Chapter 17

60 5 0
                                    

Agad kong nakita si King Lenard na nakaupo sa gitna ng napakahabang mesa pagkapasok namin sa loob. He wasn't alone. May kasama itong dalawang palace warrior na nasa magkabilang gilid.


“Salamat, Butler Graco.” Zach mumbled.


Napalingon ako rito atsaka sa lalaking nagbukas sa amin. I squint my eyes when I get to see his face. I know him. He was the man Jana and I came to meet in Adrant. Siya iyong lalaking nakausap namin na nakakatakot kung kausap. His quick change of behavior was scary for me. Pakiramdam ko that time, hindi siya mapagkakatiwalaan. I don't like his quirk as what I've remembered.


“You are so much welcome, Alpha Stone.” nakangiting wika nito atsaka yumuko.


I didn't avert my eyes to him. At nang itinaas nito ang kanyang ulo ay nabaling nito ang tingin sa akin na ikinatigil niya. Ganun lang ang kanyang pagkabigla nang makita ako. He becomes uneasy. Mabilis itong nag-iwas ng tingin. Napakunot ako ng noo nang tila ba'y hindi ito mapakali at nagmamadali itong lumalapit kay King Lenard saka bumulong. Tumatango-tango lang si King Lenard rito at nakita ko ang pasimpleng tingin nito sa akin.


Now I get it. May problema nga itong matanda na 'to sa akin. Una, nagulat ito sa akin dahil sa mga mata ko sa una naming pagkikita, ngayon naman, gulat na gulat itong nakita ako. Am I a ghost or something para magulat siya?


“Umupo muna kayo. Graco, can you please call some maids and bring them something to eat.” saad ni King Lenard sa amin at kay Graco na siyang tumango sa utos nang hari bago umalis.

Zach immediately seated not too far from the King. Tumabi ako rito habang si Jana naman ay nasa tapat ko umupo. When I was about to sit, ay biglang nagsalita si Zach.


“Let's get straight to the point, King Lenard. I have my pack to run.” his voice was stiff, and so he is.

Narinig kong bumuntong hininga ang hari. Gusto ko sanang pagalitan si Zach dahil sa kanyang ginawa pero naisip kong hindi pala kami magkasundo.


He was disrespecting the king, for god' sake!

Tumikhim ako para makuha ang atensiyon ng hari na siyang nagawa ko naman pero pati rin pala sa dalawa. Now the three of them are looking at me. Binalewala ko lang ang dalawa at ngumiti sa hari ng marahan at umupo nang tuluyan. Humarap ako sa Hari.

“Sorry for the intrusion, King Lenard. Pagpasensyahan niyo na rin po si Alpha Zachary. He's tired. Ako nga pala si Selene. I'm their ally, and I'm helping them in this war. Kung hindi niyo po mamasamain, bakit niyo po kami pinatawag rito?” Deretsa kong tanong. At bakit pati ako kasamang ipinatawag niyo?

Gusto ko sanang itanong iyon pero pinigilan ko. I know there are more explanation as to why he also called me. Maybe, I should ask him about it in private. Iyong kami lang dalawa dahil sa tingin ko alam ko na kung bakit niya ako pinatawag. He knows who I am. He knows what I am.


A knowing smile was plastered on his face. Napaiwas ako nang tingin dahil baka mahalata nang dalawa. But the two remain oblivious, which I was thankful. Sasabihin ko rin naman sa kanila ang tungkol sa akin pero hindi muna ngayon. Not when the king is here.

“It's about Death Arrow. They are attacking sooner than we expect.” problemadong imporma nito atsaka malalim na bumuntong hininga.


Ramdam ko ang stress ng hari sa mga nangyayari. His kingdom has been facing a lot lately. Ang Fiero Kingdom ang pangunahing pinupuntirya ng kalaban dahil ito ang may pinakamalaking sakop na lupain pati na ang hawak nitong pack. Kaya siguro sobrang stress na ng hari. Aside from Death Arrow may mga nagbabanta ring iba na lusobin ang kaharian. I just pray that they won't pair up with Death Arrow, or else, we're really done.

Daughter Of The Moon (SELENE 2)Where stories live. Discover now