otsó

3 0 0
                                    

2 weeks, dalawang linggo na ang nakalipas simula nang magpasukan. I feel so much pain, sobrang dami ng nangyari. I wish I didn't transfer in this school. Akala ko iba na ang school na ito from my previous one, yet still the same.

Flashback...

Am I being followed?

Yan ang unang nasa isip ko ng tignan ang gate ng mansion na tinitirahan ko, something was off. I was about to walk straight to the gate when Kuya Jeron grab my wrist.

"Tara na po, Ms. Saruischians." Nakangiting sabi nito, inagaw ko ang kamay ko sa kaniya at hindi siya pinansin. Though Kuya Jeron and I were close, I do sometimes act like this only if I needed to.

Nag sorry naman si Kuya Jeron sa inasta niya, medyo na gulat din kase ako sa ginawa niya kaya di ko na iwasang gawin 'yon. Napabuntong hininga ako at saka naglakad na papasok ng mansion.

Wala naman masyadong nangyari sa sumunod na araw bukod sa bulungan kapag lumalapit sa amin sila NJ at Morozov. Sikat talaga kase yung dalawa. I never intended to be friends with Morozov since sikat siya at ayoko sa ugali niya. Sa lahat ng katangian niya kabaliktaran siya ni Savino. If it wasn't for Jazyelle, I will never talk to him. Magkatabi din sila ni NJ kaya hindi ko talaga maiwasan na hindi kami pag usapan. Hanga naman ako kay Jazyelle, nakakaya niya na pag usapan kami at sabihan ng kung ano-ano. Hinahayaan niya lang yung mga bagay na 'yon, nung tinanong ko siya paano niya nagagawa iyon at bakit parang 'di siya apektado ay sabi niya na lang na she's too busy para patulan yung small things na yun. Isa kasi s'yang Axials, being an Axials means your half body will be in the university or to be specific ay lagi silang nakaduty.

After that three long days...

Sabado ngayon. NJ, Tito Thaniel and Tito Jaruz decided to move out. Nakitulog lang sila dito sa mansion since hindi pa na-aayos yung condo na binili nila malapit lang sa Axisere. They gave me snacks and stuff from Korea na pasalubong nila sa akin, hindi kase nila ibinigay agad iyon since pagod silang lahat sa byahe papunta rito at masyado silang busy sa pag aadjust.

Matapos nila lumipat, nag aya si NJ na ipasyal ko siya sa kung saan. Natawa ako dahil I never thought of NJ acting like a brother to me. Sakto kaseng pag pasok namin sa Mall dumeretso sya sa mga clothes shop and grab anything he likes. I almost forgot that he is a model nga pala kaya he likes clothes so much. Binili nya rin ako ng damit, shoes, alahas at kung ano pa. Hindi na din naman ako umangal sa ginagawa niya at ibinibigay niya sa akin. Nature niya na kase ito, he's always act like this towards me, he's acting like my brother and spoiling me. Pero I never ever thought he would act like this since only child din siya. Madalas once a year lang sila umuuwi noon dito sa Pilipinas, bumibisita sila at nakikipaglaro sakin.

After namin mamili ay inilagay pa muna namin ang mga binili sa kotse niya. Bago din ang car niya, kakabili niya lang nito kanina before kami mag Mall. If I wasn't mistaken it was a 'Land Rover Range', a black one. He's also proud to himself kase this car is from his own salary. Nakakalula ang presyo ng kotse niya, ngayon lang ako nagulat sa presyo ng isang bagay. Di kase ako totally tumitingin sa presyo, as long as I want it I'll grab it and put it in my cart, yun ang lagi kong ginagawa. Simula ata nung dinala ako ni Savino sa cheap school supplies store ay naging mapatingin ako sa presyo.

Bumalik na kami sa Mall to eat some meal, mag lulunch na din kase kaya NJ pull me into a Japanese Restaurant. He said he's craving for Ramen. Sumang-ayon nalang ako since matagal na din na hindi ako nag Ja-Japanese food.

We sat to the table near the window, nag excuse pa muna si NJ kasi mag cc-r lang daw muna siya. Inabutan ako ng waiter ng menu at siyang tinanguan ko. I keep scanning on the menu since 'di ako makapili.

It's the Man Hater ; La Seríez #1Where stories live. Discover now