Simula

654 37 4
                                    


"Congratulations, vice President! Top 2 ka na naman!" pang-aalaska ng isa kong kaibigan nang makarating agad ako sa aking upuan.

Hindi ko naman napigilang mapairap sa kawalan dahil sa kanyang mga itinuran.

"True! Akala ko pa naman magpapa-blow  out ka na nang sampung kariman at big size chillz na inumin sa ministop, girl!" natatawang paggatong pa ng isa kong kaibigan hudyat para mas lalo pa akong mairita sa kanilang dalawa.

Nakakabwisit! Hindi naman halata na ako ang trip nila 'di ba?

"Congratulations to the overall awardee for this year and to your exceptional class president, the cream of the crop, Aidan Lexius R. Buenavista." Masayang pagbibigay-alam ng aming adviser sa buong klase na siyang dahilan upang magsipalakpakan kaming lahat.

Opo, tama po ang nababasa ninyo dahil isa po ako sa daan-daang sumusuporta sa nag-iisa at walang kupas naming top 1 na si Aidan Lexius or also known as 'Ang baby loves ng buhay ko!'

Malaya kong natititigan ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Dahil nakatayo siya ngayon mismo sa tapat ko, at dahil na rin nasa second row ako ay kitang-kita ko ang napakagwapong mukha ni Aidan Lexius na kung saan ay literal na nakakalaglag ng salawal kada gagawa siya ng isang panibagong kilos.

Miski nga yata bumahing siya o humikab ay napakaperpekto niya pa rin sa paningin ko.

Haaaay! Kailan kaya magiging akin itong Anghel na ito?

"Amakana, accla! Naglalaway ka na!" natigil na lamang ako sa aking pagdedeliryo nang marinig ko na naman ang boses ng kaibigan ko.

Pasimple kong pinahid ang ibaba ng bibig ko dahil baka tunay ngang tumulo ang laway ko subalit mabuti na lang talaga ay hindi ito totoo.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at dahil nasa gitna nila akong dalawa ay rinig ko ang mahihina nilang halinghingan.

Mga baliw!

"Class, you're almost done with your third year, and the next year might be your senior year. I do hope that everyone will be able to finish this quarter, and perhaps all of you will graduate from high school." Halos madamdaming pahayag ng aming adviser na siyang dahilan para kaming lahat ay muling magsipalakpakan.

Medyo napataas ng kaunti ang kilay ko nang makita ang iba kong kaklase na naluluha. Lalo na no'ng makita ko ang top 3 naming si Claire na ngayon ay may tissue paper pa na hawak at medyo namumula-mula ang mga mata.

Ngek. Kaya lang naman nakapasok ng top 3 ang loka dahil PTA president ang nanay niyang bida-bida.

Charot! Hashtag #ChooseKindness.

"Aack! Oh my god! Finally, nasagutan na ni Aidan yung slam note ko!" sumisigaw na ulat ng isa kong kaklase na si Marvigel nang makalabas ang aming guro kasama ang baby loves kong si Aidan Lexius.

Matapos niya itong ibalita ay mabilis pa sa alas-kwatrong nagsipuntahan ang halos lahat ng mga kababaihan kong kaklase na natitiyak kong may paghanga sa lalaking bet na bet ko.

Hays! kakainis naman! Ang dami ko namang kaagaw kay Aidan!

"Huy Lae! Hindi mo ba narinig yung sinabi nung babaeng foundation na 'yon? Sumagot daw yung bebe mo sa slam note niya." rinig kong mahinang bulong ng isa kong kaibigan na si Pamela patungkol sa sinabi ng kaklase naming si Marvigel.

Napanguso ako habang pinasadahan ng tingin ang mga nagkukumpulang babae sa dulong row ng silya kung saan naroroon ang bangko ng may-ari ng slam note na sinulatan ni Aidan.

My Classmate has a Secret [BxB]Where stories live. Discover now