saís.

7 0 0
                                    

Kotse. Nagising ako sa loob ng kotse, Katabi ko pala si Ino. Nagulat ako nung na realized kong nakatulog pala ako sa balikat ni Ino. Saktong huminto ang kotse sa mansyon kaya't agad akong umupo ng maayos. Nang huminto ito ay agad na lumabas si Kuya Jeron. Nakita ko naman ang pag galaw ni Ino at saka akmang lalabas na ng kotse.

"W-Wait, Ino!" Mahinang sigaw ko, huminto naman ito at saka tumingin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko kase unti-unti na naman kumakalat ang lamig ng presensya niya.

"Ano?" Tanong nya, hindi ko agad ito sinagot at tinignan ang bawat parte ng kotse.

Nakita ko ang lunch na ibibigay ko sana sa kaniya kanina at yung pagkain na ibinigay sa akin ni Morozov.

"Ah... S-Sayo na lang ito oh." I said at inabot ko sa kaniya yung Strawberry cake at Dutchmill. Napansin ko na hindi niya iyon kinuha kaya, pilit ko iyong ibinigay sa kaniya. Napansin ko na medyo tinitigan niya yung Dutchmill kaya naman agad kong tinanggal yung mini note na sulat ni Morozov.

Nung ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay sa ibang bagay na siya nakatuon. Hinanap ko kung ano ang tinitignan niya kaso bigla naman siyang nag salita kaya napatingin na lang muli ako sa kaniya.

"Hindi ako mahilig sa matamis." Walang emosyong saad nito, ibibigay na niya sana muli sa akin ang pagkain pero biglang bumukas ang pinto at bumungad si Kuya Jeron.

"Ah Chiev– Ms. Saruischians, hindi po ba kayo papasok?" Tanong nito nag mapansin na nasa loob pa rin si Ino, tumango ako bilang sagot at kinuha ang mga gamit ko bago lumabas. Sumunod naman si Ino na lumabas ng kotse.

"Ah– Miss!" Sigaw nya nung nag simula na akong maglakad papalayo.

"Throw it or eat it. Ikaw na ang bahala kung anong gagawin mo d'yan. I also don't eat sweet foods." Baling ko sa kaniya at ngumiti. Nakita kong kumunot ang noo niya kaya't lalo akong napangiti. Tumalikod na lang ako at nagsimula nang umalis.

Nung makapasok ako ay kinausap ko si Kuya Jeron, pilit ko kaseng inaalala ang nangyari kanina. Hindi ko alam pero di ko gaanong maalala kung ano ang nangyari.

"Kuya... What exactly happened?" Tanong ko at inilahad niya ang mga impormasyon na alam niya at nasaksihan niya.

Kinabukasan. Gumising ako nang maaga at nag prepare na ng pagkain, as usual 2 breakfast and lunch ang prinepare ko. Hindi ko pa rin gaanong maalala ang nangyari kahapon. Ang alam ko lang ay mag aalas-singko na kahapon at medyo madilim ang kalangitan, bumaba na ako ng Chrímata at naglakad palabas ng University. Saktong nag lalakad ako at... May lalaking nakatingin sa akin ng masama, tumakbo ako patungong parking lot at may nabunggong isang lalaki. Pilit niya akong pinapakalma, narinig ko namang sumigaw si Kuya Jeron bago ako mawalan ng malay. Base sa kuwento ni Kuya Jeron ay nakita niya ako na mangiyak-ngiyak kasama si Ino at nung makalapit siya ay nawalan ako ng malay.

Kung ayun lang naman ang nangyari kahapon ay mabuting nabangga ko si Ino. Sabi ko nga isa akong Man Hater, I have experience things before na hinding hindi ko nanaising mangyari muli. Except sa iniwan ako ng tatay ko nung 5 years old ako sa mansion ng mag isa, there is something na nagyari pa sa akin bago lumala ang pagiging Man Hater ko. I hate to think about what happened that day at ang naging situation ko nung time na yon. Nang dahil doon, nagsimula yung traumatic experience ko at lumala iyon. I almost didn't try to have interactions in any men, even my grandlolo. Na overcome ko lang yun nung tulungan ako ni Kuya Jeron laban sa mga bullies na kaklase ko. Though di ko totally na aalala kung anong nangyari nung time na yun since Kuya Jeron promise to my grandparents to not open that situation sa akin, baka kase ano pa ang mangyari.

Anyways, naghanda na ako nang gamit ko at saka lumabas na nang mansion. Narinig ko na rin kase ang busina ni Kuya Jeron hudyat na hinihintay na niya ako. Matapos kong makapasok sa loob ng kotse ay marahan ko munang inaayos ang mga gamit ko ganon na din ang buhok.

It's the Man Hater ; La Seríez #1Where stories live. Discover now