XX

6 0 0
                                    

Meters Away

Hanggang sa makauwi kami sa dorm ay hindi na ako tinigilan ng mga kaibigan ko. May nanenermon, may dumedepensa, at mayroon ding puring-puri sa buwis buhay na labanan namin ng Chilo'ng yun kanina.

Naghahanda na ang girls para sa dinner habang nakikigulo naman at siguro'y medyo tumutulong rin sila Lestheo. Medyo. Kase kanina pa rin sila ingay ng ingay lalo na si Laurie everytime na mali-mali ang binibigay na gamit ng kapatid kesa sa inuutos nya. Halos lahat kase kami ay may ginagawa sa kusina, well, except pala sakin.

Nanatili lang akong nakaupo roon habang pinagmamasdan silang nag aasaran sa harap ng countertop. I smiled.

I never thought I'd find such kind and amazing friends here. They're literally both a comfort and fun that i unexpectedly had in this academia.

"Ba't ka ba nambabatok? Eh sabi mo tongs eh, akala ko ba tagalog ng chopsticks ay tongs?" takang taka na sabi ni Theo na mas nagpa tapik ng palad ng mga kasama namin sa noo nila.

"Langya, at saang lupalop mo naman narinig iyan tol?"

"Sabi ni Aik–" natigilan din si Theo nang mapagtantong bumu-bungisngis na sa gilid si Aiki.

"Tangek" ani Laurie, "naniwala ka naman."

Saka ito tagumpay na humalakhak na nagpailing lang sa mga kasama namin. Pati ako'y napabuntong-hininga rin sa kalokohan nila.

"Tama na nga yan, ini-istress nyo yung prinsesa natin e."

Bigla nalang sumulpot si Ochea sa likuran ko at kunwa'y minasahe ang mga balikat ko.

"Tutulong na nga–"

"Wag na, mon ami!" agad na paupo ulit sakin ni Florice. "Ano ka ba, this is to celebrate your bravery kaya relaks ka lang dyan. Kami na ang maghahanda ng pagkain mo."

"Grabe! Kahit kailan di mo 'ko ginanyan, teh." sabat ni Eli na nagpatawa samin. "Unfair."

"Oy, hindi naman Eli. Ikaw kaya tong halos iwan nalang kami lagi dahil palagi kang parang bula na nawawala everytime may lakad kami." simangot ni Flor. "Sabihin mo nga sakin, may kini-kita ka ba secretly kaya napapadalas yung alis mo, 'o ano?"

Nanlaki ang mga mata ni Eli. Natahimik naman kaming lahat. Hindi ko alam. Pero parang nakita ko ang saglit na pagtapon ng tingin nya kay Lestheo na nakatingin lang rin sa kung saan. Nang sundan ko naman iyon ng tingin ay naka tingin naman sya sa... teka... sa kaibigan ko??

Habang hindi naman makatingin sa kanya si Laurie ay saglit na rin at biglang bumalik ang ingay nang umubo at tumawa si Aiki.

"Whatever it is guys, support lang rin naman tayo kay Eli, 'e." aniya at tinalikuran kami, "Oy ano ba kayo, nangingitim na yung fried chicken"

"Hala"

Agad naman silang nagsilapitan doon para sagipin ang niluluto habang nanatili akong nakapako sa kinauupuan ko, nakatingin lang kay Laurie. Hindi naman ito makatingin sakin na mas nag pa confused sakin

Is she trying to hide something?

I can't reach out to her mind dahil parang saradong-sarado ito. Pero sa mukha nya pa lang ay halata na ang kapunuan ng isipan nya ngayon.

Can we talk later?

A haze appeared as Eros' voice covered my ears. Binaling ko ang tingin sa kanya. I felt a tight wall starting to build surrounding us, na parang nakaramdam na ko agad na kami lang talagang dalawa ang makakarinig sa pinag uusapan namin sa isip.

'tungkol saan?'

I answered in his mind. I had a hint but I still waited.

Their confusing acts...

Ci and Rei (ON-GOING)Where stories live. Discover now