Chapter 7

157 19 3
                                    


Lae

How about we meet at starmall after class?

Impit akong napahalinghing sa aking silya at tiniis kong huwag magtitili-tili matapos kong basahin ang text mula sa lalaking nakatayo ngayon sa gilid ng pinto habang hawak-hawak nito ang kanyang touch screen na cellphone.

Si Aidan.

Habang pinagmamasdan ko ang kanyang napakaamong mukha ay para akong praning na nangingiti-ngiti ngayon sa aking upuan.

Hindi ko talaga masisisi ang aking sarili kung bakit mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Dahil bukod sa kanyang angking kagwapuhan ay talagang masasabi kong mabuti rin ang kanyang kalooban.

Lalo na noong malaman niya kagabi na ako pala ang nakakausap niya.

Nawala bigla ang pagkatuliro ko nang makita kung paano na lang sumilay ang mga ngiti niya patungo sa akin.

Napakagat ako sa aking sariling labi upang pigilan ang aking kilig dahil baka may makaalam sa relasyon naming dalawa ni Aidan Lexius Buenavista.

Charot! Biro lang. Wala pa kaming relasyon sa ngayon. Oo na, makapal na kung makapal ang aking mukha pero alam ko sa sarili ko na may chance kaming dalawa!

No more delulu anymore.

"Huy teh! ba't parang nagdedeliryo ka? Ang pula ng mukha mo?! Ayos ka lang ba?" Natigil ang kilig ko nang marinig ang boses ng katabi kong si Pamela.

Naramdaman ko pang hinipo niya ang noo ko para i-check kung ayos lang ba ako, "Wala ka namang lagnat? Bakit ang pula ng mukha mo, teh?"tanong pa nito sa akin.

Mabilis akong kumuha ng pulbos sa aking bag at nagmadaling inihilamos ito sa aking mukha.

"Pasensya na kung mapula ang face ko, nakainom lang." saad ko na lamang ngunit para sa kanila ay nagbigay ito ng matinding pagkagulat.

"Huy loka anong sabi mo?!" medyo may kalakasang bigkas ni Pamela at napatayo pa ito sa kanyang upuan.

"Siraulo ka, Lae Euwenn! Totoo bang nag-inom kang walanghiya ka?!" dagdag pa ni Rhea at nakita kong napatayo rin ito habang nakakrus ang mga braso.

Nagsalit-salit ako ng tingin sa kanilang dalawa hanggang sa hindi ko na nakayanan pa at tumawa ako ng malakas.

Kahit kailan ay hindi na nagbago ang mga ito. Nauuto ko pa rin talaga sila.

"Biro lang mga baliw!" natatawa kong sabi sa mga ito habang naka-peace sign sa kanila.

Sabay naman nila akong sinamaan ng tingin.

Jusko! Ang epic nilang dalawa. Akala talaga nila na nag-inom ako? Jusmiyo. Kahit medyo bulakbol ako ng very light e' never pa akong nakatikim ng alak. Swear! Virgin pa ang bibig ko 'no!

"Nand'yan na si Ma'am!"

Halos lahat ng mga kaklase ko ay mabilis na nagsibalikan sa kanya-kanya nilang silya nang marinig ang pagsigaw ni Marvigel sa pagdating ng aming P.E Teacher.

"Good morning, Class!" bati ng aming guro na siyang dahilan upang kami'y tumugon sa kanyang itinuran.

Tumayo kaming lahat at saka sabay-sabay na bumati sa gurong nasa aming harapan, "Good morning, Ma'am Villablanca!" matapos ay naupo na rin kami sa aming silya.

"Okay. So now I'm happy to see that everyone is wearing their P.E. uniforms." ang sabi niya sa lahat at dahil napangiti siya ay napaganti rin kami sa kanyang matamis na ngiti.

My Classmate has a Secret [BxB]Where stories live. Discover now