Chapter 28

82 5 1
                                    

Magdapit hapon nang nagpasya siyang bumalik na kami sa Main house. Kung hindi lang napansin ni Jana ang oras ay hindi kami matatapos. Our talk lengthens as the time goes by as our topics becomes unending. Iyon na siguro ang pinaka-mahabang pag-uusap naming dalawa ever since na bumalik ako. We were catching and patching things up. Somehow, it cleared some misconceptions in my mind.


“I heard you're going to undergo some rituals to nullify the power of your blood, Is it safe, Selene? Wala pa akong narinig na ganyang klase ng ritwal. I'm worried you might get hurt.”


Bigla nitong tanong sa gitna ng tahimik naming paglalakad patungo sa Main House. Agad akong napatingin sa kanya. Bumagal ang paglalakad ko. She was looking ahead, and yet, I can see worries beneath her eyes. Dahilan para bumigat ang pakiramdam ko.


Nag-aalala silang lahat, alam ko. Pero wala akong magawa para alisin iyon. I have to do what I needed to do, dahil para rin ito sa lahat. It's not only for my sake.


Nullifying my blood will hinder Jaxon on using it to gain immortality.  Ginagawa ko ito para sa kanila, sa lahat ng lahi. If they feel worried about me, there is nothing I can do about it. Siguro ang magagawa ko nalang ngayon ay ang pagaanin ang loob nila.


I nodded. “Don't worry. Wala kang dapat na ipag-alala, Jana. Safe ang gagawin namin. It will not harm me or anyone. Makakaasa ka na walang mangyayaring masama,” wika ko sa marahan na boses.


Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.
“Are you sure? Hundred percent? Kasi dugo mo ang pinag-uusapan dito. Sa salitang ritual pa lang delikado na, ano pa kaya kung tungkol ito sa dugo mo? I— we can't be so sure about this, Selene.” Tila hindi pa rin ito kumbinsido habang nakakunot ang kanyang noong nakatitig sa'kin.


I puff out a breath, and grab both of her shoulder. Marahan ko siyang tinitigan at binigyan ng maliit na ngiti. “I will be fine. Magaling na witch ang gagawa ng ritwal kaya alam kong magiging maayos ang lahat. But, if you're still skeptical about this, you are free to come and watch.” Saad ko rito na siya namang tinanguan kaagad pero bakas pa rin ang pag-alala sa mukha niya.


“Manonood ako. I am worried about you, and I am also worried about tomorrow. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawin mo pero, still, manonood ako. Just to make sure. Kung sakali man na may mangyari, I will intervene. Papayag ka man o sa hindi.” She blabber almost immediately. Para bang expect na niya ang sasabihin ko, but something's off.


Kumunot ang noo ko habang tinitigan siya nang may pagtataka. There was something in her tone. I can sense it. She's worried, yes, pero sa paraan ng pananalita niya ay para bang may iba pa itong nilalaman. Para bang may alam siya na siyang ikinabahala niya ng ganito.


“You are seeing something, am I right?” I calmly asked when I took the hint.


Natigilan siya. Ang mga mata niya ay hindi na makatingin sa akin. I knew it! She knew something, or maybe saw something in her vision, that made her this anxious.


Every power comes with great responsibility, they say, and her being an oracle isn't an exemption to it. Resposibilidad niyang gabayan ang sino mang nakita niya sa pangitain niya sa abot ng kanyang makakaya. At sa reakyon niya ngayon alam kong may kinalaman sa akin ang nakita niya.


I waited for her to respond, and when she nodded, a long, deep sigh escaped my lips. Just what I've thought.


“We should get going. Kailangan ko pang maghanda,” sabi ko nalang. Muli akong naglakad ngunit hindi pa man umabot ng dalawang hakbang ay nagsalita siya.


Daughter Of The Moon (SELENE 2)Where stories live. Discover now