Chapter 4

142 15 4
                                    

Lae

"Uno!" masaya kong saad at ibinagsak ang nag-iisa kong card habang ngiting-ngiti sa kanilang apat.

Nangangamot-ulo namang nag-ungot hetong katapat ko na si Pamela, "Ano ba naman 'yan! lagi ka na lang nauuna, Lae! Panalo ka na naman! Ang daya!" reklamo niya habang inaayos ang mga Uno Cards na pagmamay-ari ng katabi niya.

Si Marvigel.

"Kaya nga e! Eguls talaga kami sayo, Lae! Lagi kang nagwawagi. Masyado kang smart and tight!" patangu-tango namang sabi ni Marvigel at sinang-ayunan ang mga isinaad ni Pamela patungkol sa akin.

Teka, ano raw? smart daw ako tsaka tight?

Bago ko pa siya pagsabihan ay agad nang umeksena hetong si Rhea at walang pasabing kinaltukan ang katabi niyang si Marvigel, "lokaret ka! Anong tight ka d'yan? Teh! Bright 'yun teh! Hindi tight!" napapailing-iling na anas ni Rhea rito kay Marvigel na ngayon ay sapo-sapo ang napektusang noo.

Nandito kami ngayon sa likurang bahagi ng aming room. Na-announce kasi kanina na wala ang teacher namin ngayon dahil sa may meeting daw ito kung kaya't hinihintay na lang namin ang susunod naming subject.



Dahil nakasalampak kami sa lapag ay feel na feel namin ang paglalaro ng 'Uno Game.' Kanina pa nga sila reklamo ng reklamo dahil daw masyado kong ginagalingan.



Kasalanan ko ba kung magaling ako? char. Parang tunog mayabang sorry sorry.

Pero ang totoo, hindi naman talaga ako magaling. Inaaral ko lang tapos binabasa ko ang galawan nila. Ayun lang.

Nang mapaangat ang tingin ko ay agad kong hinanap ang upuan ng lalaking pinakagwapo sa buong klase ng Special Program in the Arts - section A. Hindi ko napigilang mapangiti nang masilayan ko ito ngayon. Seryoso ang kanyang napakaamong mukha habang nagtitipa sa kanyang mamahaling gitara. Sa sobrang pagtitig ko sa kanya ay huli na upang bawiin ko pa ang aking mga mata. Nahuli niya ako sa tagpong nakatingin lamang ang buong atensyon ko sa kanya.

"Uno!" Mabilis kong naiiwas ang mga titig ko kay Aidan nang marinig ko ang boses ng katabi kong si Rhea na ngayon ay halos maglupasay sa sobrang tuwa at saya.

"Sa wakas, naka-Uno rin ako!" dagdag pa niya kung kaya't napatawa na lamang ako.

Halos lahat sila ay tuwang-tuwa nang sa wakas daw ay na-defeat na raw ako.

Siraulo talaga 'tong mga kaibigan ko. Competitive sila masyado e 'Uno' lang naman itong nilalaro namin.

Nang muli kong pinasadahan ng tingin ang pwesto ni Aidan ay unti-unting napalis ang mga ngiti ko. Napakuyom ang aking dalawang kamay at nagpakawala ako ng sunud-sunod na hangin nang makita ko ang babaeng katabi ngayon ni Aidan Lexius.

Nakakainis! Bakit gano'n? Kada magkakaroon kami ng moment ng lalaking bet na bet ko ay saka ito papasok sa frame at ang ending e' ako ang lalabas na kontrabida para sa kanilang dalawa? Bwisit!

Mas lalo pang kumulo ang dugo ko nang makita kong halos sabay silang nagtatawanan na para bang nagkakaintindihan silang dalawa at sobrang close sa isa't-isa.

Letse! Nakakagigil!

"Kailangan ko nang gumawa ng paraan." Agad akong napatakip sa aking bibig nang hindi ko sinasadyang masabi ang mga salitang dapat na nasa isipan ko lamang.

Nang mapatingin ako sa mga kaibigan ko ay agad akong napakagat sa aking labi nang tignan nila ako ng may halong pagtataka, "Gumawa ng paraan?" tila sabay-sabay nilang sabi habang hinihintay nila ang magiging kasagutan ko.

My Classmate has a Secret [BxB]Where stories live. Discover now