Chapter 9

142 17 11
                                    


Lae

Lamig galing sa buga ng malakas na hangin ng aircon ang gumising sa buong diwa ko. Nang magbalik ang malay-tao ko ay agad kong sinuri kung buo pa ba ako.

Malalim akong napabuntong hininga nang mapagtanto ko sa aking sarili na buhay pa ako. In short, i'm alive and kicking pa.

Subalit agad na bumalik ang takot ko nang mapagtanto kong nakabalandra ang katawan ko at tanging underwear lamang ang aking suot.

Shet. Anong nangyari noong wala akong malay at bakit nakahubad ako?

Agad akong nagmadali sa aking pagkakatayo mula sa higaan upang gawin ang binabalak ko. Kailangan kong mahanap ang mga damit ko dahil hindi ako makakalabas sa kwartong ito na tanging brief lamang ang aking suot.

"Nasaan na ba iyong uniform at pants ko?" bulong ko sa aking sarili habang hinahagilap ko kung nasaan nga ba ang aking mga damit.

Lintik naman kasi! Sino bang pontio pilato ang nagdala rito sa akin at masasapok ko talaga ang bet---

Natigil bigla ang aking iniisip nang magbukas na lamang ang pinto ng kwarto. Mabilis ko namang hinablot ang comforter ng higaan upang ipantapis ko sa hubad kong katawan.

"Hijo, ikaw ba yung tinutukoy ng alaga ko?" saad na lamang ng ginang at hindi ko napigilang mapatitig sa kanya.

Simpleng terno ng pantulog ang suot-suot nito. Sa tingin ko rin ay halos na singkwenta mahigit na ang edad niya dahil sa may malalago ng kulay puti sa kanyang hanggang balikat na buhok.

"Ho?" tanging heto lamang ang lumabas sa bibig ko nang marinig ko ang mga sinabi ng ginang.

Nalilito ako. Naguguluhan. Ang sabi nito ay ako raw ba ang tinutukoy ng alaga niya? Sino ba kasi iyong alaga niya?

Naghintay ako ng ilang segundo subalit hindi ito sumagot. Ngunit may iniabot ito sa akin na isang paper bag na tiyak kong pwede ko itong maisuot.

"Pagkatapos mong magbihis, magtungo ka sa sala." ani ng ginang na wala man lang emosyon habang siya ay nagsasalita.

Magtatanong pa sana ako subalit mabilis niya akong tinalikuran hanggang sa sumaradong muli ang pinto ng kwarto.

Ano ba iyong si mother. Masyado namang seryoso sa buhay.

Hindi na ako nagtagal pa dahil kanina pa ako nilalamig. Nagmadali na rin ako dahil may ilang oras na rin siguro akong nakahubad. Mahirap na dahil baka magkaroon pa ako ng kabag.

Sinunod ko ang mga bilin ng ginang. Maingat kong isinara ang pinto ng kwarto hanggang sa makalabas na ako ng tuluyan. Nang mapalingon ako sa paligid ay napagmasdan ko kung gaano kaganda ang loob ng bahay.

Kahit na 2nd floor lang ito ay napakalaki at napakaganda. Puting-puti ang kulay ng mga pader at mukhang galing sa ibang bansa pa ang mga gamit sa loob nito.

Napahinto ako sa aking pagmamasid nang marinig ko na lamang sa ibaba na parang may tumutugtog ng piano. Napasilip ako sa ibaba kung saan tama nga ang hula ko dahil may tumutugtog nga ng instrumentong nabanggit ko.

Nagmadali akong bumaba ng hagdan dahil nananabik akong makilala kung sino ang tumutugtog ng piano. Nakatalikod kasi ito sa akin kung kaya't hindi ko makita ang mukha nito.

Nang maihakbang ang huling baitang ng hagdan ay mabilis akong nagtungo sa kinaroroonan ng lalaki. Hanggang sa nasa likod na ako nito na para bang hindi niya ako naramdaman sapagkat patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa.

Napangiti ako nang makilala ko ang kanta. Isa ito sa paborito kong inaawit kada nakikita ko ito sa songbook o kahit pa man sa youtube.

Nang mapunta na ang tinutugtog niya sa korus ay bigla akong natigilan. Lalo pa't nang marinig ko ang malalim niyang boses na sobrang pamilyar sa aking pandinig.

My Classmate has a Secret [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon