Chapter 21

44 3 0
                                    

Who's back?



Iyan ang tanong na kanina pa nakaukit sa utak isip. Sino ang bumalik?



Yeah, I heard Jana said a name, Debby. Pero may isa pa. And I heard it clearly, she said they.



They are back.



They.



Ibig sabihin dalawa ang bumalik. Sino ang isa?



I wanted to ask them who's coming. I wanted to know who made Zach react like that. Bakit parang natigilan siya? Bakit parang may pagkasabik sa mga mata niya akong nakikita?



I want to ask them, but something stops me from doing so.



Malalim akong napabuntong hininga at napatingin nalang sa labas ng sasakyan. We are now travelling back to the pack. Pagkatapos ibalita iyon ni Jana ay mabilis na nag-aya si Zach na bumalik. Biglaan ang kanyang desisyon kaya hindi na ako nakapagpaalam kay Ina at Ama. And I think Butler Graco will tell the king about our sudden disappearance, since he was with us recently. Sana maintidihan ni King Lenard ang biglaang pag-alis namin. Mukhang may iba pa sana siyang gustong pag-usapan. He didn't say anything though, but I can see it, and I can feel it. Unfortunately, we left.



"Okay ka lang d'yan, Selene?"



Kaagad na bumalik ang diwa ko nang marinig ang boses ni Jana. She was looking at me from the rearview mirror. Her eyes show worry and cautiousness. It made me wonder by what her emotions meant. It made feel some uncertainties.



Nagtataka man ay binigyan ko siya ng maliit na ngiti, atsaka tumango rito. "I'm fine." sagot ko.



Tumango rin siya sa akin at ngumiti ngunit nando'n parin ang emosyon na tila pilit niyang tinatago sa likod niyon. "Naiinip ka na siguro. Don't worry, malapit na tayo."



I just nod my head and bit the inside of my right cheek. Hindi na ako muling nagsalita pa. Ewan ko ba. Nawalan ako ng gana bigla. Para akong napanghinaan ng loob bigla. Dahil ba nasayangan ako sa lakad namin dahil umuwi kami agad, o dahil sa rason kung bakit kami uuwi? Either, I suddenly feel out of energy.



Makalipas ang ilan pang minuto ay unti-unti nang bumungad ang iilang bahay ng pack. Unti-unti ko na ring nakikita ang main house. At habang papalapit kami, unti-unti ring bumabalik ang kaba ko.



Naunang bumaba si Jana at mabilis na dumeretso papasok ng bahay nang hindi man lang lumingon sa amin. Gusto ko pa sanang sumabay sa kanya pero nawala na siya sa paningin ko. It seems, she was excited to see Klaus' mate again.



Bmuntong hininga ako. Tumingin ako kay Zach at nakitang nag-alis ito ng seatbelt bago bumaba sa sasakyan nang hindi man lang tumingin sa akin. Muli akong napabuntong hininga bago bumaba.



I may not see it, but I can feel it. He's excited too. Just like Jana. His excited to see someone else inside the house.



Kinagat ko ang ibaba kong labi nang naramdaman ang biglang pagguhit ng sakit sa'kin. Nasasaktan akong malaman na nasasabik siya ngunit hindi pa rin ako ang dahilan. It will always never be me, I guess.



Mabigat ang naging hakbang kong sumunod sa kanila papasok ng main house. Pagbukas ko ng pinto bumugad sa akin ang mga boses na nag-uusap sa masasayang tinig.



Puno ang buong sala kaya hindi ko kaagad nakita sila Jana. Iginala ko ang tingin sa buong sala para makita sila. Sa gitnang bahagi kung saan nakapwesto ang mga upuan, una kong naaninag si Klaus na may katabing babae at katabi naman ng babae ay si Jana. Pare-parehong nakangiti ang tatlo habang nag-uusap. Panaka-naka rin ang halik ni Klaus sa ulo ng babae. He looked relieved and relaxed now that his mate is here.



Daughter Of The Moon (SELENE 2)Where stories live. Discover now