XI

17 0 0
                                    

Mission

Pabalik na ako sa dormitory mula sa Haunted Library na 'yon nang matigilan nang makarinig ng kaluskos sa malayo. Pinagmasdan kong mabuti ang pinagmulan niyon kahit nababalot ng kadiliman ang buong kagubatan. Unti-unting lumakas iyon na para bang ilang sandali lang ay may lalabas roon kaya pinabagal ko ang oras.

Wala akong dalang kahit anong panangga o panlaban dito. Kailangan kong bumalik agad sa dorm.

Pero bago pa ako makahakbang ay nakarinig ako ng mga boses. Halos pabulong ang mga iyon pero rinig na rinig ko. Marahan akong naglakad sa likuran ng isang puno para magtago.

"May nakita akong pumasok roon."

"Anong nangyari?"

"Wala naman akong narinig na pagsigaw o ano."

Huh?

"Restricted area to. Kahit sana bilang responsable ay hindi niya nalang pinalampas. Nanggigigil na ako."

"Papatayin ko siya."

Napatuptop ako sa bibig ko at mas nagtago nang dumaan sila malapit sa kinatatayuan ko. Dahil sa dilim ay hindi ko nakita ang mukha ng mga iyon.

Bumaha ang napakaraming tanong sa isipan ko. Papatayin? Sino ba ang tinutukoy nila?

Mga unveil ba iyon? Pero... bakit parang iba 'yong pakiramdam ko?

Fuck. Sinabi nang delikado dito, Reina e! Muntikan na ko doon.

Umayos ako ng tayo nang makitang wala nang kakaiba o tao sa paligid. Tumalikod ako at muntik nang mapasigaw nang may taong nasa harap ko pero tinakpan niyon ang bibig ko kaya hindi ko nagawa iyon. Bumilis ang paghinga ko sa takot. Sobrang dilim. Hindi ko makita itong kaharap ko.

Bigla akong nakarinig ng pag-alingawngaw ng threat alarm kaya mas nagpumiglas ako sa mahigpit na hawak nito sa'kin. My heart almost skipped a beat when I felt a rapid breathing on my ear. Sa wakas ay nahawi ko ang kamay noon sa bibig ko. I ran only to be held back again of its arms that enveloped my waist. Napatili ako pero mabilis na tinakpan niyon ulit ang bibig ko.

Dammit! Ang lakas niya at dahil sa dilim ay mas hindi ako makakita at makagawa ng paraan para lumaban. I felt its hand on my nape, preventing me to escape. Tinaas ko ang kamay ko at naramdamang leeg 'yong hinawakan ko kaya hinigpitan ko ang kapit roon. I broke its necklace and heard its curses on a whisper. Bumagsak ako sa sahig nang itulak ako nito palayo.

I groaned because of its painful impact on me, still chasing my breath. Hindi ko man makita ay naramdaman ko ang marahang yapak nito palapit sa'kin kaya automatic akong gumapang palayo.

"Please no..." I begged. Tears welling on my eyes now. I lost thought of everything. Hindi ko na alam kung ginagamit ko pa rin ba ang mastery ko o hindi. Shit!

Mamamatay na ba ako?

I kept crawling backwards until I reached myself out on the moonlit grasses. Napatingin ako sa kwentas na nakuha ko sa kaniya. It was intercepted swords. Familiar swords.

Before I could react, everything went black.

Loud chattering. Cold wind. Marahan kong inimulat ang mga mata ko at kumurap-kurap pa. Bumungad sa'kin sila Eli at Eros na nag-uusap sa malayo. Laurie was leaning on Aiki who was comforting her with Lestheo with them. Ochea was staring somewhere while fanning me. But I realized all of them was plastered with miserable faces.

We were in our dorm room. Natigilan ako nang maaalala ang nagyari. Napaupo ako at kaagad ding hinawakan ang ulo ko ng sumakit iyon.

"Reina!"

Ci and Rei (ON-GOING)Where stories live. Discover now