Chapter 6

160 16 3
                                    


Lae

"Huy teh! Nakikinig ka ba?" Agad akong napabalikwas nang marinig ko ang boses ng katabi kong si Pamela.

Tumingin naman ako rito ng may halong pagtataka, "Ha? Sorry. Anong sabi mo ulit?" nangangamot-ulo kong tanong dito at pag-amin kong wala akong narinig sa kanyang mga sinabi.

Nakita kong umirap ito sa akin as t napailing-iling, "sinasabi ko na nga ba, lutang ka na naman, Lae Euwenn Alcantara!" mataray na sabi nito habang naglalagay ng johnson's baby powder sa kanyang mukha, "Ano ba kasing iniisip mo at kanina ka pa lutang teh? si Aidan na naman ba?" tanong pa nito na agad ko namang sinaway.

"Bakla ka! Huwag ka ngang maingay d'yan! May makarinig sayo huy!"

Hindi niya naman inintindi ang sinabi ko at muli lamang siyang napailing-iling sa akin, "E ba't ka ba kasi napapatulala teh?!" kulit na naman nitong tanong at tanging pagbuga lamang ng hininga sa kawalan ang nagawa ko.

"Broken ako teh." walang gana kong sabi habang isinusukbit ko ang aking bag sa aking likuran.

Nakita ko namang natigilan sa pagpapahid ng pulbos si Pamela dahil sa sinabi ko at lumapit pa ito ng husto sa akin upang mag-usisa, "Anong sabi mo? Broken ka? kanino naman?" tuluy-tuloy nitong tanong sa akin.

Tumango ako sa kanya at simpleng sinagot ang katanungan niya

"Kanino pa ba ako mabo-broken, Pamela. E 'di kay Aidan."

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha ngunit mabilis lamang iyon. Magsasalita pa sana ulit siya nang agad ko siyang putulin.

"Nasa'n pala si Rhea, Pam?" pag-iiba ko ng usapan at naging tanong sa kanya.

Nakita kong napakamot ito sa kanyang ulo dahil sa pag-iiba ko ng usapan.

"Galing mo rin talaga mag-change topic beh 'no?! Anyways, si Rhea nagpaalam kanina, kaso tulala mode ka nga kaya hindi mo napansin at umalis na siya."

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, "Umalis? Paanong umalis? Nauna na siya umuwi gano'n ba?" tanong ko pa rito hudyat para mapatango naman siya sa akin.

"Oo teh. Nagpaalam siya sa last subject teacher natin kanina. Ang paalam niya e' masama raw ang pakiramdam niya pero ang totoo uuwi lang ngayon yung kuya niya galing sa Saudi Arabia!"

Napatangu-tango naman ako dahil sa nakalap kong impormasyon patungkol kay Rhea.

Ite-text ko na lang siguro siya mamaya para manghingi ng Jergens na lotion, dove na sabon at favorite kong chocolate na toblerone.

"Teh! May sasabihin pala ako sayo. very urgent teh."

Napatigil kami sa harap ng eskwelahan nang magsalita bigla si Pamela.

Napa-krus naman ako ng mga braso at tinaasan siya ng kilay, "Bakit? Anong sasabihin mo? Natatae ka?" walang preno kong naging tanong rito dahilan para mahampas niya ako sa aking kanang braso.

"Loka-loka! Uminom na ako ng Diatabs! Hindi na ako nag-LBM teh!" sagot naman niya hudyat para matawa ako ng bahagya.

"E' ano ba yung sasabihin mo?" muli kong naging tanong sa kanya pero ngayon ay seryoso na ako.

Nakita kong nag-alinlangan pa siya no'ng una subalit agad niya rin namang sinabi, "Teh, sorry. Monthsary kasi namin ni Mark Leobert ngayon. Hindi pala ako makakasabay sayo. I'm sorry talaga, teh." saad niya at nakita kong lumungkot bigla ang kanyang mukha.

Natawa naman ako dahil sa itinuran niya, at para hindi ito makonsensya ay nilapitan ko ito, "teh! ano ka ba! ayos lang naman ako kung uuwi ako mag-isa! huwag ka ngang sad girl d'yan! 'di bagay sayo teh! Ako nga dapat ang sad girl 'di ba kasi ako ang broken kaya smile! Mag-smile ka kundi magmumukha kang maputlang tilapia!" birong sabi ko rito at pinilit ko siyang pinangiti.

My Classmate has a Secret [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon