Chapter 2

221 11 6
                                    

Lae

"Huy Lae! Mukha kang timang d'yan! Kulang na lang e' isubo mo yang hawak-hawak mo na panyo teh! si OA ka!" rinig kong saad ni Pamela sa akin dahilan para mapabalik ako sa realidad kung saan magkaharap kaming dalawa nitong kaibigan ko habang nandirito kami sa ilalim ng puno ng Narra.

Pag-irap lamang ang naging tugon ko rito at muli ko lamang pinagtuunan ng pansin itong panyo na hawak-hawak ko ngayon.

Oh jusko! Ang bango-bango talaga nitong panyo na ginamit namin kanina ni Aidan my loves! Alam kong pagmamay-ari niya ang panyo dahil galing ito sa bulsa ng kanyang pantalon. And take note, alam ko ring sa kanya ito dahil kaamoy lang naman nito ang paborito niyang cologne na 'Johnsons baby cologne' morning dew na color violet.

"Huy Lae! Ayan ka na naman! Natitimang ka na naman ses! Gano'n ka na ba talaga kaadik kay Aidan ha?!" muli akong napabalikwas sa pangalawang pagkakataon nang marinig ko na naman ang umaapelang bunganga ni Pamela.

Minabuti ko na lamang na itabi ang panyong hawak ko at dahan-dahan ko itong isinuksok sa loob ng aking bag. Matapos ko itong itago ay saka ako humarap sa kaibigan ko, "Nasaan na ba si Rhea, Pam? Ilang oras na tayong naghihintay dito ha." reklamo kong sabi habang nangangamot ulo akong napapalingon sa visual arts room kung saan naroroon ang isa pa naming kaibigan na nagpapahintay.

Sa totoo lang ay halos magte-trenta minuto na kaming naghihintay ni Pamela rito sa lilim ng puno at kanina pa tapos ang aming klase. Sadyang hinihintay lang namin ngayon ang paglabas ng kaibigan naming si Rhea sa visual arts room dahil gano'n naman ang aming araw-araw na routine tuwing mag-uuwian. Lagi kaming tatlo ang magkakasabay simula pa naman noong nasa elementarya pa lamang kami.

"Grabe Lae 'no! Ngayon ko lang napagtanto. Halos ilang years na rin pala tayong magkakaibigang tatlo. Kailan kaya tayo magiging magkaaway at magkakagulo?" nakangising pang-aasar ni Pamela sa akin hudyat para agad ko siyang mabato ng tuyong dahon na kanya lamang tinawanan.

"Loka-loka ka talaga! Hindi tayo pwedeng mabuwag tatlo 'no lalo pa't marami na kayong alam sa akin mga warka kayo!" natatawa-tawa ko namang saad dito na siyang pagganti niya rin ng malakas na halakhak.

Natigil bigla ang pagkakasiyahan naming dalawa ni Pamela nang matanaw ko sa di kalayuan ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Dala ng sobra kong kyuryosidad ay sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mapatayo na rin ako sa bangkong inuupuan ko.

"Huy Lae! Sinong tinitignan mo?!" nabigla ako nang marinig ko na lamang ang boses ni Rhea na ngayon ay nasa tabi ko na pala.

Nakita ko pang nagpalinga-linga rin ito at tila umiisyoso sa ginawa ko kung kaya't hindi ko na naituloy pa ang paghabol ko ng tingin sa isang pamilyar na nilalang.

Maagap ko lamang itong pabirong inirapan, "Napakachismosa mo namang bruhilda ka! Wala iyon, wala iyon! Namali lang yata ako ng nakita." palusot ko lamang dito upang hindi na humaba pa ang kanyang mga katanungan.

Upang maiba ang usapan, inaya ko na silang dalawa na tumayo na. Kanina pa rin kasi ako uwing-uwi sa totoo lang. Kung hindi ko nga lang bestfriend si Rhea ay kanina ko na siya iniwan subalit syempre may utang din ako sa kanya kaya mas maigi na hintayin na lang namin siya.

"Oh kumusta naman ang pagpapartner ninyong dalawa ni Aidan, Lae? Siguro naman ay naka-quota ka ngayong araw doon sa happy crush mo." ani Rhea sa akin habang naglalakad kami sa kalsada.

Bago ko siya sinagot ay nakisawsaw muna ako sa hawak-hawak niyang plastik na baso na kung saan ito ay naglalaman ng pinaghalong matamis at maasim-asim na suka.

"Ayon. going strong pa rin kaming dalawa ni Aidan." halos abot langit kong turan dito at sa huling pagkakataon ay inubos ko na ang balat ng manok na kinakain ko.

My Classmate has a Secret [BxB]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora