dyéz

7 1 0
                                    

Late ang gising ko, mag aala-una na rin kasi ako nakatulog kagabi. Mabuti na lang ay linggo ngayon at walang pasok.

Nag punta ako sa garahe kung saan nakaparada ang bike ko. Nag babalak kase ako mag punta ng market para mamili ng gamit sa gaganapin naming role play. Kaya din nag punta kagabi yung tatlo dahil sinabi nila na mag kakagrupo kami sa isang dula-dulaan. I was assigned to buy things, ayun ang ambag ko for our role play na gaganapin sa Tuesday.

I grab my things and dumeretso sa garahe. I brought my mini bag na kasya ang need ko dalhin like my phone, wallet at panyo. Since may basket naman ang bike ko, no need na mag dala ng malaking bag. Hindi pa rin ako nakakapag almusal, iniisip ko kase na mag almusal na lang mamaya sa market dahil madami namang store doon na pwede bilhan ng pagkain.

About 25 minutes din ang binike ko para makapuntang market. Malapit lang naman ito sa mansyon, tago lang talaga ang bahay ko kaya hindi ito pansinin at mapagkakamalan mong may kalayuan.

Dumeretso ako sa school supplies store na pinuntahan namin ni Ino noon. Doon ko talaga binalak na mamili dahil nga mas mura ito kumpara sa malls. After I bought everything I need to buy ay dumeretso ako sa may mga food court. Malayo pa lang ay amoy na amoy ko na ang masarap at mabangong mga pagkain. Dahil sa hindi ako makapili ay nauwi ako sa pag kain ng goto. It was like a porridge with some meat and an egg. It was my first time eating this at sobrang sarap niya. I didn't thought that a porridge can be this good. After ko kumain ay balak ko sanang bumili ulit at iuwi iyon kaso wala naman akong pag bibigyan. Si Kuya Jeron kase ay inutusan ni Lola na umuwi pa muna saglit sa Bataan at samahan si Tito Thaniel sa project na gagawin, busy si Tito Jaruz sa kaniyang trabaho bilang Piloto kaya't Wala talagang makakasama si Tito Thaniel. Hindi ko lang alam kung bukas ay hindi parin makakauwi si Kuya. Well, kaya ko namang mag commute. Kuya Jeron teach me once how pero kung sakaling gagawin ko yun, iyon ang unang beses ko sumakay sa public transportation.

Since wala naman akong masyadong gagawin ay nilibot ko ang buong market. Masasabi kong mahirap talaga kumita ng pera, sa tuwing nakikita ko ang mga nag titinda ay di ko lubusang maisip kung sapat kaya ang kanilang kinikita sa pang araw-araw. I didn't hate the fact that this place was smelly because of seafoods, uncleaned and hot. Dahil doon mas bumilib ako sa mga nag titinda because despite of the hindrance hindi sila kailanmang sumuko.

Nagtungo ako sa may pinakadulo ng market, walang masyadong tao roon kaya doon ako nag pahinga. May bakanteng upuan roon, saktong mahangin kaya mas narelax ako kahit papaano. Medyo na kakapagod rin na maglakad lakad dahil Malaki talaga ang market na ito, dito halos namimili ang mga tao. Napapikit ako saglit dahil dinadalaw ako ng antok dahil sa puyat. Habang kasalukuyang nakapikit ang mga mata ko at nag papahinga ay may narinig akong ingay mula sa aking tabi.

"Meow..." Sabi ng isang pusa dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Itim ang pusa, kulay yellow at blue ang mata nito at masasabi kong medyo bata pa ito dahil sa liit ng kaniyang katawan kumpara sa mga pusang matatanda na.

Lumapit ito sa akin at tinapik ang aking kamay na nakatukod sa upuan. Matapos kong ilahad ang aking kamay ay nag tungo ito sa akin at saka inipatong ang mukha niya sa palad ko. Hinawakan ko ang ulo n'ya at ito ay hinagod. Napapikit pa ito at muling nag salita gamit ang kaniyang lenggwahe.

Nawala ang tuon ko rito ng may sumigaw na Isang may katandaang lalaki.

"Gumalaw naman kayo! Wala kayo sa buwan para mag bumagal kung kumilos." Makahulugan nitong sabi. Hindi ko na ito pinansin at muling itinuon ang atensyon ko sa pusang katabi ko pero huli na, wala na ito. Malamang ay nabigla rin siya dahil sa nangyari kanina at natakot kaya ito umalis.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko ng mapansin ang oras. Matapos kong ayusin ang mga na ipamili ko ay nakita ko muli ang pusa kanina na ngayon ay tumatakbo na patungo sa akin. Napansin ko na may kagat itong maliit na isda. Nakita ko rin na hinabol ito ng matandang lalaki kanina na sumisigaw. Hinarangan ko ito nang magtagpo ang aming puwesto. Nang gigil sa galit ang matanda at ito'y muling bumulyaw.

It's the Man Hater ; La Seríez #1Where stories live. Discover now