Chapter 8

122 17 10
                                    


Lae

"Tara inom?" rinig kong bulong sa akin ng katabi ko na si Matthew dahilan para mawala ang tingin ko sa dalawa.

Sinamaan ko lamang ito ng tingin at kahit paika-ika ako ay pinilit ko pa ring makapaglakad.

"Uy teka Lae sandali! Saan ka pupunta?" pasigaw niyang habol sa akin ngunit hindi ko na ito pinasadahan pa ng tingin.

Sa sobrang inis ko hindi dahil sa kanya kundi sa sarili ko kung bakit na lamang ako nagkakaganito ay gusto ko na lang talagang untugin ang ulo ko.

Nakakainis! Nakakairita! Bakit ba kasi ako nainlove sa taong hindi naman ako gusto? Bakit kasi kay Aidan pa?!

"Huy Lae! pwede ba huminto ka nga! tignan mo yung braso mo oh! may gasgas!" kahit okupado ang isip ko dahil kay Aidan ay narinig ko pa rin ang boses ng lalaking patuloy pa ring sumusunod sa akin.

Nang mapahinto ako ay agad akong lumingon sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay muli ko itong sinamaan ng tingin.

"Pwede ba, Matthew! Please lang, kahit ngayon lang, tantanan mo nga muna ako!" halos pasigaw kong sabi rito.

Napasabunot ako sa aking sariling buhok at muli akong nagbitaw ng salita, "Hindi ka ba nakakaramdam ha? Hindi mo ba nararamdamang kaya ako umiiwas sayo, sa mga tao ay gusto ko munang mapag-isa?! kaya please naman, Matthew. Please! kahit ngayon lang, hayaan mo muna akong mag-isa."

Hindi ko alam kung masasaktan ba siya dahil sa sinabi ko pero iyon ang totoo. Gusto ko munang magsolo at mapag-isa.

Nakita kong tumangu-tango ito at payak na ngumiti sa akin Matapos ay may iniabot ito na isang first aid kit na aking ikinabigla.

"I'm sorry kung napakakulit ko na sayo. Nakita ko kasing may sugat ka kaya gusto lang naman sana kitang tulungan." malumanay niyang sabi dahilan para unti-unti naman akong bumalik sa aking wisyo. "Gamutin mo iyang sugat mo ha. Kahit hindi man kalakihan 'yan, once na hindi kaagad ginamot e' pwede 'yang maging cause ng infection." dagdag pa nito hudyat para mapatangu-tango naman ako.

Para bang sa tagpong ito ay nakaramdam ako ng konsensya lalo na sa mga binitiwan kong salita.

Nakita kong lumawak ang mga ngiti niya, "Oh! Nababasa ko 'yang iniisip mo. Huwag kang makonsensya, Lae! Hindi ka gaganya---

Hindi niya na ako napigilan pa dahil patakbo akong nagtungo sa kanya habang hinayaan ko ang aking mga luha na tumutulo ngayon sa kanyang dibdib.

Mas lalo akong napaluha pa nang maramdaman kong gumanti siya ng yakap sa akin habang marahan niyang hinahagod ang aking likuran dahil patuloy pa rin ako sa aking pagluha.

"Ang sakit-sakit, Matthew.. Harap-harapan.. alam ko namang umpisa palang ay talo na ako e.. na mas importante sa kanya si Lia... Na mas mahalaga para kay Aidan si Lia kaysa sa akin... anong laban ko doon kay Lia? bukod sa maganda siya.. e' babae pa siya.. tsaka kababata pa iyon ni Aidan.. perfect match sila." lumuluha kong sambit kay Matthew na para bang nagsusumbong ako sa kanya ngayon.

"Tama talaga yung sinasabi nila e.. na assumero ako.. na ang lakas ng imahinasyon ko... na nagfefeeling ako na baka ma-crushback ng taong gustung-gusto ko... ayaw ko mang tanggapin yung sinasabi nila dahil masakit.. pero sa realidad, tama sila at kailanman hinding-hindi ako magugustuhan ni Aidan.." patuloy ko pang sabi habang humahagulhol sa dibdib ni Matthew.

Ang sakit naman kasi. Lalo na noong makita ko yung tagpo kanina. Parang sinampal ako ng realidad na lamang na lamang si Lia kumpara sa akin.

Ano nga ba ang tingin ni Aidan sa akin? Kaklase? O mas maigi sigurong sabihin na Kakompetensya?

My Classmate has a Secret [BxB]Where stories live. Discover now