyon. Sa reaksyon pa lang ni Khairro ay parang mas binibigyan nya pa ng kaisipan tong mga kaibigan ko eh.

'Anong sinabi?'

Narinig ko ulit ang boses ni Theo. Nilingon ko ito. This time, nasa akin na ang paningin nya at wala na ang kaninang kausap nya.

'Tungkol kay Reese, hindi mo ba narinig?'

Ilang minuto itong nakahalukipkip na nakatitig sakin. Hindi ako umurong at nilabanan din ang mata nya.

'Bakit ang sungit mo?'

Sasabat na sana ako pero nauna nang maglakad sila Reina kaya hindi ko na sinagot si Theo at mabilis na lang na sumunod.

Ci and Rei (ON-GOING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ