Chapter 3

163 13 5
                                    


Lae


"Nakakainis! Hindi pwede! Bakit gano'n? Bakit magkasama silang dalawa! Nooo!" naluluha kong sigaw habang walang awa kong pinagbubunot ang mga bulaklak na ngayon ay nagsilagasan na.


Bwisit! Kumukulo ang dugo ko.


Matapos akong magtatatakbu-takbo kanina ay dinala ako ng aking mga paa rito sa malawak na joggingan na kung saan ay napakatahimik rito na para bang huni lang ng mga ibon ang iyong maririnig at mga nagbabanggaang talahib dahil sa lakas nang hampas ng hangin.



Nakakaloka! Hindi ko inaasahan na gano'n ang tagpong makikita ko. Bakit gano'n? Kailan pa sila naging close dalawa? Seryoso ba? BFF na ba sina Lia at Aidan?



Or worst.. baka naman ay tinatago lang nila ang kanilang relasyon at tuluyan na talaga silang magkasintaha--



"NO WAY!" naiirita kong hinaing nang maisip ko bigla ang posibilidad na mangyari.



Shuta! Hindi pwede 'yon! Hindi pwede maging sila dahil kami dapat ang bida ni Aidan Lexius sa istoryang 'to 'no! Sampid lang sa kwento si Lia at siya ang tunay na kontrabida. Hindi ako!



"Kailangan ko gumawa ng paraan." ani ko sa aking sarili habang palakad-lakad ako sa kalsada na kung saan ay bilang lamang ang mga dumaraan dahil medyo tago rito sa pinagpepwestuhan ko at masarap mapag-isa.



Habang taimtim akong nag-iisip ng medyo may kasamaang balak patungkol sa aking soon to be nobyo at sa kanyang kerida ay agad akong natigilan bigla nang may marinig akong parang nagtitipa ng gitara sa likod ng isang may kataasang puno ng mangga na hindi malayo sa aking pinaglalagyan.


When I see your face

There's not a thing that I would change

'Cause you're amazing

Just the way you are.


Lihim akong napangiti nang marinig ko ang boses ng lalaking ito. Nang makalapit ako ay hindi na ako nagulat nang makita ang nakatalikod na binatang kaedaran ko na feel na feel ang pag-awit ng isa sa sikat na kanta ni Bruno Mars, ang Just the way you are.


And when you smile

The whole world stops and stares for a while

'Cause, girl, you're amazing

Just the way you are


Eksaktong pagkabitiw niya ng huling liriko ay doon na ako nagpakita hudyat para gano'n na lamang ang gulat niya nang makita niya ako sa kanyang harapan.


"Lae?"nagtatakang tanong nito nang makita ang pagsulpot ko. "Kanina ka pa ba? Anong ginagawa mo rito?" dagdag pa nito na siyang dahilan para mapatangu-tango naman ako.

My Classmate has a Secret [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon