Chapter 13

143 19 3
                                    

Lae

WALANG IMIKAN.

Hindi na ako galit ngayon sa kanya. Sadyang wala lang kaming masabi sa isa't-isa dahil halos kanina ay nailabas na namin ang gusto naming sabihin dalawa.

"Para po." pagtigil ko sa sinasakyan naming tricycle dahilan para ako'y bumaba.

Iaabot ko na sana ang aking bayad nang may kamay na lamang na nauna sa akin kung saan iniabot nito sa tricycle driver ang buong singkwenta.

"Keep the change." rinig kong sabi nito sa driver hudyat para magpasalamat si manong at muling pinaandar na ang kanyang tricycle.

Napaawang ako.

"Dapat twenty pesos lang yung binayad mo." medyo nanghihinayang kong sabi dahil masyadong malaki ang binayad niya.

Para kasing mas mahal pa yung sukli kaysa sa naging pamasahe namin e.

Nakita kong ngumiti lang ito sa akin, "It's okay. I still have money." saad niya lamang at ipinakita sa akin ang laman ng kanyang wallet.

Wow. Tag-lilibuhin. Yayamanin talaga siya.

Pababa kami ngayon ng hagdan kung saan ang daan patungo sa aming bahay. Napatigil na lamang ako bigla nang may maalala ako kung kaya't agad kong ibinalik ang pansin ko kay Aidan.

"Aidan, bakit pala bumaba ka pa rito sa Palmera? Hindi ba dapat nagpadiretso ka na sa Francisco homes?" tanong ko rito nang pumasok sa aking isipan na mas maganda kung idiniretso niya na lang sa kanila iyong tricycle na sinakyan namin kanina.

Nang tumama ang ilaw ng poste sa kanyang mukha ay nakita ko na lang bigla ang pagbago ng ekspresyon nito na kung saan napalitan ng pagkaseryoso ang kanina niyang masayang awra.

"It seems like you're sending me home, huh? Don't you want to see me anymore, Lae?" tila walang gana na lamang nitong naging tanong sa akin.

Nabigla naman ako dahilan para agad akong umiling-iling sa harapan niya.

"Uy hala hindi ah! Nag-aalala lang kasi ako baka gabihin ka pa lalo kaya naitanong ko 'yon." paliwanag ko rito upang hindi niya ma-misinterpret ang mga sinabi ko.

Nakita kong bumalik ang mga ngiti niya. Matapos no'n ay malaya niyang ginulo-gulo ang buhok ko dahil mas matangkad siya kumpara sa akin.

"Why would you worry about me?" pilyo nitong sabi at inasar niya pa ako gamit ang pagngisi niya sa akin.

Para naman akong sinilihan at hindi ko alam ang gagawin dahil nararamdaman kong para bang anytime ay mapapansin niyang mamumula ang pisngi ko.

Imbis na sagutin ko ito ay nangaripas lamang ako ng takbo dahil ayaw kong ipakita sa kanya ang mukha ko na ngayon ay parang nangangamatis dahil sa pagkapula nito.

Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa at ilang beses na pagtawag nito sa akin subalit nagdire-diretso lamang ako ng takbo pauwi sa aming bahay.

"Pasok ka." pag-aya ko rito kay Aidan nang mabuksan ko ang pinto ng bahay namin.

Hindi man magarbo at malaki ang tahanan namin pero proud naman akong maayos at maaliwalas ito dahil halos araw-araw itong nililinis ni mama.

"Huwag mo ng hubarin yung sapatos mo, Aidan." sabi ko rito ng makita ko siyang magtatanggal sana ng kanyang sapatos.

Tatanggi pa sana ito subalit agad ko siyang pinigilan.

"Okay." tanging nasabi lamang nito at hindi na nakipagtalo pa.

Iniwan ko muna siya sandali at saka ako nagtungo ng kusina upang maghanap ng pwede kong maialok na pagkain sa kanya. Napangiwi na lamang ako at napakamot sa sariling ulo nang makitang walang iniluto si mama na panggabihan at tanging tubig lamang ang laman ng aming ref.

My Classmate has a Secret [BxB]Onde histórias criam vida. Descubra agora