IV

17 0 0
                                    

Look closely


"You can just lay them here."


I payed so much attention with my luggages that our custodian brought in our dormitory. My father doesn't want this set-up, that I'll stay on Unveil Academia, saying I'm watched-over better when I'm in the palace. Pero buti nalang nakumbinsi ko rin siya sa huli.


I wouldn't want to head back and forth twice each day for almost an hour. That would be energy-draining and a hassle. Better yet this is, dahil iisang kwarto lang din kami ni Laurie.


That girl. Nasaan na nga ba 'yon?


"Settled, madame."


"Thank you."


Nang makaalis ang mga tauhan nami'y lumabas na'ko para hanapin si Laurie. Nadaanan ko pa ang Great Clock of Unveils at nataranta nang makitang mag-aalas diez na. Ang sabi ay may pupuntahan lang?


Pumasok nalang ako sa double doors ng large hall. Baka nauna na sya roon. Hindi man lang ako sinama. Hays.


Lagot sya sa'kin mamaya.


Wala na ngang estudyante sa nadaanan kong library. Paniguradong nagsisimula na ang klase. Nakakahiya naman ma-late!


"—the weapons that are made specifically for their given mastery. Take a look on the figures for reference..."


Pinaglapat ko ang mga labi ko at kinakabahang binuksan ang pinto ng lecture room. Napatigil din sa pagsasalita si Ms. Eda at napatingin sa'kin. Hinanda ko na ang sarili ko sa kung anong sermon nang kumunot ang noo niya.


"Sorry Miss." halos pabulong na iyon.


"Étudiante Reina, is it?"


Marahan akong tumango. Mas dumoble ang kaba. Hindi nya naman siguro ako isusumbong sa Dean or what?


I've been held back when she nodded, "Take your seat. I know you've just transferred into your dorm."


Nangunot ang noo ko. Nagtaka paano niya nalaman iyon. Hindi kaya kilala niya na ako? But... the King strictly hid my identity for future reasons?


Umupo ako at nilinga ang paningin ko. Mas nangunot ang noo ko nang makitang wala si Laurie sa upuan niya.


"Hey..."


Tinaas ni Eli ang noo sa'kin. "Hmm?"


"Si Laurie?" tanong ko. Tinuro ang empty seat. Tiningnan niya iyon at hindi ko na malaman ang naging reaksyon niya. Biglang bumakas sa mukha niya ang pag-alala. Nagulat ako nang magmura siya at biglang tumayo.


Pero bago ko pa siya tanungin ay isang tinig ang nangibabaw sa kwarto.


Ci and Rei (ON-GOING)Where stories live. Discover now