Chapter 5

158 17 8
                                    


Lae

"He loves me.. not?" mahina kong usal sa aking sarili habang pinitas ko ang huling talulot ng puting santan na napulot ko sa ilalim ng aking kinauupuan.

Malalim akong kumawala ng hangin sa kawalan.

Ang sakit pala kapag narinig mo sa taong gusto mo na wala raw siyang pakialam sayo.

Tulad ng mga binitiwang salita kanina ni Aidan.

Hays. Susuko na ba ako?

"Ba't malungkot ang beshy ko?" nang marinig ko ang pamilyar na tinig mula sa kinaiinisan kong nilalang ay awtomatikong tumirik ang aking mga mata.

Badtrip. Anong ginagawa nitong hudyo na 'to rito?

Nang maiangat ko ang aking tingin dito ay tinaasan ko lamang siya ng kilay, "Anong ginagawa mo rito?" masungit kong naging katanungan din sa kanya at napa-krus ako ng aking mga kamay habang hinihintay ang kasagutan niya.

Imbes na sagutin ako ay ibinalandra niya lang sa akin ang bitbit-bitbit niyang supot na tiyak kong may laman itong pagkain dahil medyo naamoy ko pa para itong pritong manok.

"Kumain ka." anito at inilapag sa akin ang plastik na kung saan nasilip kong tama nga ako na fried chicken at dalawang cup ng kanin ang laman.

Napatitig ako ng sampung segundo sa ibinigay niya at nang sumagi muli sa aking isipan ang kaganapan kanina na kung saan tungkol sa nakita ni Aidan na magkasama kaming dalawa nitong lalaking 'to ay uminit muli ang ulo ko at ibinalik lamang sa kanya ang plastik na may lamang pagkain.

"Ayoko kumain. Busog ako. Salamat na lang." walang gana kong sabi rito at tatayo na sana ako nang bigla na lamang tumunog ang aking sikmura.

Shet. Traydor naman 'tong tiyan ko o!

Nakaramdam ako ng kaunting kahihiyan. Lalo pa't nakasisiguro akong narinig ito ni Matthew kung kaya't mas lalo akong nanlulumo ngayon sa aking pwesto.

"Huwag ka ng ma-pride. Sige na kumain ka na. Gutom ka e. Narinig kong nag-alburuto yang sikmura mo. Masamang malipasan ng gutom, Lae." rinig kong saad nito sa akin.

Para bang nabingi ako at hindi makapaniwala sa mga nadinig ko. Nang pasadahan ko siya ng tingin ay gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakasulyap din ito sa akin, kung kaya't agad akong umiwas at iniba ang direksyon ng aking mga tingin.

Shet. Bakit gano'n? Parang bumaligtad yata ang mundo, at nagbago ang ugali nitong si Matthew. Bakit bigla na lamang siyang bumait?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na akong umupo upang lantakan na ang pagkaing ibinigay nito ni Matthew.

Ilang minuto ang lumipas at nanatili lamng kaming tahimik na dalawa dahil busy kami sa aming pagkain.

Subalit hindi rin nagtagal ay siya na mismo ang pumutol ng katahimikan nang bigla na lamang siyang magtanong,

"Sa tingin mo, may feelings ba talaga si Aidan doon sa ex gf ko?" saad nitong tanong sa akin dahilan para mapahinto ako sa aking huling pagsubo.

Napatingin ako sa kanya at walang anu-ano'y napatango ako bilang sagot.

Nakita ko namang napatangu-tango rin ito sa harap ko. Nang makaisip ulit siya ng tanong ay muli niya akong kinausap, "Gaano ka naman kasigurado na gusto nga ni Aidan si.. Lia?" dagdag niyang katanungan sa akin habang naka-krus ang mga braso nito ngayon at hinihintay ang aking isasagot.

Ininom ko muna ang C2 na ibinili niya kasama nitong mga pagkaing ibinigay niya. Hindi naglaon ay sinagot ko na rin siya, "Bale gan'to kasi 'yon. Ang feeling ko talaga, si Lia ang may gusto kay Aidan." paunang saad ko rito kay Matthew at nakita kong napatango lamang ito sa akin.

My Classmate has a Secret [BxB]Where stories live. Discover now